embed embed2
Part 2 Ng Prenatal Yoga Routine Sa Bahay Ni Solenn Heussaff-Bolzico
PHOTO BY YouTube/SolennHeussaff
  • Walang pagsidlan ang kaligayahan nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico nang isilang ang kanilang anak na si Thylane Katana, January 1 ngayong taon. Sa ospital na nga nagbagong taon ang mag-asawa habang hinihintay nila ang kanilang munting anghel.

    Ngayon ay patuloy na nagpapagaling si Solenn, isang buwan matapos ang kanyang C-section delivery. Ibinahagi na rin niya sa publiko ang napakaganda at inviting na baby room ni Thylane. 

    Samantala, sa kanyang YouTube channel at blog, ibinahagi ni Solenn ang ilang dos and don’ts sa prenatal yoga, pati na rin ilang breathing techniques, at poses na maaaring makatulong sa mga nanay, ano mang stage na sila ng kanilang pagbubuntis.

    Kwento ni Solenn sa kanyang blog, malaki ang naitulong sa kanya ng prenatal yoga kaya kahit nakapanganak na siya, ibinahagi pa rin niya ang video sa kanyang channel. "Prenatal yoga really helped me physically and mentally before giving birth, up until now when I’m recovering from my C-section. Maybe it will help you too," sabi niya.

    Kasama ni Solenn sa video ang kanyang prenatal yoga instructor na si Isabel Abad Santos ng P.Y.T Studio MNL.

    Anu-ano ang mga dos and don’ts na dapat tandaan?

    Iwasan ang mga tinatawag na deep flexions

    Ayon kay Isabel, okay lang na 'yakapin' mo ang baby mo sa pamamagitan ng pag-squeeze sa iyong tiyan, ngunit hindi ito pwedeng gawin ng sagad.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basta naramdaman mo nang may bahagyang strain na sa iyong tiyan, kailangan mo nang tumigil. 

    What other parents are reading

    Iwasan ang deep squats

    Hindi ka na rin pwede sa mga deep squats. Maganda itong birthing position, pero kung malayo ka pa sa iyong due date, isa ito sa mga ehersisyong dapat mong iwasan. 

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Mas magandang maupo ka sa mga bolster pillows kung gagawa ka ng floor exercises. Pwede ka ring maupo sa sofa kung nahihirapan ka nang buhatin ang sarili mo tuwing tatayo ka.

    What other parents are reading

    Uminom ng maraming tubig

    Payo ni Isabel, kahit hindi ka masyadong nagpapawis dahil hindi ka rin naman masyadong gumagalaw, importante pa rin na uminom ka ng maraming tubig. Dagdag pa ni Solenn, nakakatulong ang tubig sa iyong amniotic fluid. 

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Makakatulong din ang tubig para i-flush out ang ano mang toxins sa iyong katawan.

    What other parents are reading

    Sumama sa mga klase

    Sapat na ang 15-30 minutes para dito. Malaki ang maitutulong nito para mas maging malakas ang iyong pangangatawan habang ika’y buntis at hanggang ika’y makapanganak.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Mas magiging magaan din ang iyong pregnancy at motherhood journey kung mayroon kang mga taong makakatuwang. Payo nina Solenn at Isabel, mas magiging madali at masaya ang mga exercises kung mayroon kang kasama. "You can share tips—especially moms who have experience," kwento ni Isabel.

    What other parents are reading

    Pumili ng mga simpleng exercises

    Bawal na muna ang jogging o anumang mga ehersisyong pwedeng matagtag o maalog ang bata sa iyong sinapupunan.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda para sa iyo ng maglakad o 'di naman kaya ay gumawa ng mga simple at magaang hip exercises. Pwede ka rin sa mga arm exercises. Makinig ka lang sa katawan mo at sa mga payo ng iyong doktor at yoga instructor.

    What other parents are reading

     

    Anu-anong mga exercises ang makakatulong para sa mga nararamdaman mong tension sa iyong katawan?

    Tabletop

    Maganda ito para i-relax and iyong tiyan. Sa ganitong posisyon, para mo na ring idinuduyan ang iyong anak.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Makakatulong ito para maibsan ang ano mang tension na nararamdaman mo sa iyong likuran. Pwede mo rin itong singitan ng exercise na tinawatag na cat-cows, kung saan itataas at ibaba mo ng dahan-dahan ang iyong likuran.

    What other parents are reading

    Lizard Lunge

    Pwede mong gawin ito kung gusto mong mapabilis ang 'pagbaba' ng iyong anak.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung mahirap sa iyo na bumaba sa sahig, pwede kang gumamit ng unan o hindi kaya ay gawin ito sa sofa. 

    What other parents are reading

    Puppy pose

    Kung ayaw mo namang bumaba agad ang iyong anak, pwede mong gawin ang puppy pose.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Magandang paraan ito para 'ipahinga' mo ang iyong katawan pagkatapos ng isang exercise o habang ika’y naglalabor. 

    Side-lying

    Magandang pang-alis ng tensyon ang paghiga sa iyong tagiliran habang ika’y naglalabor. Sa ganitong posisyon kasi, relaxed ang iyong hita. Ayon pa kay Isabel, maganda ang position na ito sa pagtulog.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    May ilang breathing techniques din na itinuro si Isabel. Isa na riyan ang paghiga habang nakasandal sa mga unan. Ilagay mo lang ang isang kamay sa iyong dibdib at ang isa sa iyong tiyan. Two counts para makahinga ka ng malalim at four counts naman sa iyong pag-exhale.

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Isa pa sa mga itinuro ni Isabel ay ang pag-hum habang nag eexhale. Ibaba mo lang sa iyong tagiliran ang iyong mga kamay. Sa bawat exhale ay maghuhum ka para marelax, hindi lang ikaw, kundi pati ang iyong anak. 

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring 'mag-buzz'. Sa bawat exhale mo, sa halip na humming, buzzing naman ang iyong gagawin. Katulad ng humming, nakakarelax din ang tunog ng buzzing, sa iyo at sa iyong anak. Mararamdaman kasi ng anak mo ang vibration. 

    PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

    Ilan laman ang mga ito sa mga pwede mong praktisin para maihanda ang iyong sarili sa iyong nalalapit na panganganak. Maganda rin ang mga exercises na ito kung nakakaramdam ka ng stress habang ikaw ay buntis. 

    May mga breathing exercises ka bang ginagawa ngayong buntis ka? I-share mo lang iyan sa comments section. Pwede mo ring panoorin ang kabuuan ng vlog ni Solenn sa kanyang YouTube channel o basahin ang mga dos and don’ts sa kanyang blog.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close