embed embed2
  • Nagkabutas Ang Water Bag Sa Ika-7 Buwan: 'Konting Galaw Lang, May Tumatagas Na Tubig'

    Sa hinaba-haba ng pinagdadaan, sa CS din ang tuloy ng first-time mom.
    by Jocelyn Valle .
Nagkabutas Ang Water Bag Sa Ika-7 Buwan: 'Konting Galaw Lang, May Tumatagas Na Tubig'
PHOTO BY courtesy of Mary P. Patactacan
  • Nang malaman ni Mary P. Patactacan na buntis siya noong August 2019, isang buwan na pala ang kanyang dinadalang panganay na anak. Nagkaroon siya ng subchorionic hemorrhage, kaya sinabihan siya ng kanyang obstetrician-gynecologist na mag-bed rest.

    Ang subchorionic hemorrhage ay tinatawag ding subchorionic hematoma o bleeding. Ayon sa What to Expect, ito ang “accumulation of blood between uterine lining and the chorion (the outer fetal membrane, next to the uterus) or under the placenta itself.” 

    Maaaring magdulot ang ganitong kondisyon ng mula light hanggang heavy spotting o bleeding, pero puwede rin namang wala. Kadalasan, nareresolba ito nang kusa at walang nagiging epekto sa malusog na pagbubuntis. Gayunpaman, kailangan pa ring i-monitor ang buntis na nakakaranas nito.

    More from Smart Parenting

    Sa kaso ni Mary, na Mae ang nickname, pinagbawalan siyang magkikilos nang panahon na iyon, tulad ng akyat-baba sa hagdan, upang hindi na lumala pa ang kanyang internal bleeding. Mahina din ang kapit ng sanggol sa kanyang sinapupunan “kaya may tendency na ikalaglag daw ni baby.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento pa niya sa SmartParenting.com.ph na pagkaraan ng apat na buwan, bumuti ang kanyang pakiramdam at lumakas ang kapit ni baby dahil “nadaan sa gamot at bed rest.”

    Kaya pinayagan na siya ng kanyang ob-gyn na bumalik sa trabaho at iba pa niyang gawain. Nakadalo pa nga daw siya ng Christmas parties at nag-asikaso ng catering, pero dumating siya sa puntong tinatawag niyang “parang pre-labor.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pitong buwan na buntis si Mae noon. Nakaranas naman siya ng water leakage, o sa pagsasalarawan niya, nagkabutas ang kanyang panubigan. Kaya nag-bed rest siyang muli. 

    More from Smart Parenting

    Pagbabalik-tanaw ngayon ng working mom, “Sobrang worried at naiyak ako dahil akala ko, mawawala na nang tuluyan ang baby ko. Konting galaw ko lang, may tumatagas na tubig. Gusto ko na sana magpa-admit sa hospital. Buti na lang, magaling ang OB ko. Try daw niya na home medication/bed rest ulit ako.

    “As in walang tayuan sa kama. Kapag maliligo, naka-upo. Buti na lang, may CR din kami sa room, kaya konti lang nilalakad ko. Sa bed na din ako kumakain, etc. Kaya very thankful din ako kay partner ko. Hindi niya ako pinabayaan. Sobrang inaasikaso niya ’ko hanggang sa manganak ako.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang buwan bago dumating ang kanyang due date, bumuti ang kalagayan ni Mae. Pinayagan na siya ng kanyang OB na lumabas ng bahay para magdiwang ng kanyang kaarawan “basta dahan-dahan lang” noong March 16, 2020. Timing naman ang petsang iyon sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon upang maiwasan sana ang pagdami ng COVID-19 cases.

    “Nakaka-sad lang,” pag-amin ni Mae, tungkol sa naunsiyami niyang birthday celebration. “Naging challenge sa ’kin ang bawal lumabas, pero naisip ko na lang na sanay na naman na ’ko hindi lumabas ng room kasi full-term din ako nag-bed rest. Nadagdagan lang ang hindi paglabas due to the pandemic.”

    More from Smart Parenting

    Isa pang challenge din daw ang pagsunod sa safety protocols, gaya ng pagsusuot ng tinatawag niyang “full gear” sa tuwing may checkup siya sa kanyang OB. Aniya, “Nakaka-paranoid talaga, lalo na may baby ako na inaalagaan na kapag nagka-COVID ako, mas magsa-suffer si baby. Kaya sobrang challenge sa ’kin ang pagiging O.A. sa pag-iingat.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    May 1, 2020 nang isilang ni Mae ang baby girl na si Sharmae Taira sa isang ospital sa Marikina City na 10-minute drive lang sa kanilang bahay.
    PHOTO BY courtesy of Mary P. Patactacan

     

    Labor Day nang manganak si Mae, pero hindi raw siya nag-labor talaga at hindi nasunod ang kanyang birth plan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Hindi ako nakaramdam ng labor,” lahad niya. “Hanggang sa mag-overdue na ’ko, wala pa din akong sign ng labor kahit nagkaroon ako ng spotting. Nagpag-consult ako kay OB.

    "Nire-recommend niya sa ’kin na puwede na ang CS. Pero sa kagustuhan ko na normal delivery, binigyan niya ’ko ng one week pa, tutal 1 cm pa lang naman. Baka madaan sa gamot (primrose), light exercise, etc.”

    More from Smart Parenting

    Sinunod ni Mae ang payo ng kanyang OB, pero hindi pa rin siya nakaramdam ng labor sign. Kaya nag-request na siyang sumailalaim sa induced o forced labor dahil 3 cm na ang buka ng kanyang cervix. Nang samahan siya ng kanyang partner sa ospital, na-admit siya pero wala pa rin siyang labor sign. 

    Kinagabihan, umabot siya ng 6 cm nang hindi man lang humihilab ang tiyan. Kaya chill lang siyang nakipagkuwentuhan sa kanyang bantay at nawili pa sa kanyang cellphone.

    Nang sa wakas ay makaramdam siya ng paghihilab bandang madaling-araw, napako naman siya sa 6 cm. Ayaw bumuka pa ng kanyang cervix hanggang mag-umaga na. Ang ending: Cesarean section si mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Nakakatawa lang isipin na pinahirapan ko pa ang sarili ko, e, CS din pala ako,” sabi niya, sabay tawa. “Nakaka-amaze si baby. Sobrang dami naming pinagdaanan, patuloy siyang lumalaban. Kaya super thankful din talaga ’ko kay God. Hindi Niya kami pinabayaan, and safe na kami ni baby.”

    Dagdag pa ni Mae na ang pinakamahirap na parte ng kanyang panganganak ay ang 18 oras na waiting period bago siya nabigyan ng induced labor. Sumunod din daw siya sa safety protocols ng ospital, tulad ng pagsusuot ng mask, social distancing, pagpapahid ng alcohol, pagkakaroon ng isang bantay lamang, at walang bisita. Tumagal siya ng apat na araw sa ospital.

    May paalala siya sa future moms: “Live a healthy lifestyle para less complications po tayo. Kapag may concerns po kayo, kay OB lang po makikinig palagi. Alam nila ang ikakabuti sa ating baby. Samahan na din po ng dasal.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles