embed embed2
Pamamaga ng Tonsil (Tonsillitis)
ILLUSTRATOR Paula Pangan
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Lahat ng tao ay merong dalawang tonsil — isa sa kaliwa at isa sa kanan — sa likod ng lalamunan. Binubuo ang tonsils ng tinatawag na “lymphoid tissue,” na sumusuporta sa immune response ng katawan. Bilang isang component ng immune system, pinipigilan ng tonsils ang pagpasok ng mga germs mula sa ilong o bibig. Meron ding mga white blood cell sa tonsils para pumatay ng mga germs.

    Kapag nagkaroon ng infection ang tonsils dahil sa virus o bacteria, nagdudulot ito ng pamamaga. Ang kondisyon na ito ang tinatawag na tonsillitis. Madalas mangyari ito sa mga batang nasa preschool age hanggang sa kalagitnaan ng teenage years, pero pwede pa ring magkaroon ng ganitong sakit ang matatanda.

    Pananakit ng lalamunan ang pinakakaraniwang sintomas ng pamamaga ng tonsil. Pwedeng may kasabay itong lagnat, pero depende ito kung gaano na kalala ang pamamaga. Sa maraming sitwasyon, hindi life-threatening ang tonsillitis. Pwede itong mawala nang kusa kahit hindi umiinom ng gamot.

    Kung hindi pa mawala sa loob ng 10 araw ang tonsillitis, magpunta na sa doktor para magamot at maiwasan ang mga complications nito.

    Iba't-ibang characteristics at sintomas ng tonsillitis

    Kagaya ng nabanggit kanina, masakit na lalamunan ang number one symptom ng tonsillitis. Ilan pa sa mga senyales ng pamamaga ng tonsil ang mga sumusunod:
    • nahihirapan lumunok o masakit na paglunok
    • pakiramdam na parang may nakaharang sa lalamunan
    • pananakit ng ulo at lagnat
    • namamaga at masakit na kulani (lymph node) sa leeg
    • stiff neck
    • ananakit tenga (dahil malapit ito sa leeg)
    • pamamaos o pagiging garalgal ng boses
    • bad breath
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag may tonsillitis, mapapansin din ang pamumula ng tonsils kapag sinilip ang lalamunan. Kung medyo advanced na ang kondisyon, pwede ring makakita ng puti o kaya ay yellowish na spots sa likod ng lalamunan. Ang mga spots na ito ang senyales ng infection.

    Para sa mga bata na hindi pa makakapagsabi kung ano ang masakit sa kanila, pwedeng obserbahan ang mga sumusunod na sintomas ng tonsillitis kasabay ng lagnat:

    • kawalan ng ganang kumain
    • sobrang paglalaway dahil nahihirapan lumunok
    • pagiging sobrang fussy o hindi mapakali
    • pagsusuka
    Kung hindi mawala ang lagnat sa loob ng dalawang araw, magpunta na agad sa doktor. Bantayan din kung nahihirapan huminga ang bata; kung oo, magpunta na sa emergency room para mabigyan agad ng tamang treatment. Delikado kasi kapag kumalat ang infection sa ibang parte ng katawan, katulad ng puso.

    Mga pwedeng gamot sa tonsillitis

    Kung bacteria and sanhi ng tonsilitis, antibiotic ang ireresetang gamit ng doktor. Kung virus naman, gamot na pampaginhawa ng mga sintomas (katulad ng pain reliever para sa sore throat) ang pwedeng ibigay dahil wala pang gamot para sa mga virus.

    Pwede ring sumailalim sa tonsillectomy (kung saan tinatanggal na nang tuluyan ang tonsils) ang pasyente kung may mga komplikasyon na ang tonsillitis o kung may ibang medical condition ang pasyente.

    Bata man o matanda ay pwedeng sumailam sa tonsillectomy. Mabilis lang gawin ang operasyong ito; sa katunayan, kung walang magiging problema sa procedure, pwede na agad umuwi ang pasyente pagkatapos tanggalin ang kanyang tonsils. Syempre, dapat sundin mabuti ang recovery instructions para mas mabilis gumaling at hindi ma-infect ang lalamunan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Marami ring home remedy na pwedeng gawin kapag namamaga ang tonsils. Isa na rito ang pagmumumog ng tubig na may asin o yung tinatawag na salt gargle. Nakakatulong ito para mabawasan ang pananakit ng lalamunan. Meron ding germ-killing capability ang asin, kaya pwedeng mapabilis ang paggaling ng tonsillitis sa tulong ng gargle na ito.

    Mas bagay para sa mga matatanda at teenagers ang salt gargle, pero pwede rin itong subukan ng mga mas batang pasyente kung marunong na silang magmumog nang maayos.

    Tonsillitis relief para sa bata

    Bukod dito, pwede rin gawin ang mga sumusunod para makatulong guminhawa ang pakiramdam kapag namamaga ang tonsils: Para sa mga bata:

    Pag-inom ng maraming tubig at iba pang fluids

    Makakatulong ang mga inumin katulad ng tubig at citrus juices para mabawasan ang sakit ng lalamunan.

    Pagsipsip ng popsicles at pagkain ng malalamig na pagkain

    Para sa mga bata na hindi pa pwedeng gawin ang nabanggit na salt gargle sa itaas, malaking tulong ang mga popsicles. Pwede rin ang ice chips para sa dagdag na hydration.

    Throat lozenges

    Para sa mga batang may edad 4 pataas, pwedeng gumamit ng throat lozenges para mabawasan ang sakit ng lalamunan.

    Pagkain ng gelatin at iba pang malalambot na pagkain

    Kung nahihirapan lumunok o kumain ang bata dahil sa sore throat, pwede ang flavored gelatin, yogurt, iba-ibang klase ng soup, at malambot ng prutas katulad ng saging.

    Paggamit ng humidifier

    Nakakairita sa lalamunan ang tuyong hangin at baka mapadalas pa ang pag-ubo dahil dito. Para masolusyunan ito, pwedeng gumamit ng humidifier para madagdagan ng moisture ang hangin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tonsillitis remedy para sa matatanda

    Bukod sa mga nai-suggest na home remedy sa taas, pwede ring gawin ang mga sumusunod:

    Paghinto sa paninigarilyo at pag-iwas sa cigarette smoke

    Nakakairita sa lalamunan ang paninigarilyo at usok ng sigarilyo. Bukod sa pagpapalala ng tonsillitis, pwede ring magdulot ng iba pang sakit ang paninigarilyo kaya mas maganda talagang ihinto na ito.

    Pag-inom ng salabat

    Bukod sa soothing properties ng luya, may anti-inflammatory properties din ito kaya maganda talagang uminom ng salabat kung meron kang tonsillitis.

    Pag-inom ng tea na may raw honey

    Kung gusto mo ng mas matamis na salabat o kaya naman ay ibang klase ng tea, pwedeng gumamit ng raw honey. Meron itong antibacterial properties na makakatulong sa pagpapagaling ng namamagang tonsils. Mas mabuti kung maligamgam kaysa sa mainit na tea ang inumin para hindi mairita lalo ang lalamunan.

    Syempre, malaking tulong din ang pagpapahinga para mas mabilis ang paggaling ng tonsillitis. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamay, lalo na bago kumain, para maiwasan ang paglipat ng bacteria o virus.

    Mga sanhi at risk factor ng tonsillitis

    Katulad ng nabanggit kanina, bacteria o virus ang kadalasang sanhi ng pamamaga ng tonsils. Ang Streptococcus pyogenes bacteria ang pinaka-common, pero pwede ring magdulot ng tonsillitis ang iba pang “kapamilya” ng streptococcus at iba pang klase ng bacteria at virus.

    Pagdating naman sa risk factors, talagang mas maraming mga bata ang nagkakaroon ng tonsillitis. Bukod sa edad, ang madalas na exposure sa germs ay isa ring malaking factor sa pagkakaroon ng infection at pamamaga ng tonsils.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano iwasan ang tonsillitis

    Isa lang ang siguradong paraan para maiwasan ang pamamaga ng tonsils at ito ang pagpigil sa mga bacteria at virus na makapasok sa ilong at bibig. Heto ang ilang tips para mas madaling magawa ito:
    • Tamang paghuhugas ng kamay, lalo na bago hawakan ang mukha at bago kumain.
    • Tamang dental hygiene, kasama na ang tamang pagsisipilyo at paggamit ng floss.
    • Pagpapalit ng toothbrush kada 3 buwan.
    • Hindi pagshe-share ng pagkain, inumin, at mga kubyertos sa taong may sakit.
    • Pagsusuot ng mask kapag lalabas, lalo na kung pupunta sa mataong lugar.
    Malaking tulong din ang pagkakaroon ng malakas na immune system para maiwasan ang tonsillitis. Kumain ng masustansyang pagkain, mag-exercise, uminom ng sapat na dami ng tubig, at umiwas sa masamang bisyo.

    Mga komplikasyon ng tonsillitis

    Kagaya ng nasabi kanina, hindi naman seryoso o life-threatening ang pamamaga ng tonsils. Kaya lang, kung hindi ito maagapan, pwede itong lumala at magdulot ng iba pang health conditions.

    Para sa mga pasyenteng kasalukuyang may tonsillitis, pwedeng magkaroon ng sleep apnea o disruption sa paghinga habang natutulog. Pwede ring kumalat ang infection sa iba pang parte ng lalamunan, lalo na iyong mga malapit sa tonsils.

    Kung hindi agad magagamot ang tonsillitis, lalo na yung dulot ng group A streptococcus o anumang streptococcal bacteria, malaki ang risk na magkaroon ng iba pang sakit ang pasyente. Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga sakit na ito:

    Rheumatic fever

    Ang rheumatic fever ay isang klase ng inflammatory condition na nakakaapekto sa puso, joints, at nervous system. Kadalasan, nagkakaroon ng enlarged heart, heart murmurs, at arthritis ang mga pasyenteng may rheumatic fever.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Poststreptococcal reactive arthritis

    Ang kondisyong ito ay isang klase ng arthritis dulot ng bodily response dahil sa bacteria. Kapag meron ka nito, madalas na namamaga ang maliit na joints katulad ng nasa mga daliri. Pwede naman itong magamot at madalas ay tumatagal ng mga 2 hanggang 3 buwan.

    Scarlet fever

    Ang scarlet fever ay isang sakit na dulot din ng streptococcus bacteria. Kaya ito tinawag na scarlet fever ay dahil sa mapulang rashes na kumakalat sa katawan ng pasyente. Pwede ring mamula ang mukha ng pasyente, ganun na din ang singit, kilikili, at tuhod.

    Isa ring sintomas ng scarlet fever ang tinatawag na strawberry tongue, kung saan nagiging sobrang pula at bumpy ang dila.

    Pwede rin ang pamamaga ng kidneys, na pwedeng mauwi sa iba pang renal disease.

    Sources:

    Mayo ClinicNemours KidsHealth, Medical News Today, NHS, Cleveland Clinic, Better Health Channel

    What other parents are reading

    Lahat ng tao ay merong dalawang tonsil—isa sa kaliwa at isa sa kanan—sa likod ng lalamunan. Binubuo ang tonsils ng tinatawag na “lymphoid tissue,” na sumusuporta sa immune response ng katawan. Bilang isang component ng immune system, pinipigilan ng tonsils ang pagpasok ng mga germs mula sa ilong o bibig. Meron ding mga white blood cell sa tonsils para pumatay ng mga germs.

     

    Kapag nagkaroon ng infection ang tonsils dahil sa virus o bacteria, nagdudulot ito ng pamamaga. Ang kondisyon na ito ang tinatawag na tonsillitis. Madalas mangyari ito sa mga batang nasa preschool age hanggang sa kalagitnaan ng teenage years, pero pwede pa ring magkaroon ng ganitong sakit ang matatanda.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pananakit ng lalamunan ang pinakakaraniwang sintomas ng pamamaga ng tonsil. Pwedeng may kasabay itong lagnat, pero depende ito kung gaano na kalala ang pamamaga. Sa maraming sitwasyon, hindi life-threatening ang tonsillitis. Pwede itong mawala nang kusa kahit hindi umiinom ng gamot. Kung hindi pa ito mawala sa loob ng 10 araw, magpunta na sa doktor para magamot at maiwasan ang mga complication ng tonsillitis.

     

    Iba-Ibang Characteristics at Sintomas ng Tonsillitis

    Kagaya ng nabanggit kanina, masakit na lalamunan ang number one symptom ng tonsillitis. Ilan pa sa mga senyales ng pamamaga ng tonsil ang mga sumusunod:

     

           nahihirapan lumunok o masakit na paglunok

           pakiramdam na parang may nakaharang sa lalamunan

           pananakit ng ulo at lagnat

           namamaga at masakit na kulani (lymph node sa leeg

           stiff neck

           pananakit tenga (dahil malapit ito sa leeg)

           pamamaos o pagiging garalgal ng boses

           bad breath

    Kapag may tonsillitis, mapapansin din ang pamumula ng tonsils kapag sinilip ang lalamunan. Kung medyo advanced na ang kondisyon, pwede ring makakita ng puti o kaya ay yellowish na spots sa likod ng lalamunan. Ang mga spots na ito ang senyales ng infection.

     

    Para sa mga bata na hindi pa makakapagsabi kung ano ang masakit sa kanila, pwedeng obserbahan ang mga sumusunod na sintomas ng tonsillitis kasabay ng lagnat:

     

           kawalan ng ganang kumain

           sobrang paglalaway dahil nahihirapan lumunok

           pagiging sobrang fussy o hindi mapakali

           pagsusuka

    Kung hindi mawala ang lagnat sa loob ng 2 araw, magpunta na agad sa doktor. Bantayan din kung nahihirapan huminga ang bata; kung oo, magpunta na sa emergency room para mabigyan agad ng tamang treatment. Delikado kasi kapag kumalat ang infection sa ibang parte ng katawan, katulad ng puso.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga Pwedeng Gamot sa Tonsillitis

    Kung bacteria and sanhi ng tonsilitis, antibiotic ang ireresetang gamit ng doktor. Kung virus naman, gamot na pampaginhawa ng mga sintomas (katulad ng pain reliever para sa sore throat) ang pwedeng ibigay dahil wala pang gamot para sa mga virus.

     

    Pwede ring sumailalim sa tonsillectomy (kung saan tinatanggal na nang tuluyan ang tonsils) ang pasyente kung may mga komplikasyon na ang tonsillitis o kung may ibang medical condition ang pasyente. Bata man o matanda ay pwedeng sumailam sa tonsillectomy. Mabilis lang gawin ang operasyong ito; sa katunayan, kung walang magiging problema sa procedure, pwede na agad umuwi ang pasyente pagkatapos tanggalin ang kanyang tonsils. Syempre, dapat sundin mabuti ang recovery instructions para mas mabilis gumaling at hindi ma-infect ang lalamunan.

     

    Marami ring home remedy na pwedeng gawin kapag namamaga ang tonsils. Isa na rito ang pagmumumog ng tubig na may asin o yung tinatawag na salt gargle. Nakakatulong ito para mabawasan ang pananakit ng lalamunan; meron ding germ-killing capability ang asin, kaya pwedeng mapabilis ang paggaling ng tonsillitis sa tulong ng gargle na ito. Mas bagay para sa mga matatanda at teenagers ang home remedy na ito, pero pwede rin itong subukan ng mga mas batang pasyente kung marunong na silang magmumog nang maayos.

     

    Bukod dito, pwede rin gawin ang mga sumusunod para makatulong guminhawa ang pakiramdam kapag namamaga ang tonsils:

     

    Para sa mga bata:

     

           Pag-inom ng maraming tubig at iba pang fluids. Makakatulong ang mga inumin katulad ng tubig at citrus juices para mabawasan ang sakit ng lalamunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

           Pagsipsip ng popsicles at pagkain ng malalamig na pagkain. Para sa mga bata na hindi pa pwedeng gawin ang nabanggit na salt gargle sa itaas, malaking tulong ang mga popsicles. Pwede rin ang ice chips para sa dagdag na hydration.

           Throat lozenges. Para sa mga batang may edad 4 pataas, pwedeng gumamit ng throat lozenges para mabawasan ang sakit ng lalamunan.

           Pagkain ng gelatin at iba pang malalambot na pagkain. Kung nahihirapan lumunok o kumain ang bata dahil sa sore throat, pwede ang flavored gelatin, yogurt, iba-ibang klase ng soup, at malambot ng prutas katulad ng saging.

           Paggamit ng humidifier. Nakakairita sa lalamunan ang tuyong hangin at baka mapadalas pa ang pag-ubo dahil dito. Para masolusyunan ito, pwedeng gumamit ng humidifier para madagdagan ng moisture ang hangin.

    Para sa matatanda:

     

    Bukod sa mga nai-suggest na home remedy sa taas, pwede ring gawin ang mga sumusunod:

     

           Paghinto sa paninigarilyo at pag-iwas sa cigarette smoke. Nakakairita sa lalamunan ang paninigarilyo at usok ng sigarilyo. Bukod sa pagpapalala ng tonsillitis, pwede ring magdulot ng iba pang sakit ang paninigarilyo kaya mas maganda talagang ihinto na ito.

           Pag-inom ng salabat. Bukod sa soothing properties ng luya, may anti-inflammatory properties din ito kaya maganda talagang uminom ng salabat kung meron kang tonsillitis.

           Pag-inom ng tea na may raw honey. Kung gusto mo ng mas matamis na salabat o kaya naman ay ibang klase ng tea, pwedeng gumamit ng raw honey. Meron itong antibacterial properties na makakatulong sa pagpapagaling ng namamagang tonsils. Mas mabuti kung maligamgam kaysa sa mainit na tea ang inumin para hindi mairita lalo ang lalamunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Syempre, malaking tulong din ang pagpapahinga para mas mabilis ang paggaling ng tonsillitis. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamay, lalo na bago kumain, para maiwasan ang paglipat ng bacteria o virus.

     

    Mga Sanhi at Risk Factor ng Tonsillitis

    Katulad ng nabanggit kanina, bacteria o virus ang kadalasang sanhi ng pamamaga ng tonsils. Ang Streptococcus pyogenes bacteria ang pinaka-common, pero pwede ring magdulot ng tonsillitis ang iba pang “kapamilya” ng streptococcus at iba pang klase ng bacteria at virus.

     

    Pagdating naman sa risk factors, talagang mas maraming mga bata ang nagkakaroon ng tonsillitis. Bukod sa edad, ang madalas na exposure sa germs ay isa ring malaking factor sa pagkakaroon ng infection at pamamaga ng tonsils.

     

    Paano Iwasan ang Tonsillitis

    Isa lang ang siguradong paraan para maiwasan ang pamamaga ng tonsils at ito ang pagpigil sa mga bacteria at virus na makapasok sa ilong at bibig. Heto ang ilang tips para mas madaling magawa ito:

     

           Tamang paghuhugas ng kamay, lalo na bago hawakan ang mukha at bago kumain.

           Tamang dental hygiene, kasama na ang tamang pagsisipilyo at paggamit ng floss.

           Pagpapalit ng toothbrush kada 3 buwan.

           Hindi pagshe-share ng pagkain, inumin, at mga kubyertos sa taong may sakit.

           Pagsusuot ng mask kapag lalabas, lalo na kung pupunta sa mataong lugar.

    Malaking tulong din ang pagkakaroon ng malakas na immune system para maiwasan ang tonsillitis. Kumain ng masustansyang pagkain, mag-exercise, uminom ng sapat na dami ng tubig, at umiwas sa masamang bisyo.

     

    Mga Komplikasyon ng Tonsillitis

    Kagaya ng nasabi kanina, hindi naman seryoso o life-threatening ang pamamaga ng tonsils. Kaya lang, kung hindi ito maagapan, pwede itong lumala at magdulot ng iba pang health conditions.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Para sa mga pasyenteng kasalukuyang may tonsillitis, pwedeng magkaroon ng sleep apnea o disruption sa paghinga habang natutulog. Pwede ring kumalat ang infection sa iba pang parte ng lalamunan, lalo na iyong mga malapit sa tonsils.

     

    Kung hindi agad magagamot ang tonsillitis, lalo na yung dulot ng group A streptococcus o anumang streptococcal bacteria, malaki ang risk na magkaroon ng iba pang sakit ang pasyente. Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga sakit na ito:

     

           Rheumatic fever. Ang rheumatic fever ay isang klase ng inflammatory condition na nakakaapekto sa puso, joints, at nervous system. Kadalasan, nagkakaroon ng enlarged heart, heart murmurs, at arthritis ang mga pasyenteng may rheumatic fever.

           Poststreptococcal reactive arthritis. Ang kondisyong ito ay isang klase ng arthritis dulot ng bodily response dahil sa bacteria. Kapag meron ka nito, madalas na namamaga ang maliit na joints katulad ng nasa mga daliri. Pwede naman itong magamot at madalas ay tumatagal ng mga 2 hanggang 3 buwan.

           Pamamaga ng kidneys, na pwedeng mauwi sa iba pang renal disease.

     scarlet fever ay isang sakit na dulot din ng streptococcus bacteria. Kaya ito tinawag na scarlet fever ay dahil sa mapulang rashes na kumakalat sa katawan ng pasyente. Pwede ring mamula ang mukha ng pasyente, ganun na din ang singit, kilikili, at tuhod. Isa ring sintomas ng scarlet fever ang tinatawag na strawberry tongue, kung saan nagiging sobrang pula at bumpy ang dila.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles