Tagalog,con-00062,greener,masakit ang tiyan at parang nasusuka,scr23,r08-em,Masakit Ang Tiyan At Parang Nasusuka? | Smart Parenting,Masakit Ang Tiyan At Parang Nasusuka, sakit sa tiyan, uri ng sakit sa tiyan, pagsusuka, nasusuka, stomach ache and nausea,Alamin ang ilang sa mga kondisyon na may senyales ng masakit ang tiyan at parang nasusuka.
SAKIT AT SINTOMASMGA URI NG SAKIT SA TIYAN

Masakit Ang Tiyan At Parang Nasusuka: Mga Dahilan Gaya Ng Food Poisoning At Appendicitis

Alamin ang ilang sa mga kondisyon ng pananakit ng tiyan na may kasamang pagsusuka.
ILLUSTRATIONStephanie Ocampo

Ang article na ito ay unang naipublish noong Oktubre 19, 2021. Nadagdagan ito ng updates noong Nobyembre 29, 2023.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Pangkaraniwan na sa mga bata at matatanda na makaranas ng sakit na tiyan at kung minsan may kasamang pagduduwal o pakiramdam na nasusuka. Nagdudulot ito ng pagka-iritable at hindi ka mapakali kapag ganito ang nararamdaman mo.

Pero kung minsan pansamantala lang naman ang ganito gaya ng kabag na maalis din pagkaraan ng ilang minuto o kapag nailabas ang hangin sa tiyan. Ang pagtatae o diarrhea na nagdudulot din ng sakit sa tiyan ay maiinuman ng gamot.

Kapag nalipasan tayo ng gutom o hindi nakakain sa tamang oras, nakakaramdam tayo ng pananakit ng tiyan. Ngunit paano kung masakit na ang tiyan mo at parang nasusuka ka pero hindi ka naman buntis? O kaya pabalik-balik na sakit pagkatapos mong kumain o mas tumindi pa ang sakit?

Bakit masakit ang tiyan at parang nasusuka?

Narito ang ilang sa mga kondisyon na may sintomas ng pananakit ng tiyan na may kasamang pagsusuka.

Hindi natunawan

Nagdudulot ng indigestion ang pagkain nang mabilis o labis na pagkain kasama na rin ang pag-inom ng sobra ng alak, kape, o kaya naman dahil sa stress. Posibleng sintomas din ito ng gastrointestinal gaya ng acid reflux.

Bukod sa sakit sa tiyan at pagsusuka, makakaramdam ka rin ng bloating, hapdi sa tiyan at lalamunan, hangin sa sikmura, at laging pagdighay.

Pagkalason sa pagkain 

Makararanas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka kapag nalason mula sa kontaminadong pagkain. Kasama ring sintomas nito ang pagtatae at lagnat. Maaaring maranasan ang sintomas pagkaraan ng ilang oras o posible pang paglipas ng ilang araw depende sa uri ng nakain.

Pagkabalisa

Ang pagkakaroon ng pakiramdam na labis na pagkabalisa o anxiety ay nakapagdudulot na pananakit ng tiyan lalo na sa mga bata. Bukod pa rito, maaaring makaranas ng hirap sa pagdumi o kaya naman pagtatae. (Basahin ang sintomas ng anxiety attack.)

watch now

Viral gastroenteritis

Tinatawag din “stomach flu” ang gastroenteritis na isang anyo ng impeksyon sa bituka. Mahahawa o posibleng makuha ito mula sa pagkagat sa pagkain ng iba o paggamit ninyo ng parehong utensils, paghawak sa kontaminadong bagay o gamit, o pag-inom sa iisang baso ng taong mayroon nito. Kusang nawawala naman ito pagkalipas ng ilang araw. May kasama rin itong pagtatae, pagsusuka, at lagnat.

Norovirus

Isa itong uri ng nakahahawang virus na nagdudulot sa tiyan at bituka ng pamamaga at makaramdam ng paghapi ng sikmura. Makararanas ng pagsusuka at pagtatae bukod sa sakit ng tiyan at pagduduwal. Nakukuha ito mula sa taong mayroon nito o sa pagkonsumo ng kontaminadong pagkain o tubig.

Gallstones

Isang organ ang gallbladder na kinalalagyan ng apdo. Ang nasa  loob ng apdo ay maaaring magdikit-dikit at maging gallstones. Maaaring bumara ito sa bile duct na humarang sa pagdaloy ng apdo na magdudulot ng spasm sa gallbladder at makaranas ng sintomas ng lagnat, panginginig, jaundice, at matingkad na kulay ng ihi.

Kidney stones

Bukod sa masakit na balakang o pananakit ng likod, mararanasan din ang pananakit ng tiyan kapag mayroon kang kidney stones. Maaaring lumabas ito nang kusa lalo na iyong maliliit ngunit ang maiiwan ang malalaki at bumara na magdudulot ng ibang sintomas pa gaya ng lagnat, dugo sa ihi, at kakaibang amoy ng ihi.

Appendicitis

Kapag naharangan ang appendix, mamamaga ito at titigil ang pagdaloy ng dugo. Ito ay sanhi ng impeksyon o kaya naharangan ng dumi o bukol. Kapag pumutok ang appendix, mamimilipit ka sa matinding pananakit ng tiyan, nangangailangan ito ng agarang atensyong medikal.

Mga hakbang sa pag-iwas sa pananakit ng tiyan

Para maiwasan ang mga karaniwng pananakit ng tiyan at pagsusuka, mahalaga ang pagpapanatili ng “good hygiene” sa ating mga sarili at sa ating paligid. Ito ang susi para makaiwas sa pagpasok ng germs sa ating katawan na makakaapekto sa ating sikmura.

Gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Tamang hugas-kamay at iba pang hygiene practices:

Siguraduhin na malinis palagi ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng tamang paghuhugas nito:

  • Basain ang mga kamay ng tumutulong malinis na tubig.
  • Maglagay ng sabon at kuskusin ang mga kamay upang bumula ito.
  • Malayo sa tumutulong tubig, kuskusin ang iyong mga palad, likod ng kamay, pagitan ng mga daliri, likod ng mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng mga daliri, at mga pulso. Gawin ito sa loob ng 20 segundo.
  • Gamit ang dumadaloy na malinis na tubig, banlawang nang mabuti ang mga kamay.
  • Patuyuin ng mabuti ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya, o tissue paper.
  • Huwag direktang hawakan ang gripo upang patayin ito – gamitin ang tissue na ginamit para patuyuin ang mga kamay, o sabuyan muna ng tubig ang gripo bago ito hawakan.

Siguraduhin na maghugas ng kamay sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • Bago hipuin ang mga mata, ilong, o bibig
  • Bago kumain o humawak ng pagkain
  • Pagkatapos gumamit ng palikuran
  • Pagkatapos umubo o bumahing
  • Pagkatapos humawak ng mga pampublikong kagamitan o instalasyon, tulad ng hawakan ng mga pinto o escalator, at pindutan ng elevator
  • Pagkatapos magpalit ng lampin o damit ng mga alagang bata

Maingat na paghahanda at pag-iimbak ng pagkain

Maiiwasan din ang pagsakit ng tiyan mula sa sirang pagkain sa pamamagitan ng tamang paghahanda at pag-iimbak ng pagkain. Gawin ito sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Siguraduhing malinis o gawin ang proper hand hygiene bago humawak ng pagkain o kumain.
  • Hugasan ng maayos ang lahat ng prutas at gulay, at siguraduhing maayos ang pagkakaluto ng mga karne.
  • Paglilinis at pagdi-disinfect ng mga kagamitan sa kusina at hapag kainan.
  • Siguraduhing nasa tamang temperatura ang mga pagkain. Ihiwalay ang mga maiinit na pagkain sa mga malamig na pagkain.
  • Ugaliing palaging tingnan ang “Best By” na petsa sa mga pagkain. Itapon ang mga pagkaing lampas na sa kanilang Best by na petsa.
  • Huwag kumuha ng mga pagkaing hindi na maayos ang balot ang packaging, gaya ng iba na ang hugis, may kalawang, o sira.
  • Tuwing mamimili ng groceries, siguraduhin na maayos itong nailigpit pagdating sa tahanan.
  • Mabuting hugasan din muna ang anumang gagamiting lalagyan ng pagkain o inumin na matagal nang nakatabi bago gamitin ulit.
  • Siguraduhing palaging maayos ang paghahanda ng mga pagkain.Pagdi-disinfect ng mga kontaminadong lalagyan, gamit o lalagyan.

Posibleng maranasan mo ang pagsakit ng tiyan at pagsusuka anumang oras. Maaaring umatake ito sa umaga, araw, o gabi pero kadalasan pagkaraan ng pagkain. Bagaman karaniwan ang pananakit ng tiyan at kung minsan may kasamang pagduduwal, mahalagang alamin kung ano ang pinagsimulan ng iyong nararamdaman.

Importante ring malaman kung ano ang kasamang sintomas ng nararamdaman mo at kung kailan ito nagsimula.

Pakiramdaman ding mabuti ang iyong sarili kung labis o lumalala ang sakit, lalo na kung nakainom ng mga gamot na over-the-counter, hindi pa rin nawala at halos namimilipit ka na sa sakit. Agad na magpatingin sa doktor para masuri ka at mabigyan ng tamang diagnosis sa iyong nararamdaman.

Paano malalaman kung normal na pananakit ng tiyan o dapat nang magpatingin sa doktor?

Mas makakabuti nang pumunta ng doktor kung ang pananakit ng tiyan ay may kasamang sintomas tulad ng:

  • May lagnat
  • Hindi nawawala nang mahigit sa 24 o 48 oras
  • Lumalala at laging bumabalikMay kasamang bloating o pamamanas na tumatagal ng mahigit sa dalawang araw
  • May kasamang pagtatae na tumatagal nang mahigit sa limang araw
  • Nararanasan na may kasamang pananakit habang umiihi
  • Nangyari na may kasamang pagbaba ng timbang
  • Umuulit at nararanasan mo na nang mahigit isang linggo

Samantalang, kailangan namang magpunta agad sa pinakamalapit na ER para sa mabilisang lunas kung ang matinding sakit ng tiyan ay may kasamang sintomas tulad ng:

  • Tuloy-tuloy na pagkahilo at pagsusuka
  • Pagtitibi o constipation, lalo na kung may kasamang pagsusuka
  • Pagsusuka ng dugo
  • Pagdudugo mula sa bowels o bituka
  • Pagkahingal o hirap sa paghinga
  • Matinding sakit kapag hinawakan ang tiyan
  • Paninilaw ng balat at mata
  • Pamamaga ng tiyan
  • Kung buntis o posibleng buntis

Tandaan, halos lahat ay nakakaranas ng pagsakit ng tiyan at samantalang kadalasan ay hindi ito nangangailangan ng gamot o agarang lunas, mas mainam pa ding magpatingin sa doktor kung may ibang sintomas na kasama ang pananakit ng tiyan.

Basahin dito ang tungkol sa nausea.

 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close