;
embed embed2
12 Posibleng Dahilan kung Bakit Masakit Ang Kaliwang Tagiliran
ILLUSTRATOR Stephanie Ocampo
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Marami tayong internal organs sa bahagi ng ating tiyan o abdomen. Kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit sa kaliwang tagiliran, maraming posibleng dahilan at hindi lang dahil sa sakit sa tiyan. Mahalagang tukuyin kung sa anong internal organ nagmumula ang problema.  
     
    Sa kaliwang bahagi ng abdomen matatagpuan ang ilan sa ating blood vessels, nerves, bahagi ng baga, diaphragm, bahagi ng tiyan, lapay, spleen o pali, bituka, descending colon, sigmoid colon, pantog, bahagi ng puso, kaliwang bato, at kaliwang ureter. Sa mga babae, nasa bahaging ito rin ng abdomen ang kaliwang fallopian tube at ovary.

    Sanhi ng pagsakit ng kaliwang tagiliran

    Anomang pagbabago, pinsala, impeksyon, at pamamaga sa mga organs na nabanggit ay magdudulot ng sakit sa kaliwang tagiliran at sa ilalim at paligid ng rib cage. Ano ang mga posibleng sanhi ng sakit?

    Gas

    Kapag ang isang tao ay nakalunok ng hangin habang kumakain o nagsasalita, o habang natutunaw ang pagkain sa tiyan, nata-trap ang gas sa digestive tract. Madalas na nailalabas ang hangin sa tiyan sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot.  

    Indigestion

    Kapag naiipon at dumarami ang acid pagkatapos kumain, nakararanas ng indigestion ang isang tao. Madalas na epekto ito ng pagkain nang mabilis at marami, pagkain ng maaanghang at matatabang pagkain, at kung minsan epekto rin ito ng ilang medikasyon. 

    Kasama sa mga sintomas nito ang heartburn, paglaki ng tiyan, gas, pagkahilo, at pagsusuka.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diverticulitis

    Nagkakaroon ng diverticulitis kapag ang diverticula ng intestinal wall ay namamaga. Dumarami din ito sa colon at ang madalas na tinatamaan ay ang mga may edad na. Labis na sakit ang mararamdaman kapag hinahawakan ang bahaging ito. Ilan pa sa mga sintomas ang pagkahilo, chills at lagnat, constipation, pagtatae, at rectal bleeding (na hindi naman karaniwang nangyayari.)

    Menstrual cramps

    Ang menstrual cramps ay karaniwang nararanasan ng mga babae kapag sila ay may buwanang dalaw. Maaaring dala rin into ng endometriosis.

    Pelvic inflammatory disease sa mga babae

    Ang PID ay impeksyon sa uterus o matris, ovary, fallopian tubes, at cervix. Kadalasang nakukuha ito mula sa mga STD o sexually transmitted na sakit.

    Kasama sa mga sintomas ang sakit sa ibabang bahagi ng tiyan at pelvis, pagsusuka, hirap sa pag-ihi, hirap sa pagdumi, at masakit na pakikipagtalik. Nagiging matindi rin ang pagdurugo kapag may regla.

    Kidney stones

    Sumasakit ang likod hanggang sa ibaba ng urinary tract kapag mayroong bato ang iyong bato o kidney.

    Costochondritis

    Karaniwan ding masakit ang kaliwang tagiliran kapag mayroong costochondritis. Nangyayari ito kapag ang cartilage na nagkokonekta sa rib patungo sa iyong sternum o breastbone ay namamaga. Sharp o masidhing sakit ang karaniwang nararamdaman sa iyong front chest wall. Posible ring umabot ang sakit sa iyong tiyan hanggang sa likuran.

    Urinary tract infection

    Ang urinary tract infection o UTI ay impeksyon sa bato, pantog, ureter, at urethra. Kasama sa sintomas nito ang pakiramdam na lagi kang naiihi pero halos walang lumalabas kapag umiihi ka na. Nariyan din ang lagnat, chills, at sakit sa ibabang bahagi ng abdomen at balakang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Irritable bowel syndrome

    Ang irritable bowel syndrome (IBS) ay gastrointestinal na sakit na hindi pa natutuklasan ang sanhi. Madalas na nada-diagnose ito kapag may mga sintomas ng abdominal pain, diarrhea o pagtatae, at constipation. Kailangang maagapan ito upang hindi maging colon cancer.

    Problema sa spleen

    Isa rin ang spleen sa posibleng dahilan ng pagsakit ng kaliwang tagiliran. Ang ating spleen o pali ay nagsisilbing drainage network panlaban sa mga impeksyon. Kapag may problema dito, o bigla itong lumalaki o nasisira, nasa itaas at kaliwang bahagi ng abdomen mararamdaman ang sakit.

    Slipped disc

    Ayon sa HealthLine, maaaring slipped disc din ang dahilan ng sakit sa tagiliran.  
    Umaabot ito sa mga braso at binti dahil nako-compress ang mga ugat. Makararamdam din ng mas matinding sakit sa gabi at kapag matagal na nakatayo o nakaupo lang ang isang tao. Nagdudulot din ng panghihina ng kasukasuan ang slipped disk.

    Heart attack

    Ayon sa Harvard Medical School, maaaring maging sintomas ng atake sa puso o heart attack ang sakit sa kaliwang braso at leeg. Maaaring ding nakasentro ang sakit sa gitna ng dibdib o sa ilalim ng gitnang bahagi ng rib cage. Para bang may mabigat sa dibdib na nagdudulot ng pagkahilo at hirap sa paghinga.

    Ang pagsakit ng dibdib dala ng problema sa puso ang pinakaseryosong uri ng sakit na maaaring maramdaman sa kaliwang bahagi ng iyong katawan. Dahil sa lokasyon ng puso, ang unang signs ng discomfort ay posibleng sa kaliwang bahagi ng sternum (breast bone) mo mararamdaman.

    Ang angina ay nagdudulot din ng sakit sa kaliwang braso at sa panga o jaw. Ang tawag dito ay "referred" pain at madalas na sintomas ng atake sa puso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alamin dito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng angina at atake sa puso.

    Ang iba pang sanhi ng pagsakit sa kaliwang tagiliran ay maaari ding magdulot ng masakit na kanang bahagi ng katawan. Isa sa mga karamdamang ito ang lungs pleurisy.

    Tandaang posible ring sumakit ang kaliwang tagiliran dahil sa maling posisyon sa pagtulog o sa pag-e-ehersisyo, o di kaya’y natamaan ito ng matigas na bagay o nabubugbog (tulad sa kaso ng mga naglalaro ng contact sports). Ang tawag sa kondisyong ito ay muscle strain at madali rin namang magagamot.

    Huwag matakot magpatingin sa doktor sakaling masakit ang kaliwang tagiliran. Makatutulong kung binabantayan mo rin at isinusulat ang mga sintomas upang maging madali para sa iyong doktor ang pagsuri at paggamot sa iyong karamdaman. Maging specific sa pagsabi ng mga nararamdaman mong sintomas at sakit, kasama ang oras at posibleng triggers nito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles