-
Toddler Puro Angal? This 3-Step Technique Can Stop Your Child’s Whining Effectively
-
Toddler Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert
-
Preschooler 'Ako Ay May Kiki' Asks Parents To Teach Their Kids To View Body Parts Without Malice
-
Home Dimples Romana Gives Tour Of New Condo: 'Lahat Ng Tiniis Kong Sampalan, Dito Napunta!'
-
Suhi Si Baby! Bakit Nangyayari Ang Breech Baby At Paano Siya Paikutin
May mga kaakibat ba itong kumplikasyon?by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pexels
Madalas na ipinag-aalala ng mga nanay na maging breech o suhi ang baby na dinadala nila sa kanilang sinapupunan. Malimit, habang lumalapit ang due date ng isang buntis ay ipinagdadasal na nito na 'umikot' ang kanyang anak para maipanganak ito sa pamamagitan ng normal delivery.
READ MORE ABOUT BREECH BABY HERE:
- Watch This Doctor Turn a Breech Baby to a Head-Down Position
- 6 Ways to Help a Breech Baby Turn and Get Into Head-Down Position
Pero bakit nga ba nagiging suhi ang isang sanggol? May mga kaakibat ba itong kumplikasyon? May paraan ba para maiwasan ito? May mga techniques ba para umikot si baby?
Ano ang breech baby?
Breech pregnancy ang tawag sa isang pagbubuntis kung saan nakaposisyon o nakaturo ang mga paa ng bata sa birth canal. Sa isang 'normal' na pagbubuntis, kusang umiikot ang bata sa loob ng sinapupunan kapag malapit na ang araw ng kanyang kapanganakan. Ngunit sa ilang pagkakataon, nananatili si baby na nauuna ang paa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga eksperto, tatlo hanggang apat na porsyento ng pagbubuntis ay breech pregnancy.
Alam mo bang may iba't-ibang uri ng breech pregnancy?
Mayroong tatlo: frank, complete, at ang tinatawag na footling breech—depende ito sa kung paano nakaposisyon ang sanggol sa sinapupunan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAng frank breech ay kapag malapit ang pwet ng bata sa birth canal at nakataas ang kanyang mga paa malapit sa kanyang ulo.
Sa complete breech naman, malapit din ang pwet ng bata sa birth canal, ngunit nakatiklop naman ang kanyang mga paa malapit sa kanyang dibdib.
Kung footling breech naman ang inyong baby, nakaturo pababa ang mga paa ni baby at ang mga ito ang mauunang lalabas sa birth canal bago pa man ang pwet niya.
Ang pinaka-rare na uri ng breech ay ang complete breech.
Ano ang sanhi ng breech baby?
Wala pang siguradong dahilan ang mga eksperto kung bakit ito nangyayari. Sabi ng mga dalubhasa mula sa American Pregnancy Association, maraming maaaring maging dahilan kung bakit nangyayari ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagiging breech si baby:
- kung maraming beses nang nagbuntis ang nanay
- kung marami siyang sanggol na dinadala sa kanyang sinapupunan
- kung nagkaroon ang ina ng premature birth sa mga nakaraan niyang pagbubuntis
- kung hindi normal ang hugis ng sinapupunan ng nanay
- kung may placenta previa ang nanay
Nagiging suhi din ang bata kung masyadong kaunti ang amniotic fluid sa sinapupunan ni mommy. Ibig sabihin, hindi masyadong malaki ang magagalawan ni baby kaya hindi siya makakaikot kapag kabuwanan na ni mommy.
Kung masyado namang marami ang amniotic fluid, maaaring gumalaw naman nang gumalaw si baby kaya tataas ang pagkakataon na maging suhi siya. Kailangan ay tama lang ang lamang amniotic fluid para sapat ang lugar na magagalawan ni baby.
Paano malalaman kung breech si baby?
Hindi ituturing ng doktor breech baby ang bata hanggat hindi nakakarating sa ika-35 o ika-36 weeks ng pagbubuntis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa mga itinuturing na normal pregnancies, malimit ay umiikot ang bata para mauna ang ulo niya bago ang 35 weeks. Kung hindi pa umiikot ang anak mo sa tamang posisyon, malaki ang pagkakataon na magiging masyado na siyang malaki para umikot.
Kakapain ito ng iyong doktor para malaman niya kung breech ang baby. Malimit ay kinukumpirma ito sa pamamagitan ng ultrasound bago ka pa man manganak.
May mga kumplikasyon bang kaakibat ang breech baby?
Sabi ng mga eksperto, malimit ay wala namang kaakibat na kumplikasyon kung breech baby. Ngunit importanteng malaman na kung breech si baby, tumataas ang pagkakataon na maipit siya sa birth canal at malimitahan ang kanyang oxygen supply.
Ang malimit na tanong ng mga ina ay kung ano ang pinakaligtas na paraan para maipanganak si baby kahit na breech ito. Base sa mga pag-aaral noon, ang pinakaligtas na paraan ay kung ilalabas ang bata sa pamamagitan ng cesarean operation.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon pa ring mga pagkakataon na ipinapanganak sa pamamagitan ng vaginal delivery ang isang breech baby—lalo na kung bihasa sa breech ang doktor mo. Ngunit madalas, mas pinipili ng mga doktor ang pinakaligtas na paraan kaya nagiging cesarean ang delivery.
Paano paikutin ang breech baby?
Paliwanag ng mga eksperto, mayroong mga paraan para paikutin ang isang breech baby. Ang success rate o tagumpay nito ay depende sa dahilan kung bakit suhi ang sanggol.
Sa mga pag-aaral ng American College of Obstetricians and Gynecologists, maraming mga doktor ang magpapayong gawin ang tinatawag na external version (EV). Ginagawa sa ospital ang EV sa ika-36 o ika-38 weeks ng pagbubuntis.
Dalawang tao ang gagawa nito at habang ginagawa ito ay minomonitor ang lagay ng sanggol sa loob ng sinapupunan para maiwasan ang ano mang kumplikasyon.
Mayroon ding mga pagkakataon na mismong ang mga nanay na ang gumagawa ng paraan para umikot ang breech baby. Wala itong garantiya na magiging matagumpay, ngunit hindi rin makakasama kung susubukan, basta't may payo ang doktor tungkol dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito ang ilang mga paraan para paikutin ang breech baby:
Pelvic rocking
Sinabi ni Heidi Murkoff sa kanyang libro na What to Expect When You're Expecting, makakatulong ang pag-ugoy mo sa iyong sarili habang nakaluhod ka at nakalapat ang mga kamay mo sa sahig na para bang gagapang ka.
Forward-leaning inversion
Maraming paraan para magawa ang tinatawag na forward-leaning inversion, ngunit kailangan lang maging maingat para hindi ka mahulog.
Lumuhod ka lang sa gilid ng kama o sofa at saka mo unti-unting ilapat ang iyong mga kamay sa sahig. Kailangang mataas ng pwet mo habang unti-unti mong inuuga ang iyong sarili.
Magpatulong kay hubby o sino mang pwedeng umalalay sa iyo para masiguro mong hindi ka mahuhulog o madudulas sa gilid ng kama habang ginagawa mo ito.
Pelvic tilts
Mahiga ka sa sahig at saka mo itaas ang iyong balakang habang patuloy ang inhale at exhale mo.
Swimming
Makakatulong din ang ilang marahang paglangoy sa pool kung mayroon kayo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaaari ring makatulong ang malimit na paglalakad at yoga para umikot ang breech baby. Kailangan lang siguraduhing mayroon itong gabay at pahintulot ng doktor.
READ MORE ABOUT BREECH BABY HERE:
- Watch This Doctor Turn a Breech Baby to a Head-Down Position
- 6 Ways to Help a Breech Baby Turn and Get Into Head-Down Position
Ilan lamang ang mga ito sa mga paraan para mapaikot mo ang iyong breech baby. Importante lang na hingin ang payo ng iyong doktor para magabayan ka sa tamang paraan ng pagpapaikot sa iyong anak.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network