;
embed embed2
Hypertension (Altapresyon) - Sanhi at Sintomas
ILLUSTRATOR Stephanie Ocampo
  • Habang dumadaloy ang dugo, meron itong ine-exert na pressure sa mga arterial wall. Depende sa dami ng dugo at sa resistance ng mga artery sa pagdaloy ng dugo, pwedeng maging mababa o mataas ang nasabing pressure. Kung maraming dugo ang pina-pump ng puso pero makipot ang arteries na dinadaanan, mas mataas ang resistance kaya mas mataas rin ang blood pressure.

    Ang normal na blood pressure ay 120/80 mmHg. Kapag consistent na mas mataas sa 120/80 mmHg ang blood pressure, tinatawag na itong hypertension o altapresyon. Ang hypertension ay isang serious medical condition na pwedeng mauwi sa iba-ibang sakit, katulad ng heart disease at kidney problems.

    Bukod pa rito, isang napaka-common na kondisyon ang hypertension. Sa katunayan, ayon sa World Health Organization, aabot sa 1.13 bilyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng sakit na ito. Sa kasamaang palad, posibleng magkaroon ka ng altapresyon nang walang nararamdamang sintomas.

    Kapag tuluy-tuloy na mataas ang iyong blood pressure, pataas nang pataas ang risk na magkaroon ka ng iba pang sakit. Ganun pa man, maraming pwedeng gawing lifestyle changes para maiwasan ang pagkakaroon ng kondisyong ito.

    Ugaliin din ang pagpapa-check-up sa doktor para ma-monitor ang iyong health condition at maagapan ang mga sakit katulad ng hypertension.

    Iba't-ibang characteristics at sintomas ng hypertension

    Sa kabuuan, merong limang stages ang blood pressure condition ng isang tao. Normal na matatawag ang reading na 120/80 mmHg. Pwedeng bumaba ang reading hanggang 90/60 mmHg na hindi kino-consider na hypotension (ang kabaliktaran ng altapresyon) basta’t hindi ito nagdudulot ng mga complication.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag umakyat ang blood pressure reading sa 121/80 mmHg hanggang 129/80 mmHg, tinatawag itong elevated blood pressure. May ibang mga doktor na tinatawag na itong prehypertension. Kung hindi maagapan, pwedeng lumala ito at mauwi sa stage 1 o stage 2 hypertension.

    Sa stage 1 hypertension, ang blood pressure reading ay pwedeng umabot mula 130 hanggang 139 mmHg systolic pressure at 80 hanggang 89 na diastolic pressure. Sa stage 2 naman, pwedeng maging 140 mmHg pataas ang systolic pressure at 90 mmHg pataas naman ang diastolic pressure.

    Kapag umabot pa sa mas mataas na level ang blood pressure, tinatawag na itong hypertensive crisis. Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital kung 180/120 mmHg o higit pa ang blood pressure para mabigyan agad ng tamang medical care. Mas lalong dapat madala sa doktor ang pasyente kung nakakaramdam siya ng

    • pananakit ng dibdib
    • kakapusan ng hininga
    • panghihina

    Meron ding dalawang klase ng hypertension: primary at secondary. Ang primary hypertension ay ‘yung pagtaas ng blood pressure habang tumatanda. Ito ang mas common na uri ng hypertension.

    Samantala, ang secondary hypertension naman ay kadalasang dulot ng iba pang medical condition o pag-inom ng ilang klase ng gamot. Kapag nawala na ang sakit o huminto na sa pag-inom ng gamot na nagdudulot ng mataas na blood pressure, pwede na ring mawala secondary hypertension.

    Ano ang blood pressure reading

    Pagdating sa iyong blood pressure reading, importanteng malaman ang kaibahan ng dalawang numerong lalabas sa sphygmomanometer o blood pressure monitor.

    Ang unang number na makikita sa itaas ay ang systolic pressure. Sinusukat nito ang pressure sa mga artery kapag tumitibok ang puso. Ang pangalawang number naman na makikita sa ibaba ay ang diastolic pressure, na sinusukat naman ang pressure sa mga artery sa pagitan ng bawat tibok ng puso. Sa reading na 120/80 mmHg, ang 120 ang systolic pressure at ang 80 naman ang diastolic pressure.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dahil hindi naman natin nararamdaman ang pagdaloy ng dugo, hindi rin tayo nakakaramdam ng mga sintomas kapag mataas na ang ating blood pressure. Merong mga tao na nahihilo, nananakit ang batok, kinakapos ng hininga, o kaya ay dumudugo ang ilong kapag ina-altapresyon pero hindi rin naman specific ang mga sintomas na ito sa high blood pressure.

    Ang pinaka-effective na paraan para malaman kung meron kang hypertension ay ang pagkuha ng blood pressure reading. Dapat din ay consistently na mataas ang reading bago ka ma-diagnose. Kadalasan, kailangan munang tatlong araw o higit pa na mataas ang blood pressure para masabing altapresyon nga ang kondisyon.

    Tandaan din na gaya ng nabanggit kanina, may dalawang component ang blood pressure: ang dami ng dugong pina-pump ng puso at ang taas ng resistance sa mga artery. Dahil dito, pwedeng tumaas ang iyong blood pressure kahit na wala kang hypertension.

    Halimbawa, pagkatapos mag-exercise, bumibilis talaga ang tibok ng puso at dumadami ang napa-pump na dugo. Pero pagkatapos namang magpahinga, babalik na sa dati ang heart rate at bababa na rin ang blood pressure.

    Mga pwedeng gamot sa hypertension

    Maraming gamot na pwedeng ireseta ang iyong doktor para ma-manage ang hypertension. Kasama na rito ang mga sumusunod:

    Diuretics

    Ginagamit ang ganitong klase ng gamot para matulungan ang mga kidney na mailabas ng sobrang sodium at tubig sa katawan. Tinatawag ding “water pills” ang mga diuretic dahil napapadalas ang pag-ihi ng mga taong umiinom nito. Kadalasang ito ang unang inireresetang gamot para sa mga may hypertension, lalo na kung nasa early stages pa lang ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Calcium channel blockers

    Isa ring common na gamot para sa altapresyon ang mga calcium channel blocker, na may kakayahang magpa-relax ng mga blood vessel. Meron ding mga calcium channel blocker na nagpapabagal ng tibok ng puso para hindi ganoon karami ang volume ng dugo na dumadaloy sa mga ugat.

    Ang pinaka-importanteng tandaan kapag umiinom ng ganitong klase ng gamot ay bawal kumain o uminom ng mga produktong may grapefruit. Ito ay dahil may component ang grapefruit na nagpapataas ng level ng calcium channel blockers sa katawan, na pwedeng magdulot ng ilang komplikasyon.

    Angiotensin-Converting Enzyme o ACE inhibitors

    Ang mga ACE inhibitor katulad ng benazepril, captopril, at lisinopril ay may kakayahang pigilan ang formation ng mga chemical sa katawan na nagpapakipot ng mga blood vessel. Dahil dito, mas maluwag na nakakadaloy ang dugo at nababawasan ang pressure sa mga ugat.

    Angiotensin II receptor blockers o ARB

    Kung ang mga ACE inhibitor ay pumipigil sa formation ng mga chemical na nagpapakipot sa mga blood vessel, ang mga ARB naman ay nagpapa-relax sa mga blood vessel matapos silang kumipot o mag-contract. Isang sikat na ARB ang losartan.

    Vasodilators

    Ang mga vasodilator ay nakaka-apekto mismo sa mga arterial wall. Pinipigilan ng gamot na ito ang mga muscle ng arteries para hindi sila mag-contract at manatiling maluwag ang dadaluyan ng dugo.

    Kadalasang trial and error ang paghanap ng pinaka-effective at hiyang na gamot para sa altapresyon. Minsan din ay mas maganda ang resulta kapag pinagsabay ang dalawa o higit pang klase ng hypertension medication.

    Syempre, huwag basta-bastang iinom o magko-combine ng kahit anong gamot. Humingi muna ng payo sa doktor para masigurado ang safety at makakuha ng payo tungkol sa side effects at iba pang mga bagay na dapat i-monitor habang umiinom ng gamot.

    Kasabay ng mga gamot na ito, kailangan rin ang healthy lifestyle changes para mapanatiling mababa o nasa ideal level ang iyong blood pressure. Nangunguna na rito ang pagkain ng healthy at balanced diet na mababa sa sodium. Importante rin ang pag-e-exercise at pagme-maintain ng tamang timbang. Makakatulong din ang pag-iwas sa pag-inom ng alak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi at risk factor ng hypertension

    Nade-develop ang primary hypertension sa pagtagal ng panahon. Habang tumatanda kasi ang tao, nagbabago ang vascular system, lalo na ang mga ugat. Nababawasan ang flexibility ng mga artery, kaya naman tumataas ang blood pressure.

    Pwede ring unti-unting kumipot ang daanan ng dugo dahil sa mga unhealthy habits, kagaya ng pagkakaroon ng sedentary lifestyle at pagkain ng mga pagkaing mataas ang cholesterol at sodium content.

    Samantala, ang secondary hypertension naman ay pwede at madalas na biglaan kung mangyari. Ito ay dahil ang secondary hypertension, kagaya ng nabanggit kanina, ay dulot ng mga underlying condition o sakit. Halimbawa, maraming mga taong may sakit sa thyroid at adrenal gland  ay madalas na meron ding hypertension. Ganito ang mga karaniwang kaso ng hypertension sa mga bata.

    Mataas din ang chance na magkaroon ng hypertension ng mga taong:

    • may kamag-anak na may hypertension, diabetes, o cardiovascular disease
    • merong health condition katulad ng sleep apnea, kidney disease, at diabetes
    • may edad 55 pataas
    • overweight o obese
    • hindi nag-e-exercise
    • kumakain ng high-sodium diet
    • kulang ang potassium sa diet
    • naninigarilyo at malakas uminom ng alak

    Tumataas din ang risk ng mga babaeng buntis na magkaroon ng hypertension dahil sa mga physical changes na nangyayari sa kanilang katawan. Good news naman na hindi ito permanent; pwede itong mawala pagkatapos manganak. Kaya lang, kung hindi ma-manage nang maayos ang hypertension habang buntis, pwede itong mauwi sa preeclampsia.

    Paano iwasan ang hypertension

    Sa kabutihang palad, maraming pwedeng lifestyle changes para maiwasan ang pagkakaroon ng hypertension. Kagaya ng nabanggit kanina, malaki ang maitutulong ng healthy diet at exercise para mapanatiling malusog ang katawan at maganda ang daloy ng dugo.

    Pagdating sa pagkain, pwedeng subukan ang tinatawag DASH diet (dietary approaches to stop hypertension), kung saan mas inirerekomendang kumain ng mas maraming prutas, gulay, at whole grains. Natural kasi na mababa ang sodium content ng mga ganitong pagkain, kaya mas madali rin maiwasan ang sobrang sodium. Nakakatulong din ang DASH diet sa pagbabawas ng timbang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede rin umiwas sa paggamit ng asin sa pagluluto at sa halip ay gumamit na lang ng herbs at spices bilang pampalasa. Bawasan din ang pagkain ng fast food, chichirya, at iba pang maalat na pagkain. Syempre, huwag kalimutang mag-exercise.

    Maganda rin na palaging i-monitor ang blood pressure, lalo na kung tumatanda na para maagapan. Maraming nabibiling portable at digital na blood pressure monitor para merong magamit sa bahay. I-record ang blood pressure readings at kumonsulta sa doktor kapag may nakitang mga irregular patterns o mga pagbabago sa iyong presyon.

    Mga komplikasyon ng hypertension

    Maraming komplikasyon ang hypertension kung hindi ito maagapan. Kasama na diyan ang iba-ibang sakit sa puso katulad ng angina o matinding chest pain, heart attack, arrhythmia, at stroke. Pwede ring magdulot ang hypertension ng aneurysm; kapag nag-rupture ito, pwedeng itong maging sanhi ng brain damage, hemorrhagic stroke, o maging pagkamatay.

    Tandaan din na dumadaloy ang dugo sa buong katawan, kaya pwedeng magkaroon ng komplikasyon ang altapresyon sa halos lahat ng bahagi ng katawan. Halimbawa, kapag sobrang taas ng blood pressure sa mga ugat sa mata, pwedeng pumutok ang mga ito at magdulot ng pagkabulag. Ganun din, kapag nagkaroon ng problema sa blood flow papunta sa mga kidney, pwede itong mauwi sa kidney failure.

    Pwede ring maapektuhan ng altapresyon ang utak, lalo na ang paggawa at pag-store ng mga memory. Minsan ay nababawasan din ang thinking at learning capacity ng mga taong may matinding kaso ng hypertension. Kapag nagkulang nang husto ang supply ng dugo sa utak, posibleng mauwi ito sa tinatawag na vascular dementia.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sources:

    Mayo ClinicCenters for Disease Control Preventaion, World Health Organization, U.S. Food & Drug Administration, Cleveland Clinic, American Heart Association

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles