-
Maraming Buntis Ang Nakakaranas Ng Umbilical Cord Compression: 3 Posibleng Dahilan
- Shares
- Comments

Alam nating malaking bagay ang ginagampanan ng umbilical cord sa mga baby. Nandito ang buhay nila. Ito ang daanan ng suplay ng kanilang pagkain mula sa placenta o inunan ng nanay. Higit pa, ito rin ang nag-uugnay sa kanilang nanay. Kaya mahalaga na malaman ang mga puwedeng maging problema, tulad ng umbilical cord compression.
Mga dapat malaman tungkol sa umbilical cord
May talong blood vessel ang umbilical cord, ayon sa Cleveland Clinic. Ang isa ay nagdadala ng pagkain at oxygen mula sa placenta papunta sa baby at ang dalawa naman na nagdadala ng dumi mula sa baby papunta sa placenta. Nagsisimulang mabuo ang umbilical cord sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis at lumalaki nang hanggang 22 inches ang haba.
Sa pagbubuntis, isang karaniwang suliranin ang umbilical cord compression pero wala namang labis na dapat ikabahala lalo kung regular ang pre-natal checkup. Gayunpaman, hindi maiiwasan ang mga kondisyon sa umbilical cord dahil sa paglaki ng iyong baby at iba’t ibang sitwasyon ng pagbubuntis.
Gaya na lang ng umbilical cord compression na nangyayari kapag ang bigat ng iyong baby, ang placenta, o ang vaginal walls ay nakapagbigay ng pressure sa cord sa panahon ng pagbubuntis o habang nanganganak. Kaya itinuturing na isa ito sa karaniwang suliranin sa panganganak.
Sa katunayan, ayon sa American Pregnancy Association, nangyayari ang umbilical cord compression sa isa sa kada sampung buntis.
Mga sanhi ng umbilical cord compression
Narito ang mga kadalasang sanhi ng umbilical cord compression, ayon sa mga eksperto:
Umbilical cord prolapse
Maaaring magkaproblema sa umbilical cord kung sobrang maikli ito dahil hindi mabuting nakakakonekta sa placenta o kapag sobrang haba naman maaaring pumulupot o magbuhol. Isa sa mga kondisyong ito ang umbilical cord prolapse.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNangyayari ang umbilical cord prolapse, ayon sa March of Dimes, kapag may bahagi ng cord ang lumabas sa vagina o birth canal habang nanganganak na mas nauna ito bago pa ang paglabas ng iyong baby. Dahil dito, maiipit ang cord na magdudulot sa baby na mahirapang makakuha ng sapat na oxygen.
Hindi pangkaraniwang sitwasyon ang umbilical cord prolapse, at sa ibang baby hindi naman ito nagdudulot ng anumang problema. Pero kapag nahirapan siyang makakuha ng oxygen, maaaring magdulot ng pagkasawi ng baby.
Mataas ang tsansa na maranasan ang kondisyong ito kapag:
1. Premature ang iyong baby o napaaga ang iyong panganganak.
2. Mababa ang timbang ng iyong baby.
3. Nasa breech position, o suhi, ang iyong baby habang nagle-labor.
4. Masyadong mahaba ang umbilical cord.
5. Masyadong maraming amniotic fluid o polyhydramnios.
6. Kambal o higit pa ang iyong ipinagbubuntis.
Natutukoy naman na may umbilical cord prolapse kapag sa pelvic exam ay may nakita o nakapa na may nakabuwâ na cord. Maaari ring malaman ito kapag hindi normal ang fetal heart rate ng baby na mababa sa 120 beats sa bawat minuto.
Kapag nangyari ito, kinakailangan ang agarang atensyong medikal. Pinapaaga nito ang pagpapaanak sa buntis. Kadalasan na sa pamamagitan ng Cesarean delivery ito. Kung agad na matutugunan ang sitwasyon, walang magiging problema sa baby pero kung matatagalan maaaring magdulot ito ng brain damage o pagkasawi ng baby.
Nuchal cord
Ito ay kapag nabuhol sa leeg ng baby ang umbilical cord. Tinatawag din itong nuchal loop. Maaaring mapigilan nito ang pagpasok ng oxygen kay baby. Malalaman naman kung nakapulupot ang umbilical cord kay baby sa pamamagitan ng biophysical profile. Kasama rito ang non-stress test sa mga huling linggo ng iyong pagbubuntis. Maaari din itong makita sa pamamagitan ng ultrasound.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon sa mga pag-aaral, tinatayang nasa 10 hanggang 29 porsiyento ng baby na nakararanas nito. Kaya naman napupulupot ang umbilical cord sa leeg ng mga baby, paliwanag ng mga eksperto, nilalaruan kasi nila ito habang sila ay nasa sinapupunan. Hinihila nila ito habang lumalangoy sa sinapupuna kaya nabubuhol ito sa kanila pero naalis din naman sa pagkabuhol.
May mga baby rin na talagang masyadong aktibo at malikot sa loob ng sinapupunan kaya napupulupot ang umbilical cord sa kanila lalo na kung mahaba ito.
Knotted cord
Isang tipikal na pangyayari ito at hindi nagdudulot ng anumang pinsala sa iyong baby basta nanatiling maluwag at hindi mahigpit ang pagkakabuhol. Nangyayari ang knoted cord sa maliit na baby pero mahahaba ang kanilang umbilical cord; kambal o maraming ipinagbubuntis ang ina; o sobrang marami ang amniotic fluid.
Kung maghihigpit ang pagkakabuhol, ito ang magdudulot ng hindi mabuting kondisyon sa baby. Gaya ng mga naunang kondisyong nabanggit, kapag humigpit ang pagkakabuhol ng cord, mapipigilan nito ang pagpasok ng oxygen kay baby.
Kung mangyari sa maagang bahagi ng pagbubuntis, maaaring makunan o mamatay ang baby sa sinapupunan. Pero kung nasa huling bahagi na ng pagbubuntis, maaaring mapaaga ang panganganak.
Sa kabilang banda, karaniwan namang nangyayari ang banayad o panandaliang umbilical cord compression. Ang ganitong compression ay nawawala rin pagkaraan o panandaliang panahon lamang nang walang komplikasyon. Nangyayari naman ito dahil sa pag-ikot ni baby sa sinapupunan ng baby o sa paghilab ng tiyan na nararanasan sa pagle-labor.
Ang paghilab ng tiyan dulot ng pagle-labor ay posible rin kasing makapagdudulot ng pag-impis at paghigpit sa umbical cord. Maaaring malaman agad kung may umbilical cord compression basta may regular na prenatal checkup.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakabubuting i-monitor din ang paggalaw ng iyong baby sa sinapupunan kung normal o aktibo pa rin at maayos na naramdam mo pa ang pagkilos niya . Kung napansin mong may pagbabago o kakaiba, agad na ipaalam ito sa iyong ob-gyn.
---
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Umbilical Cord Prolapse
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12345-umbilical-cord-prolapse
Umbilical Cord Conditions
https://www.marchofdimes.org/complications/umbilical-cord-conditions.aspx
---
Basahin dito ang tungkol sa cord blood banking.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments