;
embed embed2
Goiter (Bosyo) - Sanhi at Sintomas
ILLUSTRATOR Stephanie Ocampo
  • Lahat ng tao ay may thyroid, isang gland na hugis butterfly na matatagpuan sa ibabang bahagi ng leeg, sa ilalim ng Adam’s apple. Nagkaka-goiter ang isang tao kapag lumaki o namaga ang kanyang thyroid gland.

    Ang thyroid gland ay bahagi ng endocrine system at ang main function nito ay ang pagpo-produce ng thyroid hormones na thyroxine (T4) triiodothyronine (T3). Importante ang T4 at T3 sa pagre-regulate ng maraming bodily functions, kasama na ang digestion, metabolism, at pati na rin ang mood.

    Kadalasan nangyayari ang goiter (bosyo sa Tagalog) dahil sa kakulangan sa iodine sa katawan. Pero meron din namang pagkakataon na nagkukulang o sumosobra ang production ng thyroid hormones. Ang tawag dito ay hypothyroidism (kulang ang hormones) o kaya ay hyperthyroidism (sobra ang hormones). Parehong pwedeng magdulot ng goiter ang dalawang kondisyong ito.

    Karamihan sa mga may goiter ay hindi naman nakakaranas ng pananakit. Sa katunayan pa nga, kapag maliit lang ang goiter at hindi naman ito nagdudulot ng komplikasyon, hindi na ito kailangang gamutin.

    Ang mas kailangan ng treatment ay ang mga kaso ng sobrang laking goiter na nagdudulot ng madalas na pag-ubo o kaya naman ay kahirapan sa paglunok o paghinga ng pasyente. Pwedeng bigyan ng gamot, hormone therapy, o supplemental iodine and pasyente. Kung malala na ang kondisyon, isang viable treatment option din ang surgery para tanggalin ang goiter.

    Iba't-ibang characteristics at sintomas ng goiter

    Hindi lahat ng kaso ng goiter ay may obvious na senyales o sintomas. Ang pinaka-common na sintomas ay ang pamamaga sa puno o base ng leeg. Minsan ay parang maliit na bukol lang ito at hindi kaagad napapansin, pero meron ding mga kaso na sobrang laki ng pamamaga ng thyroid gland.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Posible ring mangyari na isang side lang ng thyroid gland ang mamaga, kaya isang side lang din ng leeg mas malaking tingnan. Bukod pa rito, kasama rin ang mga sumusunod na sintomas ng goiter:

    • paninikip ng lalamunan
    • pamamaos o pagiging garalgal ng bose
    • hirap sa paglunok
    • hirap sa paghinga
    • pagkahilo kapag itinataas ang mga braso nang lagpas sa ulo
    • wheezing dahil sa pagka-ipit ng windpipe

    Sintomas ng goiter kung may hyperthyroidism

    Kung hyperthyroidism ang sanhi ng goiter, pwede ring makaranas ng tachycardia o mabils na tibok ng puso ang pasyente. Dagdag pa diyan, sintomas din ng hyperthyroidism ang pagpapawis kahit hindi naman mainit o kahit hindi naman gumawa ng strenuous activity. Common symptom din ng goiter na dulot ng hyperthyroidism ang pagsusuka at diarrhea.

    Sintomas ng goiter kung may hypothyroidism

    Samantala, kung dahil naman sa hypothyroidism ang goiter, kasama sa mga pangunahing sintomas ang:

    Types ng goiter

    Meron ding iba-ibang klase ng goiter na pwedeng maging dahilan ng paglabas ng iba pang sintomas. Kasama sa mga types ng goiter ang mga sumusunod:

    Nodular at multinodular goiter

    Kapag may nabuong mga bukol o nodule sa thyroid gland, tinatawag itong nodular goiter. Kapag marami ang mga nodule, multinodular goiter ang tawag sa kondisyon.

    Madalas na may fluid sa loob ang mga bukol na ito at mahalagang magpa-biopsy ang pasyente para malaman kung merong cancer cells sa mga nodule. Ang ibang tawag sa uri ng goiter na ito ay toxic goiter.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Substernal goiter

    Ito ay isang kondisyon kung saan ang pamamaga o paglaki ng thyroid gland ay umabot na sa dibdib o maging hanggang sa baga.

    Diffuse Goiter

    Ito ay isang uri ng goiter kung saan namamaga ang buong thyroid gland. Kapag hinawakan ang leeg sa parteng namamaga, makinis ito sa pakiramdam.

    Colloid o Endemic Goiter

    Ito ang uri ng goiter na dulot ng kakulangan sa iodine.

    Nontoxic o Sporadic Goiter

    Hindi pa tiyak kung ano talaga ang sanhi ng nontoxic goiter, pero meron nang mga pag-aaral na tinitingnan ang link nito sa paggamit ng lithium, isang gamot na ginagamit para sa mga mood disorder.

    Mga pwedeng gamot sa goiter

    Depende sa laki, mga sintomas, at sa underlying cause ang treatment na ibibigay ng doktor para sa goiter. Halimbawa, kung dahil sa hyperthyroidism ang goiter, mauunang gamutin ang hyperthyroidism.

     

    Kung maliit lang ang goiter at wala namang naidudulot na problema o sakit, madalas na “wait and see” muna ang ginagawang approach. Kung sakaling magpakita ng sintomas, saka pa lang magrerekomenda ng nababagay na treatment ang doktor. Kasama sa mga treatment ang mga sumusunod:

    Medication para sa goiter

    Para sa mga may goiter dahil sa hypothyroidism, pwedeng gamitin ang mga thyroid hormone replacement drugs katulad ng levothyroxine. Kung hyperthyroidism naman ang sanhi ng goiter, ang pinaka-common na inireresetang gamot ay methimazole at propylthiouracil.

     

    Para naman ma-manage ang pamamaga ng thyroid gland, effective na gamot ang mga corticosteroid at aspirin.

    Radioactive iodine

    Kung overactive ang thyroid gland ng pasyente, pwedeng siyang bigyan ng radioactive iodine. Iniinom ito bilang pills o capsules, at may kakayahan itong sumira sa mga thyroid cell. Dahil dito, lumiliit ang goiter at posibleng mawala na ito nang tuluyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Meron nga lang side effect ang radioactive iodine at ito ang pagiging underactive ng thyroid gland. Dahil dito, pwede kang bigyan ng synthetic thyroid hormones para mabalanse ang dami nito sa iyong katawan.

    Thyroidectomy

    Ito ay isang operasyon kung saan tinatanggal ang isang bahagi o kabuuan ng thyroid gland. Ginagawa lang ito para sa mga malalang kaso ng goiter na nagdudulot ng problema sa paghinga at pagkain ng pasyente. Isa ring treatment option para sa thyroid cancer ang thyroidectomy.

     

    Pagkatapos ng operasyon, posibleng kailanganin ang pag-inom ng levothyroxine o iba pang thyroid hormone replacement. Depende ito sa kung gaano kalaking bahagi ang tinanggal sa thyroid.

    Mga sanhi at risk factor ng goiter

    Maraming pwedeng sanhi ang goiter, katulad na lang ng kakulangan sa iodine. Kailangan kasi ng thyroid ng iodine para makapag-produce ito ng tamang dami ng T4 at T3 hormones. Kapag nagkulang ang iodine sa katawan, minsan ay nagko-compensate ang thyroid para makakuha ng mas maraming iodine kaya lumalaki ang gland.

     

    Kadalasan, ang iodine deficiency ay dahil kulang sa iodine ang diet ng isang tao. Meron ding mga hormone-inhibiting foods, kagaya ng repolyo at cauliflower, na pwedeng magpalala sa iodine deficiency. Sa kabutihang palad, madali namang makakuha ng iodine sa mga panahon ngayon dahil marami nang iodine-enriched food.

     

    Bukod sa iodine deficiency, narito pa ang ilang mga sanhi ng goiter:

    Genetic defects

    Merong mga taong may defect sa kanilang genes, kung saan kulang ang proteins na kailangan ng thyroid gland para mag-produce ng thyroid hormones. Dahil dito, nagkakaroon sila ng goiter.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Graves’ Disease

    Ang Graves’ disease ay isang autoimmune disorder kung saan inaatake ng immune system ang thyroid gland, kung kaya nasosobrahan ang ginagawa nitong thyroxine o T4. Dahil dito, nao-overstimulate ang thyroid gland at namamaga ito.

    Hashimoto’s Disease

    Kabaligtaran ng Graves’ disease ang Hashimoto’s disease, kung saan underactive ang thyroid gland. Dahil sa mababang level ng thyroid hormone, sini-stimulate ng pituitary gland ang thyroid, kaya ito lumalaki at nauuwi sa goiter.

    Pagbubuntis

    Kapag buntis ang isang babae, nagpo-produce ang katawan niya human chorionic gonadotropin o HCG. Pwede magdulot ang hormone na ito ng bahagyang paglaki ng thyroid gland.

    Thyroiditis

    Kapag nagkaroon ng inflammation ang thyroid gland, pwedeng itong magresulta sa goiter. May mga kaso din ng postpartum thyroiditis sa mga kababaihan, pero nawawala naman ito pagkatapos ng ilang buwan.

    Thyroid cancer

    Sa kabutihang palad, rare naman ang thyroid cancer. Ganun pa man, kung meron kang nodular goiter, mabuting magpa-biopsy na agad para malaman kung cancerous ba ang nodules o hindi.

     

    Babae man o lalaki ay pwedeng magkaroon ng goiter, pero meron mga tao na mas mataas ang risk na magkaroon ng ganitong sakit. Narito ang ilang risk factors na dapat tandaan:

    • pagiging babae at pagbubuntis
    • pagtuntong ng isang babae sa menopausal stage
    • edad na lagpas na sa 40
    • family history ng goiter
    • exposure sa radiation
    • pag-inom ng ilang klase ng gamot katulad ng lithium at amiodarone

    Paano iwasan ang goiter

    Ang pinaka-effective na paraan para maiwasan ang goiter ay ang pagkakaroon ng sapat na iodine sa katawan. Kasama sa mga iodine-rich food ang mga seafood katulad ng hipon at tahong, pati na rin ang iba-ibang uri ng seaweed. Mataas din ang iodine content ng gatas, lalo na ang cow’s milk, at yogurt. Sa pagluluto naman, mainam na gumamit ng iodized salt.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang recommended daily intake ng iodine ay 150 micrograms araw-araw. Katumbas ito ng kalahating kutsarita ng iodized salt. Pinaka-importanteng makakuha ng sapat na dami ng iodine ang mga babaeng buntis, mga babaeng nagbe-breastfeed, at mga bata.

    Pwede ring magdulot ng goiter ang sobrang iodine. Rare naman ang mga ganitong kaso, pero dapat pa ring mag-ingat at bantayan ang iodine consumption, lalo na kung mataas ang iyong risk na magkaroon ng goiter.

    Mga komplikasyon ng goiter

    Kagaya ng unang nabanggit, hindi naman life-threatening ang goiter at maraming kaso na hindi na ito kailangang gamutin. Ganun pa man, kung malala na ang kaso ng goiter at hindi ito ginamot, pwedeng ma-damage ang vocal cords at windpipe ng pasyente. Pwede rin maging dahilan ang goiter ng mga sleeping problems, pagiging iritable, at unintended weight loss.

    Ang pinaka-importanteng bantayan ay ang mga sakit na nagdudulot ng goiter. Halimbawa, kung hindi maagapan ang hypothyroidism, pwede itong mauwi sa heart disease, mental health issues, at nerve damage. Sa mga kababaihan, pwede magdulot ng infertility. Tumataas din ang risk ng miscarriage, stillbirth, preterm delivery, at congenital defects kapag kulang sa iodine ang isang babae.

    Dahil dito, mas mabuting mag-focus sa paggamot ng underlying cause ng goiter. Kapag nagamot o nawala na ang underlying cause, mataas ang chance na kusang mawala rin ang goiter.

    Sources:

     Mayo Clinic, Cleveland Clinic, American Thyroid Association, Healthline, Johns Hopkins Medicine, Hormone Health Network, NHS

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles