embed embed2
9 Posibleng Dahilan Ng Shoulder Dystocia Habang Nanganganak Ng Normal Delivery
PHOTO BY freepik/frimufilms
  • Ang shoulder dystocia ay bihirang sitwasyon sa panganganak via normal vaginal delivery. Itinuturing itong isang emergency dahil kailangan ng doktor na kumilos nang mabilis para maiwasan ang anumang komplikasyong kaugnay nito.

    Ito ay nangyayari kapag naipit ang isang balikat ng baby sa pubic bone (ang buto sa likod ng pubic hair) o sa sacrum (ang buto na nasa likod ng pelvis).

    Ayon sa artikulo sa National Center for Biotechnology Information (NCBI), ang mga sukatan para masabi na may shoulder dystocia ay ang mga sumusunod:

    • Hindi mailabas ang balikat gamit ang dahan-dahang pababang paghila
    • Pangangailangan ng karagdagang paggalaw o pagkilos para mailabas ang baby
    • May higit sa isang minuto ang pagitan ng paglabas ng ulo at katawan

    Dahil sa shoulder dystocia, napipigilan ang maayos na paglabas ng baby at maaaring mapahaba ang oras ng panganganak. Kapag nangyari rin ito, kakailangan ng ob-gyn ang magdagdag ng iba pang interbensyon na makatutulong na maigalaw ang balikat ng baby para mailabas ito nang maayos sa sinapupunan.

    Matutukoy ng doktor na may shoulder dystocia kapag nakita niyang lumabas ang ulo ng baby sa birth canal, pero hindi ang buong katawan. Tinatawag ng mga doktor ang sintomas na ito na “the turtle sign,” o gaya ng sitwasyon sa isang pagong na nakalabas ang ulo pero parang babalik sa shell nito.

    Sa shoulder dystocia, maunang lalabas ang ulo ng baby bago ang katawan pero tila pabalik ito sa birth canal.

    Mga posibleng sanhi ng shoulder dystocia

    May ilang salik na maaaring isaalang-alang para magkaroon ng ganitong kondisyon sa iyong baby sa panganganak:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Pagkakaroon na ng history sa panganganak na may shoulder dystocia

    2. Mayroong history sa pagbubuntis na malaking baby o macrosomia

    3. Pagkakaroon ng diabetes o gestational diabetes

    4. Pagiging labis sa timbang o pagbigat ng timbang sa panahon ng pagbubuntis

    5. Panganganak na labis na sa due date

    6. Pagbubuntis nang higit sa isa

    7. Pagkakaroon ng operasyon sa labasan ng baby (vaginal birth)

    8. Edad na higit sa 35

    9. Hindi normal na estruktura ng pelvic

    Samantala, may ilang bagay rin na nakaapekto sa panahon ng pagle-labor o sa panganganak gaya ng:

    • Pagdanas ng induced labor
    • Paglalagay ng epidural
    • Sobrang mahabang panahon pagle-labor o pagdanas ng contraction
    • Sobrang maikli o mahabang segundo ng pag-ire
    • Paggamit ng hindi tamang pressure sa paglabas ng baby

    Mga komplikasyon ng shoulder dystocia

    Maaaring maging mapanganib ang shoulder dystocia para sa iyo at iyong baby, pero maraming hindi nakararanas nang pangmatagalang komplikasyon. Pero ilan sa maaaring maging komplikasyon nito ay:

    1. Labis na pagdurugo pagkaraang manganak (postpartum hemorrhage)

    2. Pagkakaroon ng injury sa balikat o kamay ng baby

    3. Pagkawala ng oxygen ng baby sa utak na posibleng magdulot ng brain damage

    4. Labis na pagkapunit ng tissue sa perium (pagitan ng vagina at anus) o perineal tears, sa cervix, rectum, vagina

    5. Pagdanas ng uterine rupture

    6. Paghihiwalay ng pubic bones

    Paraang ginagawa para sa shoulder dystocia

    Maaaring irekomenda ng iyong ob-gyn na sumailalim ka sa C-section kapag may ilang komplikasyong kakailanganin sa mas ligtas na pamamaraan na mailabas ang iyong baby lalo na rin kung sobrang laki ng iyong baby. Ito ay upang maiwasan ang tsansa ng pagdanas ng shoulder dystocia.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Gayunman, sakali na magawang makapanganak ng normal at maranasan ang shoulder dystocia, may sinusunod na mnemonic tool ang mga doktor para malapatan ng agarang lunas ang sitwasyon. Ito ang tinawag nilang HELPERR:

    H—Help

    Hihingi ng tulong ang iyong ob-gyn. Gagamitin nila ang safety checklist at tatawag sila ng dagdag na tulong mula sa iba pang doktor. Kinabibilangan ito ng anesthesiologist at neonatologist para sa extra labor at delivery. Daldahin din ang iba pang gamit na kakailanganin.

    E—Evaluate for episiotomy

    Magdedesiyon ang iyong ob-gyn kung kakailanganin ng episiotomy para matulungang mailabas ang iyong baby. Ito ay paghihila sa iyong perineum para mas lumaki ang bukana ng iyong vagina. Gagawin ito ng iyong ob-gyn kung kakailanganin nilang magsagawa ng pag-ikot sa baby.

    L—Legs

    Maaaring gawin ng ob-gyn ang McRoberts maneuver, kung saan hihilingin niya sa iyo na itiklop o i-press ang iyong hita sa iyong belly. Makatutulong ang pamamaraang ito na mai-flat at maiikot ang iyong pelvis.

    P—Pressure

    Maaaring gamitin ng doktor ang suprapubic pressure kung saan itutulak ng ob-gyn ang ibabang tiyan (lower belly) sa itaas ng iyong pubic bone. Maglalagay ito ng pressure sa balikat ng iyong baby para subukin itong iikot at ilabas.

    E—Enter maneuvers

    Maaaring magsagawa ng enter maneuvers o internal rotation ang doktor kung saan ipapasok ng ob-gyn ang kamay niya sa vagina para subuking iikot ang iyong baby.

    R—Remove posterior arm

    Gagamitin ng doktor ang Jacquemier’s maneuver kung saan aalisin ng iyong ob-gyn ang isang kamay ng baby sa birth canal nang mapadali ang paglalabas ng balikat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    R—Roll the patient

    Maaaring gamitin ng doktor ang Gaskin maneuver. Iikot ng iyong ob-gyn ang iyong kamay at paa para sa panibagong posisyon.

    Maiiwasan ba ang shoulder dystocia?

    Maaaring mangyari ang shoulder dystocia sa kahit kaninuman. Kung minsan walang salik na posibleng pagmulan nito. Sa maraming pagkakataon din, nangyayari ito sa mga baby na may normal na timbang.

    Pero may maaaring gawin ang ina para mapababa ang tsansa na marananasan ito, gaya ng mga sumusunod:

    1. Palagiang magpacheck-up

    2. Kung may diabetes, pamahalaang itong mabuti

    3. Panatilihing malusog at may sapat na timbang sa panahon ng pagbubuntis

    4. Kung lampas na sa iyong due date, ipaalam agad sa iyong ob-gyn

    5. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagsasailalim sa induce labor kung kakailanganin

    6. Makipag-usap din sa iyong doktor sa posibilidad na sumailalim sa C-section delivery

    Bagaman nakababahala kung iisipin ang pagkakaroon ng shoulder dystocia habang nagle-labor o nanganganak, tandaan na ang kondisyong ito ay bihira lamang. May iba’t ibang paraan ding puwedeng gawin ang iyong doktor para agarang masolusyunan ang sitwasyon. Hindi dapat matakot, magtiwala lamang sa iyong doktor.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Shoulder dystocia

    https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22311-shoulder-dystocia

    https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470427/

    https://emedicine.medscape.com/article/1602970-overview

    ---

    Basahin dito ang tungkol sa normal delivery cut.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close