-
Mahilig Bang Magtatakbo Si LO Sa Labas? Kailangan Mo Ng Child Safety Tags
Pwede kang makabili online o gumawa ng sarili mo.by Judy Santiago Aladin .

Dahil pwede na ulit lumabas ang mga bata, concerned ang isang mommy sa Smart Parenting Village para sa kanyang mga anak na sabik na sabik nang magtatatakbo sa labas.
Humingi siya ng payo mula sa mga kapwa magulang kung saan makakabili ng child safety tags na pwedeng ipasuot sa kanyang mga anak nang sa gayon ay mayroong matatawagan na emergency contact details kung sakaling mawalay sila sa magulang o mawala sa mall.
At dahil sharing is caring, heto ang mga pwede ninyong mabili online o gawin na gamit para hindi magkawalaan sa labas.
Mga pwedeng gamitin para sa child safety
1. Silicone o paracord identification bracelets
Isa ito sa nirerekomenda ng mga nanay sa SPV kung saan naka-print sa bracelet na gawa sa silicone material ang mga detalye ng magulang ng bata. Ito ay waterproof, windproof, at madaling linisin. Isa sa mga gumagawa nito ang Roadtag.ph at mabibili mo ito sa halagang P699.00.
PHOTO BY FACEBOOK /ROADTAG.PHADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mabibili ring simpleng silicone bracelet sa Shopee sa halagang P59.00. Tingnan dito.
PHOTO BY SHOPEEMaganda rin ang paracord bracelets na matibay at talagang magagamit for survival na pwede rin ipa-customize at lagyan ng detalye. Maaaring makabili nito sa Kyoot.ph sa halagang P250.00.
PHOTO BY FACEBOOK /KYOOTPH2. AirTag
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPayo naman ng isang mommy, para sa mga magulang na gumagamit ng Apple products gaya ng iPhone o iPad, maaari silang bumili ng AirTag. Ito ay isang maliit na device na pwedeng ikabit sa gamit ng iyong anak at matatrack ang location nito gamit ang iPhone. Ito ay nagkakahalagang USD 29 o P1450.00 at mabibili sa Apple store.
PHOTO BY APPLE.COM3. Laminated nameplate
Para makatipid, pwede din mag-print na lamang ng laminated contact information at ipasuot ilagay ito sa facemask strap o lanyard ng iyong anak. Si Mommy NJ Argamosa, isang homeschool parent-teacher, ay nag-share ng template na pwedeng gamitin ng mga magulang ng libre.
PHOTO BY FACEBOOK /BOOKOFYSADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4. DIY bracelet
Payo naman ng isang mommy, kung may oras kayo gumawa ng paracord bracelets, pwede itong lagyan ng contact number at ipasuot sa anak.
Ayon kay Mommy Tin Villasenda, ginawa niya daw ito para sa kanyang anak bago sila pumunta ng Maynila galing probinsya. "Mahilig kasi ako gumawa ng mga facemask lanyard so bumili din ako ng number beads. Palagi ko din nireremind si LO na number ni mommy yung nasa bracelet nya. Wala na ding hubaran maligo man or matulog suot-suot nya pa din."
PHOTO BY FACEBOOK /TIN VILLASENDATips para sa magulang bago lumabas kasama ang anak
Bukod sa mga gamit para sa karagdagang pag-iingat na ito, mahalagang tandaan ang mga tips kung paano hindi mawawalay ang inyong anak kung kayo ay nasa labas.
1. Magkaroon ng takdang lugar kung saan kayo magkikita kung sakaling magkawalaan.
Para sa mga batang nakakaintindi na, mahalagang may i-set kayong lugar kung saan kayo magtatagpo kung sakaling magkahiwalay kayo. Ito ay maaaring sa may bandang lobby o information area ng mall, or malapit sa security guard.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Kunan ng litrato ang anak bago kayo gumala.
Ito ay isang paraan para alam mo ang mga detalye ng kanyang kasuotan para mas madali siyang mahanap kung sakaling magkawalaan.
3. Bigyan ng kaunting cash ang anak.
Ito ay magagamit niya kung sakali para makabili ng pagkain, pangtawag, o pamasahe pauwi ng bahay.
Tandaan na ang pinakaimportante pa rin ay ang pagsiguro na tutok ka sa iyong mga anak tuwing nasa labas kayo ng bahay. Bago lumabas ng bahay, siguradong handa kayo na maaaring magkaroon ng ganitong sitwasyon. Mabuti nang maingat kaysa magsisi sa huli.
Basahin dito ang dapat mong gawing pag-iingat bago kayo bumiyahe ng pamilya.
What other parents are reading
