embed embed2
  • Anim Na Paraan Para 'Mapaikot' Ang Isang Breech Baby

    Kung gusto mo ng normal delivery, importante na nasa head-down position ang iyong baby.
    by Rachel Perez .
Anim Na Paraan Para 'Mapaikot' Ang Isang Breech Baby
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Habang papalapit ang petsa ng panganganak, ang isang buntis ay magsisimula nang ipagdasal na ang kanyang sanggol ay pumwesto na sa head-down na posisyon, dahil ito ay magpapataas ng posibilidad na maipanganak niya ang bata sa pamamagitan ng natural spontaneous delivery (NSD) o vaginal birth.

    Ang mga sanggol sa loob ng sinapupunan ay madalas magpapalit-palit ng posisyon. Isang minuto, maririnig mo ang tibok ng puso niya sa bandang kaliwa ng iyong tiyan, at maya-maya naman ay mararamdaman mo ang sipa niya sa kabilang banda. Sa pagitan ng ika-tatlumpu't dalawa hanggang ika-tatlumpu't walong linggo ng iyong pagbubuntis mas binibigyang pansin ng mga doktor ang posisyon ng iyong sanggol sa sinapupunan. Kung paano nakahiga ang iyong sanggol sa iyong uterus habang ikaw ay nagle-labor, ang siyang magdidikta kung gaano mo kaligtas maipapanganak ang iyong sanggol.

    Cephalic, breech o suhi, transverse o pahalang, at oblique o pahilig na posisyon

    Ang mga doktor ay may mga terminong pangmedikal na naglalarawan sa kung paano humiga o nakaposisyon ang bata sa loob ng bahay-bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang cephalic o vertex na posisyon ay angkop at mainam para sa vaginal delivery o natural na panganganak. Ang ulo ng sanggol ay nakatutok sa birth canal o puwerta habang ang kanyang mga paa naman ay nakatupi papaloob sa kanyang tiyan. Mas magiging mainamn pa kung ang iyong sanggol ay nakaharap sa iyong spine habang ang kanyang baba ay nakadikit papunta sa dibdib. Kapag ang sanggol ay nakaharap sa iyong tiyan, ang vaginal delivery ay maaaring mas tumagal dahil itutulak pababa ng sanggol ang iyong spine habang dumadaan sa puwerta.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang breech position o suhi naman ay kapag ang iyong sanggol ay nakatakdang lumabas na mauuna ang ibabang bahagi o mga paa. Bagama't hindi na bago ang pagkakaroon ng suhi o breech baby at matagumpay naman itong naipapanganak, mayroon pa rin itong dalang panganib. Mayroong iba't-ibang uri ng breech o suhi:

    • Ang kumpleto o flexed breech ay kapag ang sanggol ay nakaposisyong lumabas na una ang ibabang bahagi ng katawan at ang kanyang mga tuhod nakatupi ng pa-krus.
    • Ang Frank breech ay kapag ang sanggol ay nakaposisyong lumabas una ang puwitan at ang kanyang mga binti at paa ay nakaunat at nakadikit sa katawan.
    • Ang incomplete o hindi kumpletong breech ay kapag ang isa o parehong binti (footling breech) o tuhod (kneeling breech) ay nakalaylay papunta sa birth canal.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tatlo hanggang apat na sanggol lamang sa bawat isangdaan na pagbubuntis ang nananatiling suhi hanggang sa oras ng kapanganakan. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), maraming dahilan kung bakit ang isang sanggol ay nasa breech na posisyon o suhi:

    • Ito ang iyong unang pagbubuntis. Ang mga kalamnan sa iyong tiyan ay hindi pa gaanong nauunat o napapalambot kaya mahirap pa para sa sanggol na gumalaw at umikot.
    • Ang iyong uterus ay hindi normal ang hugis o mayroong mga abnormal na pagtubo tulad ng fibroids.
    • Mayroon kang mababang placenta, o mayroon kang tinatawag na placenta previa, na ang ibig sabihin ay bahagya o ganap na matatakpan ng iyong inunan ang iyong cervix.
    • Mayroon kang masyadong marami o masyadong kaunting amniotic fluid. Muli, dahil ditto, maaaring malimitahan o labis na mapahintulutan ang paggalaw ng iyong sanggol.
    • Ikaw ay magkakaroon ng kambal o higit pa sa dalawang sanggol. Maaaring hindi na sapat ang lugar sa iyong uterus para umikot ang iyong mga sanggol, na una ang ulo, papunta sa iyong cervix.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag ang iyong sanggol ay nasa transverse o pahalang na posisyon, ibig sabihin nito na ang iyong sanggol ay nakahiga nang patagilid sa iyong uterus. Ang oblique o pahilig na posisyon naman, ay kung saan ang iyong sanggol ay mas pumapaling papunta sa hita ng ina at hindi sa puwerta. Ang mga doktor ay madalas na nagdedesisyong ilabas ang isang transverse baby gamit ang C-section (CS) na pamamaraan. Ngunit maaaring may pagasa pa para sa mga sanggol na suhi o pahilig ang posisyon.

    Paano mapapaikot ang posisyon ng iyong breech baby

    Maraming paraan upang hikayatin ang iyong sanggol na magbago ng posisyon habang nasa loob ng iyong sinapupunan. Karamihan nito ay dahil sa kapaki-pakinabang na paggamit ng gravity. Bagama’t hindi nito ginagarantiya ang tagumpay, walang masama kung susubukan ito basta inirikomenda ng iyong doktor.

    1. Pelvic rocking o pag-ugoy ng balakang

    Isinulat ni Heidi Murkoff sa kanyang libro na What To Expect When You're Expecting, na ang pag-uga o pag-ugoy ng balakang ng pabalik-balik ng ilang beses habang ikaw ay nakapadapang posisyon at ang iyong mga kamay at mga paa ay parehong nakasayad sa lupa ay maaaring makahikayat sa iyong sanggol na umikot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Forward-leaning inversion o nakabaligtad paharap

    Ang forward-leaning inversion na posisyon ay maaaring gawin sa iba’t-ibang paraan. Habang nakalapat ang iyong mga kamay at mga paa, subukang tumuwad upang ang iyong puwit ay nakataas at ang iyong tiyan ay malapit nang maabot ang sahig. Manatili sa ganoong posisyon sa loob ng dalawampung minuto tatlong beses sa isang araw. Maaari ka ring gumamit ng ironing board o plantsahan, kung saan ang isang dulo ay nakapatong sa kama o sopa at ang kabila naman ay nasa sahig. Ihiga ang iyong ulo sa unan sa dulo na nasa sahig habang ang mga paa mo ay nakataas naman sa kama o sopa. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng dalawampung minute.

    3. Pelvic tilts o pagtagilid o paghilig ng pelvis

    Ito ay ligtas at simpleng paraan ng pag-eehersisyo ng mga buntis. Humiga sa sahig at itaas ang iyong balakang kasabay ng paghinga. Siguraduhing nakalapat ang iyong mga paa sa sahig at nakabaluktot ang iyong mga tuhod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ka ring tumayo nang nakalapat ang iyong likuran sa dingding at ipinapahinga ang spine. Habang humihinga ka papasok sa ilong, dahan dahang idiin ang iyong likod sa dingding tapos ay huminga palabas. Gawin ito nang ilang ulit.

    4. Swimming

    Ang paglangoy ng ilang laps sa swimming pool araw-araw ay maaari ring makatulong. Kapag ikaw ay nasa tubig, makakatulong ito magbigay ng ilusyon sa iyong sanggol na siya ay nakalutang at maaaring mahikayat umikot.

    5. Yoga, belly dancing, at walking o paglalakad

    Kasama sa yoga ang paggawa ng mga posisyon na kahawig ng sa forward-leaning inversions, habang ang belly dancing naman ay gumagamit ng parehong alituntunin ng pelvic rocks at tilts. Minsan, hinihikayat ng mga doktor ang paglalakad sa mga buntis dahil kusang pumupusisyon ang mga sanggol ng tama kapag oras na ng labor at panganganak.

    6. Magpatugtog o i-rekord ang iyong boses

    Magpatugtog ng musika o ang nairekord na boses mo sa may pelvic area (oo, malapit sa iyong ari). Ang ideya ay lalapit ang sanggol sa pinagmumulan ng tunog at pupunta sa mainam na posisyon para sa normal o natural na panganganak. Alam naming para itong hokus-pokus ngunit marami sa mga nanay sa aming Smart Parenting Village na grupo sa Facebook ang nagpapatunay na ito ay epektibo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. Hilingin sa doctor na magsagawa ng ECV

    Ang External Cephalic Version (ECV) ay isang pamamaraan kung saan didiinan ng bahagya ng doktor ang iyong tiyan kapag ikaw ay nasa ika-tatlumpu’t anim hanggang ika-tatlumpu’t walong lingo na ng iyong pagbubuntis. Ngunit mayroong mga kundisyon na dapat sundin bago sumang-ayon ang doktor sa pagsasagawa nito. Dapat ay may nakahandang operating room kung saan maaaring magsagawa ng operasyon kung sakaling magkaroon ng komplikasyon tulad ng pagdurugo at pagkapunit ng inunan, maagang pag-lelabor at bawas na paggalaw ng sanggol. Ang iba ay gumagamit ng alternatibong medisina at pamamaraan tulad ng acupuncture at tradisyunal na panggagamot ng mga Tsino o moxibustion, o ang kombinasyon ng dalawa. Ang iba naman ay kumukunsulta sa mga chiropractor at sa Webster technique para makatulong maiayos ang breech baby sa pahalang na posisyon. Muli, gawin lamang ang mga aktibidad na ito kapag pumayag ang iyong doktor.

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles