;
embed embed2
Gastritis - Sanhi At Sintomas
ILLUSTRATOR Paula Pangan
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang gastritis ay isang klase o grupo ng mga sakit na nagdudulot ng pamamaga ng mucosa o ‘yung mucus lining ng sikmura na nagsisilbing protection laban sa mga acid na nagda-digest sa pagkain. Namamaga ang mucosa kapag naging mahina o na-damage ito. Kadalasan, sanhi ito ng mga bacteria. Ang pinaka-common na bacteria na nagdudulot ng gastritis ay ang Helicobacter pylori (H. pylori), na kilala rin bilang bacteria na nagdudulot ng peptic ulcer.

    Bukod sa H. pylori, maraming posibleng dahilan ang paghina ng mucosa ng sikmura. Kasama na rito ang madalas at labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo, at katandaan. Meron ding mga gamot na pwedeng magdulot ng gastritis kung sobrang tagal na ang pag-inom ng mga ito.

    Merong dalawang klase ng gastritis, depende sa bilis ng paglabas ng mga sintomas, katulad ng pananakit ng tiyan. Kung biglaan, tinatawag itong acute gastritis. Kung unti-unti naman, tinatawag itong chronic gastritis. Pwede ring i-classify ang gastritis bilang erosive at non-erosive. Ang erosive gastritis ay nagdudulot ng tuluyang pagkasira ng mucosa, samantalang ang non-erosive gastritis ay nagdudulot lamang ng pamamaga.

    Nagagamot naman ang gastritis. Kailangan lang na ma-diagnose ito agad para mabigyan ng tamang gamot. Kung hindi, pwede itong umabot ng ilang taon at magkaroon ng mga komplikasyon.

    Iba't-ibang characteristics at sintomas ng gastritis

    Maraming sintomas ang gastritis, at nangunguna sa listahan ang pananakit ng tiyan. Kasama rin sa mga common symptoms ng gastritis ang:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • pagsusuka
    • pagkahilo
    • pakiramdam na parang punung-puno ang tiyan pagkatapos kumain
    • indigestion
    • kawalang ganang kumain

    Kung meron kang kaso ng erosive gastritis, pwede kang magkaroon ng maitim na dumi o makaranas ng pagsusuka na may kasamang dugo. Kapag naranasan ang mga sintomas na ito, pumunta na kaagad sa doktor para ma-diagnose nang tama at magamot agad ang sakit — gastritis man ito o iba pang kondisyon.

    Tandaan din na pwedeng hindi makaramdam ng kahit anong sintomas ang isang taong may gastritis, lalo na kung non-erosive ito. Kung kaya naman, ugaliin ang regular na pagpapa-check up sa doktor kahit sa tingin mo ay wala ka namang sakit.

    Mga pwedeng gamot sa gastritis

    Ang gamot na ibinibigay para sa gastritis ay nakadepende sa kung ano ang nagdulot nito. Kung bacteria gaya ng H. pylori ang dahilan, bibigyan ka ng doktor ng tamang antibiotics. Ilan sa mga kilalang antibiotics na ginagamit laban sa gastritis ang , such as amoxicillin at clarithromycin. Sundin ang instructions sa pag-inom at tapusin ang course of treatment na kadalasan ay tumatagal ng 7 hanggang 14 araw.

    Para naman ma-manage ang mga sintomas ng gastritis, pwedeng mag-reseta ang doktor ng mga sumusunod na gamot:

    Proton pump inhibitors

    Ang mga proton pump inhibitor o PPI ay pumipigil sa mga cell na nagpo-produce ng stomach acid. Ginagamit din ang mga gamot na ito laban sa GERD. Maraming over-the-counter na PPI, katulad ng omeprazole, dexlansoprazole, at esomeprazole.

    Tandaan na isa sa mga side effect ng matagalang pag-inom ng high-dosage PPI ay ang pagtaas ng risk na magkaroon ng hip, wrist, at spine fractures. Kaya naman dapat ay kumonsulta muna sa doktor bago uminom ito. Ganun din, humingi ng payo sa doktor kung makakatulong ang pag-inom ng calcium supplement para maiwasan ang mga fracture.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Acid blockers

    Pwede ring mag-reseta ang doktor ng tinatawag na acid blockers o H2 blockers para mabawasan ang dami ng acid na nai-re-release papunta sa iyong digestive tract. Maraming klase ng acid blockers, kasama na rito ang cimetidine at famotidine.

    Antacids

    Kung ang acid blockers ay pumipigil sa pagpasok ng sobrang acid sa tiyan, ang antacids naman ay pang-neutralize ng mga acid na nasa loob na ng tiyan. Dahil dito, nabibigyan ng mabilis na relief ang mga pasyenteng may gastritis

    Katulad ng lahat ng mga gamot, meron ding side effects ang antacids. Ang pinaka-common ay constipation at diarrhea, kaya huwag magtaka kung makaranas ka nito. Ganun pa man, kumonsulta sa doktor kung madalas o malala ang side effects na nararanasan para mapalitan ang gamot kung kinakailangan.

    Mga sanhi at risk factor ng gastritis

    Maraming kaso ng gastritis ay sanhi ng H. pylori bacteria. Pwede ring magdulot ng gastritis ang mga bad health habit na katulad ng paninigarilyo, madalas at sobrang pag-inom ng alak, ganun din ang paggamit ng illegal drugs, katulad ng cocaine.

    Ilang pang sanhi ng gastritis ang mga sumusunod:

    madalas na pag-inom ng mga nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID), katulad ng ibuprofen

    • sobrang stress
    • mga autoimmune disorder
    • parasitic at viral infections
    • mga sakit sa tiyan na katulad ng Crohn’s disease at chronic bile reflux
    • Paano Iwasan ang Gastritis

    Gaya ng nabanggit kanina, isang major cause ng gastritis ang H. pylori bacteria. Nata-transmit ito mula sa isang tao papunta sa iba sa pamamagitan ng direct contact sa laway at dumi. Ibig sabihin lang nito, pwedeng maiwasan ang pagkakaroon ng gastritis sa pamamagitan ng tamang paghuhugas ng kamay. Pinaka-importante itong gawin bago kumain, bago magluto, at pagkatapos humawak ng mga maruruming bagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa ilang pag-aaral, pwede ring ma-transmit ang H. pylori sa pamamagitan ng contaminated na inumin at pagkain. Kung kaya naman, hangga’t maaari, siguraduhing malinis ang mga iniinom na inumin at hygienic ang paghahanda ng mga pagkain.

    Marami ring lifestyle changes na pwedeng gawin para makaiwas sa gastritis. Kasama rito ang mga sumusunod:

    Pag-iwas sa maanghang na pagkain

    Mabilis makairita ng sikmura at ng mucosa ang spicy foods. Maganda ring iwasan ang mga sobrang asim, mamantika, at matabang pagkain para hindi tumaas ang risk ng gastritis.

    Pag-iwas sa sobrang caffeine at alak

    Katulad ng mga nabanggit na pagkain sa itaas, nakakapagdulot din ng irritation sa tiyan at mucosa ang sobrang caffeine at alcoholic drinks. Iwasan ang mga inuming ito hanggang maaari. Para sa mga mahilig magkape, sikaping huwag lumagpas sa 3 cups per day ang iinumin.

    Pagma-manage ng stress

    Minsan, naaapektuhan ng stress levels ang dami ng acid sa tiyan at pati na rin ang paggalaw nito. Ibig sabihin, pwedeng makatulong sa pag-iwas sa gastritis o sa pagpapaginhawa ng mga sintomas kung mama-manage nang tama ang iyong stress.

    Isa sa pinaka-effective na paraan para mag-destress ay ang pagkuha ng sapat na tulog. Para sa mga matatanda, recommended ang 7 o higit pang oras. Humanap din ng oras para magawa ang iyong mga hobby.

    Hindi paninigarilyo

    Maraming masamang epekto sa katawan ang paninigarilyo, kasama na ang increased risk sa pagkakaroon ng respiratory diseases at iba pang sakit na katulad ng gastritis. Iwasan ang paninigarilyo, maging ang second-hand smoke, para makaiwas sa mga sakit. Kung naging habit mo na ang paninigarilyo, simulan na agad ang pag-quit dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas kaunti pero mas madalas na pagkain

    Kung isa sa mga sintomas ng iyong gastritis ay indigestion at pangangasim ng sikmura, subukang kumain nang mas madalas pero mas kaunting servings. Kapag kasi marami kang kinakain, mas maraming stomach acid ang kailangan kung kaya mas madaling ma-trigger ang gastritis

    Paggamit ng ibang uri ng pain reliever

    Kung gumagamit ka ng mga NSAID pain reliever, na nagpapataas ng risk ng gastritis, magtanong sa iyong doktor kung anong gamot ang pwedeng ipalit dito. Good candidate bilang alternative na pain reliever ang acetaminophen.

    Mga komplikasyon ng gastritis

    Madali lang magamot at ma-manage ang gastritis basta’t ma-diagnose ito kaagad. Ilan sa mga paraan ng pagda-diagnose ng sakit na ito ay ang mga sumusunod:

    • blood, breath, o stool test
    • upper endoscopy
    • upper gastrointestinal exam

    Ang blood, breath, o stool test ay ginagamit para ma-detect ang presence ng H. pylori sa katawan. Samantala, ang upper endoscopy at upper gastrointestinal exam naman ay tintingnan ang kondisyon ng iyong tiyan at small intestine. Kapag may nakitang pamamaga, kukuha ng maliit na sample ng tissue para ma-check kung meron kang sakit. Pwede ring malaman sa biopsy na ito kung meron kang H. pylori sa tiyan at bituka.

    Kung hindi maagapan agad ang gastritis, pwede itong lumala at magdulot ng ibang sakit, katulad ng mga sumusunod:

    Peptic ulcer

    Isa itong uri ng sakit sa tiyan kung saan nagkakaroon ng mga sugat ang upper digestive tract.

    Peritonitis

    Kung meron ka nang peptic ulcer, pwede itong mapalala ng gastritis. Ang resulta, mas madaling masira ang stomach wall na pwedeng magdulot ng pagkalat ng laman ng sikmura papunta sa ibang bahagi ng tiyan. Tinatawag itong bacterial translocation o peritonitis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag lumala ang kondisyong ito, pwede itong mauwi sa malawakang impeksyon at inflammation na tinatawag na sepsis. Pwedeng makamatay ang sakit na ito.

    Anemia

    Dahil sa mga sugat na dala ng peptic ulcer, pwedeng magkaroon ng pagdurugo sa loob ng tiyan. Pwede nitong mapababa ang bilang ng iyong red blood cells, na dahilan kung bakit hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ang buong katawan.

    Pernicious anemia

    Ang pernicious anemia ay isang kondisyon kung saan nahihirapan ang tiyan na ma-absorb ang vitamin B12, na isang mahalagang component sa paggawa ng red blood cells.

    Gastric polyps

    Ang polyps ay mga namumuong cell sa lining ng sikmura. Pwedeng makaapekto ang mga ito sa tamang paggalaw ng tiyan.

    Atrophic gastritis

    Kung ang iyong kaso ng gastritis ay dulot ng H. pylori o ng autoimmune disorder, pwedeng lumala ito at maging atrophic gastritis. Ang kondisyong ito ay nagpapababa ng level ng mga vitamins sa dugo.

    Ang pinakamalalang komplikasyon ng gastritis ay ang pagtaas ng risk na magkaroon ng stomach cancer. Kaya, nakabubuting alamin kung ito na ay nakaaapekto sayo upang maagapan ang paglubha ng iyong kondisyon.

    Sources:

    Mayo Clinic, Healthline, Cleveland Clinic, Cedars Sinai, NHS

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles