-
7 Sintomas Na Posibleng Preterm Labor Na Pala Ang Nararanasan Mo
Ibayong pag-iingat ang kailangan para makaiwas sa preterm labor causes.
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Nakaka-excite sa mga mom-to-be na masilayan ang kanilang anak. Pero mas mabuti kung lalabas ang kanilang baby sa mismong itinakdang panahon na kumpleto na ang cycle nito o full term na. Isa sa iniiwasan at pinakaiingatan ng mga preggy mommy na mangyari at maranasan ay ang maagang panganganak, kaya mahalaga na malaman ang preterm labor causes.
Karaniwang tumatagal ng 40 weeks ang full-term pregnancy. Kapag isinilang ang sanggol nang maaga sa 37 weeks, tinatawag itong preterm o premature na panganganak. Batid naman natin na hindi makabubuti sa kalusugan ng sanggol o posibleng malagay sa peligro ang buhay niya kapag ipinanganak na wala sa oras.
Ayon sa U.S. Center for Disease Control Prevention (CDC), ang mga sanggol na ipinanganak bago ang 32 weeks ay may mataas na tsansa na magkaroon ng problema sa paningin at pandinig, magkaroon ng cerebral palsy, o mabawian ng buhay. Batay pa sa tala ng World Health Organization (WHO), kada taon ay tinatayang may 15 milyong sanggol ang naipapanganak ng preterm o kulang sa buwan at tumataas pa ang bilang ng mga ito.
Kadalasan din ang pagkakaroon ng mga komplikasyon ng preterm birth ang nagdudulot ng pagkamatay ng mga bata na nasa edad 5 pababa. Maiiwasan ang ganitong bagay kung agad na malalapatan ng epektibong solusyon ang kalagayan ng mga buntis lalo na iyong maseselan ang pagbubuntis. Dagdag pa diyan ang pagiging maingat sa preterm labor risk factors.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPreterm labor causes
Maaaring maranasan ang preterm labor na walang mararamdamang sintomas. Pero may mga dahilan kung bakit tumataas din ang pagkakaroon ng tsansa ng mga preggy mommy na mapaanak nang maaga. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng mga bisyo, gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak
- Pagkakaroon ng mabigat o mababang timbang bago ang pagbubuntis
- Nabuntis nang maaga o wala sa tamang edad o kaya naman nasa edad 40 o may edad na
- Pagkakaroon ng impeksyon gaya ng urinary tract infection (UTI)
- Pagkakaroon ng mga medikal na kondisyon gaya ng mataas na blood pressure, diabetes, preeclampsia, antiphospolipid antibody symdrome (APAS)
- Pagkakaroon ng problema sa ipinagbubuntis o sa pagbubuntis
- Matinding pagbanat ng uterus kapag masyadong malaki ang baby
- Maagang pagbubuntis muli matapos ang makapanganak
Bantayan ang mga sintomas ng preterm labor
Mahalagang malaman mo ang anumang sintomas na mararamdam mo kung makararanas ng preterm labor para mapigilan ito. Malaking bagay kung maagapan ito kaya alimang sintomas ay agad na ipaalam mo sa iyong doktor para mabigyan ka ng payo sa dapat mong gawin.
- Lima o higit pang paghilab kada oras at/o malalakas na paghilab
- Panaka-nakang pananakit ng puson na parang gaya sa pagreregla
- Panaka-nakang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran na hindi nawawala kahit magbago ng posisyon
- Matinding pananakit ng balakang na pakiramdam mong itinutulak pababa ang iyong baby
- Bahagyang paghilab ng tiyan na puwedeng mayroon o walang kasamang pagtatae
- Pagbabago sa vaginal discharge na may dugo o may kasamang mucus
- Paglabas ng tubig na tuloy-tuloy mula sa iyong puwerta o pagputok ng panubigan
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMaiiwasan ang pagkakaroon ng preterm labor
May ilang preggy mommy na possible talagang makaranas ng preterm labor lalo na iyong mababa ang matris. Ayon sa John Hopkins Medicine, maaaring maranasan ang preterm labor ng mga preggy mommy na:
- Nakaranas na ng premature birth sa naunang pagbubuntis
- Maraming ipinagbubuntis (kambal o higit pa)
- Mayroong problema sa cervix or cervical abnormalities
Bagaman minsan ay hindi maiiwasang mangyari ito, maaari namang mabawasan ang tsansa ng maagang pagle-labor kung susubukang gawin ang mga sumusunod:
- Dapat na regular ang iyong prenatal check up
- Alagaang mabuti ang sarili lalo na kung may iba pang kondisyong pangkalusugan
- Iwasan ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak
- Kumain ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng sapat na timbang
- Panatilihin ang kalinisan at pagkakaroon ng proper hygiene para maprotektahan ang sarili laban sa anumang impeksyon
- Bawasan ang anumang makapagdudulot sa iyo ng stress
- Higit sa lahat, sunding mabuti ang mga ipinapayo ng iyong doktor
Ayon sa American Pregnancy Association, hindi naman lahat ng nakararanas ng preterm labor ay nauuwi sa preterm delivery. May iba na nagagawa namang nagagawan ng paraan na mapigilan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot at pag-bed rest hanggang sa matapos ang buong panahon ng pagbubuntis.
Sa personal kong karanasan, nasa 33 weeks ako nang bigla akong dinugo at matinding paninigas din ng tiyan ko. Pero hindi ko malaman kung contraction na talaga dahil sa may myoma rin ako. Takot na takot ako dahil noon ko lang din iyon naranasan at wala pang sapat na panahon para lumabas ang baby ko.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAlam kong mapanganib ang kalagayan sakali man, kaya agad kong tinawagan ang ob-gyn ko at ipinaalam sa kaniya ang sitwasyon. Pinayuhan niya akong mahiga muna na mas mataas ang balakang at binigyan niya ako ng gamot para mapigilan man ang anumang preterm labor.
Kinabukasan, pumunta ako sa klinika niya para matingnan. Hindi rin dahil may sintomas masasabing preterm labor na ito. Mahalaga na magpatingin pa rin sa doktor para masuri at matiyak kung nakabukas na nga ang iyong cervix, pati sa iba pang signs of labor.
Kung sa tingin mo nakararanas ka ng preterm labor, huwag masyadong mabahala. Totoong mahirap maging kalmado dahil sa pag-aalala mo sa iyong baby pero mas makatutulong ito para mas maging maayos ang pamamahala sa anumang sintomas na nararanasan mo.
Payapain ang sarili at magdasal. Mahalaga ang manatiling positibo at patuloy na pag-iingat, lalo ng sa preterm labor causes, para sa kabutihan at kalusugan mo at ng iyong baby hanggang sa matapos ang iyong pregnancy journey. (Basahin dito kung normal ba sa buntis ang pananakit ng tiyan.)
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Preventing Premature Birth
https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/preventing-premature-birth
Can Preterm Labor Be Prevented? 5 Self-Care Habits To Reduce The Risk
Preterm Birth
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/preterm-birth
Premature Labor
https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/labor-and-birth/premature-labor/
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments