;
embed embed2
  • Hindi Makapagpatingin? Pregnant Moms Share What Their Ob-Gyn Told Them

    Paano ang check-up kung hindi makapunta sa ospital o clinic ni doktora?
Hindi Makapagpatingin? Pregnant Moms Share What Their Ob-Gyn Told Them
PHOTO BY iStock
  • Bukod sa pahirapan sa pagbili ng supplies, pagtuturo sa mga bata, at pagsaway sa mga seniors, naging challenging din ang pagpapacheckup ngayon sa pedia ng ating mga anak at sa ating mga Ob-Gyn.

    Maraming mga buntis ngayon ang hindi makapunta sa kanilang mga doktor dahil sa enhanced community quarantine na dulot ng banta ng COVID-19. Hindi naman pwedeng ipagwalang bahala ang prenatal checkup, kaya naman kanya-kanyang paraan ang mga nanay at ang kanilang mga OB kung paano masisigurong hindi mawawala ang komunikasyon nila sa isa't-isa.

    What other parents are reading

    Kwento ni mommy Christian Diorella, Viber ang ginagamit nila ng OB niya para mag-usap. Ganoon din ang ginagawa nina mommy Julie Ann at mommy Marse Fariñas-Austria. Kwento pa nga ni mommy Marse, buti na lang at pwede niyang i-access ang resulta ng kanyang mga laboratory tests online. Naipadala niya ito sa kanyang OB sa pamamagitan ng Viber. "I don't want to risk it to go out and do my checkup," pahayag niya. "Prayer and tiwala na lang, with constant communication with OB."

    Constant communication din ang ginagawa ni mommy Estee David-Tolentino, lalo na't sa kasalukuyan ay nakakaramdam na siya ng early signs of labor.

    Sobrang thoughtful at approachable naman daw ng OB ni mommy Ayn Descalsote-Natividad. "We'd communicate via text from time to time like when I'd feel so stressed out that my tummy would tighten," kwento niya.

    Sa kabuuan daw ay pinayuhan si mommy ng doktora niya na magrelax, kumain ng tama at masustansiyang pagkain, at uminom ng maraming tubig. "[She asked me to] continue with my supplements and if things don't go well by the time I give birth, I was told to look out for the nearest, if possible, COVID-19-free hospital I can find," pagbabahagi ni mommy. "Aside from this LDR-OB-consultation, I also have my ever dependable prenatal app What To Expect and some readings from the birthing class I attended back in February," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Pagbabahagi naman ni mommy Cyrill Joy Bocalan-Capiral, mahigpit na bilin ng OB niya na huwag munang lumabas ng bahay si mommy. Kwento pa niya, lahat ng kanilang mga konsultasyon ay ginawa nila online. Nang magkaroon si mommy ng rashes at kulani, pinayuhan siya ng OB niya na umiwas sa malalansang pagkain at saka siya nito minonitor online.

    Umaasa naman sa normal delivery si mommy Lhe Ann Santiago. Payo ng OB niya, ipagpatuloy lang niya ang pag-inom ng ferrous sulfate at paggawa ng squats araw-araw. May doppler din at pang-BP si mommy kaya namomonitor niya ang kanyang baby.

    What other parents are reading

    May mga gamit din tulad ng blood sugar monitor si mommy Sheryl Anne na siya niyang ginagamit para siguruhing maayos ang lagay niya at ng kanyang baby. "I have gestational diabetes," kwento niya. "My OB and I message each other through Facebook and Viber. "There are many reasons for me be worried and anxious on top of the COVID-19 crisis but I know it will not help the situation. The last thing I want is to give birth earlier then expected so I try to relax and keep myself busy. I am lucky to have supportive doctors who I can reach out to anytime to keep me sane," pahayag niya.

    What other parents are reading

    Kung katulad ka rin nila na hindi makapunta sa iyong OB para makapagpa-checkup, ang una mong dapat gawin ay makipag-ugnayan sa iyong OB online para maiayos kung saan kayo mag-uusap. Kung hindi mo naman nakuha ang contact details ng OB mo, pwede mong tignan ang directory na ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May mga libreng medical consultations na ngayon online—mayroong mga OB, pedia at occupational therapists, speech pathologists, at psychologists na pwede mong makausap.

    Para sa latest updates, kwento, at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles