;
embed embed2
Diabetes - Sanhi at Sintomas
ILLUSTRATOR Stephanie Ocampo
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang diabetes mellitus, o mas kilala sa tawag na diabetes, ay isang grupo ng mga disorder o sakit sa endocrine system kung saan nagkukulang o kaya ay hindi nagre-respond ang katawan sa insulin, isang uri ng hormone na nanggagaling sa pancreas o lapay.

    Kapag meron kang diabetes, masyadong mataas ang level ng iyong glucose, na tinatawag ding blood sugar. Kung hindi maagapan, pwedeng magdulot ang diabetes ng mga serious health issue, kasama na ang mga sakit sa puso at nerve damage.

    Ayon sa World Health Organization, higit sa 422 milyong tao sa buong mundo ang may diabetes at karamihan sa mga kasong ito ay type 1 o kaya ay type 2. Chronic o pangmatagalan ang mga kondisyong ito, kung kaya naman kailangan ng maintenance medicication at iba pang long-term treatment para hindi mauwi sa mga komplikasyon.

    Sa kabutihang palad, marami namang accessible na gamot para sa diabetes. Malaki rin ang naitutulong ng mga lifestyle changes para ma-manage ang diabetes.

    Iba't-ibang characteristics ng diabetes

    Merong tatlong common types ang diabetes: type 1, type 2, at gestational diabetes. 

    Type 1 diabetes

     Ano ba ang Type 1? Ito ang klase ng diabetes kung saan hindi nakakapag-produce ng sapat na insulin ang katawan dahil inaatake ng immune system ang mga beta cell sa pancreas.

    Kailangan ang insulin para mailipat ang glucose mula sa dugo papunta sa mga cell sa buong katawan. Kung kaya naman kapag wala o kulang ang insulin, naiipon ang glucose sa bloodstream.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Type 2 diabetes

    Type 2 naman ang tawag sa kondisyon kung saan nagkukulang ang ginagawang insulin ng pancreas. Kasabay nito, hindi rin nagre-react ang mga cell sa insulin dahil naging resistant na sila sa hormone na ito. Kadalasan, kailangan ng mga type 2 diabetics na uminom ng gamot para ma-process ng kanilang katawan ang blood sugar.

    Gestational diabetes

    Panghuli, ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes na nade-develop sa ilang mga kababaihang nagdadalang-tao. Ito ay dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan dulot ng kanilang pagbubuntis.

    Sa maraming kaso, nawawala naman ang gestational diabetes pagkapanganak. Kaya lang, sa ibang pagkakataon, natutuloy ang gestational diabetes sa type 2 diabetes.

    Meron ding tinatawag na pre-diabetes, kung saan mas mataas kaysa sa normal range ang blood sugar ng isang tao pero hindi pa ito umaabot sa level na kailangan para matawag na diabetes.

    Sintomas ng diabetes

    Paiba-iba ang pwedeng maranasang sintomas ng isang taong may diabetes, depende kung gaano kataas ang level ng blood sugar niya. Mas mabilis din mag-manifest ang mga sintomas sa mga may type 1 kaysa sa type 2. Kasama ang mga sumusunod sa pinaka-common na senyales ng diabetes:

    1. madalas na pagka-uhaw
    2. mas madalas at matinding pagkagutom
    3. hindi maipaliwanag na weight loss
    4. mas madalas na pag-ihi
    5. pagkakaroon ng ketones sa ihi
    6. panlalabo ng mata
    7. mga sugat na matagal bago gumaling
    8. madalas na pagkakaroon ng skin infection, vaginal infection, at iba pa
    9. pagiging iritable
    10. mabilis na pagkapagod at pagiging fatigued

    Kung mapapansin, may mga sintomas ang diabetes na parang wala namang kinalaman sa high blood sugar. Ito ang dahilan kung bakit importante ang mga regular checkup para ma-diagnose nang maaga at mabigyan ng tamang treatment ang anumang sakit.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga pwedeng gamot sa diabetes

    Ang pinaka-importanteng gawin ng isang taong may diabetes ay ang pagme-maintain ng tamang blood sugar level sa pamamagitan ng mga gamot at pagkain ng tamang diet. Makakatulong din ang pag-e-exercise, lalo na sa pagbabawas ng timbang at pagpapababa ng LDL o “bad” cholesterol.

    Ayon kasi sa mga pag-aaral, nababawasan ang HDL o “good” cholesterol ng mga taong may diabetes. Huwag mag-alala dahil kahit mga simpleng exercise lang katulad ng paglalakad o pagja-jogging ng 30 minutes kada araw ay may magagawa nang malaking pagbabago sa katawan.

    Panghuli, importanteng ma-control ang hypertension dahil napapalapot ng diabetes ang dugo.  

    Makakatulong ang mga tips sa ibaba para ma-achieve ang mga nabanggit na goals sa itaas:

    Pagkakaroon ng meal plan

    Mas madaling kumain ng healthy diet kung meron kang sinusunod plano. Meron ding mga klase ng diet na mas bagay sa mga may diabetes, katulad ng Mediterranean diet na nagfo-focus sa gulay, whole grains, at prutas.

    Self-monitoring ng blood pressure at blood sugar

    Kung kasya sa budget, bumili ng blood pressure monitor at glucose monitor na pwedeng magamit sa bahay. I-record ang mga reading at magpakonsulta agad sa doktor kung may makitang malaking pagbabago.

    Mas madalas dapat mag-monitor ng blood sugar ang mga may type 1 diabetes 

    Depende sa kondisyon ng pasytente at rekomendasyon ng doktor, pwede i-require na i-check ang glucose levels ng 3 hanggang 4 beses sa isang araw.

    Paghinto sa paninigarilyo

    Maraming masamang epekto sa katawan ang paninigarilyo, kasama na ang mga sakit sa baga. Bukod dito, may mga pag-aaral na nagsasabing napapataas ng nicotine na galing sa sigarilyo ang blood sugar levels. Kung ikaw ay naninigarilyo, mas mabuting huminto na para hindi na lumala pa ang iyong diabetes.

    Para naman sa mga posibleng medical treatment, narito ang mga pinaka-common na inirerekomenda ng mga doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Insulin

    Para sa mga may type 1 diabetes, kailangan ng insulin therapy para ma-process ng katawan ang glucose. Maraming klase ng insulin, katulad ng short-acting at rapid-acting insulin. Pwedeng mag-rekomenda ang doktor ng 2 o higit pang klase, depende kung gaano kalala ang kaso ng diabetes.

    Tandaan na ang tanging paraan para i-administer ang insulin ay gamit ang injection, insulin pen, o kaya ay insulin pump na may na catheter na nakakabit sa tiyan.

    Oral medications at iba pang gamot

    Maraming klase ng gamot para sa type 2 diabetes, at isa sa mga pinakasikat ay ang metformin. Ang gamot na ito ay may kakayahang pigilan ang mga enzyme na nagdudulot ng sensitivity sa insulin.

    Meron ding mga gamot na sini-stimulate ang pancreas para makapag-release ito ng mas maraming insulin. Meron din namang gamot na pinipigilan ang production ng glucose, kaya mas kaunting insulin na lang ang kailangan para madala ang blood sugar papunta sa mga cell.

    Isa pang klase ng gamot para sa diabetes ang mga SGLT2 inhibitors na pumipigil sa mga kidney sa pagre-reabsorb ng blood sugar. Sa halip, sumasama sa ihi ang sobrang glucose.

    Transplantation

    Para sa mga malalang kaso ng type 1 diabetes, pwedeng irekomenda ng doktor ang pancreas transplant. Kaya lang, hindi 100% ang kasiguraduhan na magiging successful ang transplant. Magpakonsulta muna sa doktor at alamin ang lahat ng risk bago magdesisyon kung ito nga ang nababagay na treatment.

    Mga sanhi at risk factor ng diabetes

    Para sa type 1 diabetes, hindi pa rin alam ang mga doktor kung bakit nga ba inaatake ng immune system ang mga insulin-producing cell sa pancreas. May mga nagsasabing genetic daw ito, pero hindi pa rin nakakasigurado ang mga health experts. Kailangan pa ng maraming pag-aaral para malaman kung ano talaga ang tunay na dahilan ng type 1 diabetes.

    Samantala, may mga pag-aaral na nagsasabing may koneksyon pagiging overweight sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Kaya lang, marami ding kaso ng sakit na ito na hindi naman overweight ang pasyente, kaya kailangan pa rin ng karagdagang research para mapatunayan ang findings na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinaniniwalaan din na katulad ng type 1 diabetes, meron ding genetic factors ang type 2 diabetes. Ganunpaman, hindi pa rin ito conclusive at patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga eksperto.

    Para naman sa gestational diabetes, ang pangunahing sanhi nito ay ang mga hormone na galing sa placenta. Nakakatulong ang mga hormone na ito para ma-sustain ang pagbubuntis, pero minsan ay nagdudulot ito ng insulin resistance sa mga cell.

    Sa risk factors naman, narito ang ilang mga bagay na nagpapataas ng chance na magkaroon ng diabetes ang isang tao:

    Type 1 diabetes risk factors

    • family history
    • pagkakaroon ng tinatawag na diabetes autoantibodies

    Type 2 diabetes at pre-diabetes risk factors

    • pagiging overweight o obese
    • mataas na bad cholesterol levels
    • hypertension
    • sedentary lifestyle
    • family history
    • pagiging edad 40 pataas
    • pagkakaroon ng gestational diabetes

    Gestational diabetes risk factors

    • pagkakaroon ng PCOS
    • pagiging edad 25 pataas
    • pagiging overweight bago mabuntis
    • naunang panganganak, kung saan malaki/mabigat ang bata

    Tandaan din na hindi lang matatanda o adults ang nagkakaroon ng diabetes. Sa katunayan, maagang mag-manifest ang type 1 diabetes, kadalasan tuwing early childhood o kaya ay adolescence.

    Sa type 2 diabetes naman, dumadami na rin ang kaso sa mga teenagers na nagkakaroon ng sakit na ito. Madalas ay dulot ito ng sedentary lifestyle, ganun na din ang pagkain ng mga chichirya, chocolates, at iba pang maalat at matamis na pagkain.

    Paano iwasan ang diabetes

    Sa kasamaang palad, hindi maiiwasan ang type 1 diabetes dahil isa itong autoimmune disease. Hindi rin mapipigilan ang ibang risk factor katulad ng edad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ganunpaman, maraming pwedeng gawin para mapigilan o ma-delay ang pagkakaroon ng diabetes. Kasama na rito ang mga sumusunod:

    • Pagkain ng healthy diet. Kung maaari, magbawas ng hanggang 250 calories per day para mabawasan din ang timbang.
    • Paggamit ng food diary, para ma-monitor ang diet at calorie intake.
    • Pag-e-exercise ng 30 minutes, 5 hanggang 6 beses sa isang linggo.
    • Pagtigil sa paninigarilyo at pagbawas sa pag-inom ng alak.
    • Pagtulog ng 7 hanggang 8 oras gabi-gabi. Makakatulong din ang pagre-relax para mabawasan ang stress.

    Syempre, makakatulong din ang mga regular checkup para mabantayan ang kalusugan at maagapan ang tuluyang pag-develop ng diabetes.

    Mga komplikasyon ng diabetes

    Kailangan ng buong katawan ang blood sugar para sa consistent na energy supply. Dahil dito, kung hindi mama-manage nang maayos ang diabetes ay pwed itong magdulot ng iba-ibang komplikasyon katulad ng mga sumusunod:

    Cardiovascular diseases 

    Maraming uri ng cardiovascular disease, katulad ng heart attack, hypertension, atherosclerosis o pagkipot ng daanan ng dugo, at iba pa.

    Diabetic nephropathy

    Ito ay ang pagkasira ng kidney o bato dahil sa diabetes, kung saan ang filter na sumasala sa dugo ay nagkakaroon ng butas o tagas. Dahil dito, may sumasamang mga protein sa ihi. Kapag nagtagal at hindi na-manage, pwede itong mauwi sa kidney failure.

    Nerve damage

    Nagsisimula ito sa pamamanhid ng mga daliri sa kamay o paa, at unti-unting kumakalat hanggang sa mauwi sa pagkawala ng muscle strength.

    Retinopathy

    Isa itong uri ng eye damage, na pwedeng mauwi sa katarata, glaucoma, at pagkabulag.
    Bukod sa mga nabanggit, pwede ring magdulot ang diabetes ng gangrene, iba-ibang uri ng skin infections, erectile dysfunction sa kalalakihan, at preeclampsia sa mga buntis na kababaihan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sources:

    World Health Organization, Cleveland Clinic, NHSNational Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases, Mayo ClinicCenters for Disease Control and Prevention

    What other parents are reading

    Type 2 Diabetes at Pre-Diabetes

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles