embed embed2
  • Best Of 2019: Pinakamagagandang Pampaganda Ayon Kay Anne Clutz

    Locally available ang mga produktong ito.
    by Ana Gonzales .
Best Of 2019: Pinakamagagandang Pampaganda Ayon Kay Anne Clutz
PHOTO BY Anne Clutz/YouTube
  • Hindi porket nanay ka na ay pababayaan mo na ang sarili mo. Mas lalong dapat mo pa ngang paigtingin ang pagpapaganda para sa kabila ng pagod, puyat, at stress ng pagiging ina ay hindi bumaba ang tingin mo sa sarili mo.

    Kaya lang, sa sobrang dami ng mga produkto na mayroon ngayon, lalo na’t usong-uso ang mga skincare routines, nakakaoverwhelm kung saan ka nga ba dapat magsimula. 

    Buti na lang at inipon na ng beauty vlogger na si Joanne Clutario, o mas kilala bilang Anne Clutz, ang mga pinakapaborito at highly recommended na produktong pampaganda niya ngayong 2019. Narito ang ilan sa mga pwede mong subukan—lalo’t kabi-kabila ang mga parties at reunions ngayon.

    More from Smart Parenting

    Primer 

    Mahalaga ang primer para ihanda ang mukha mo sa layers ng makeup na idadagdag mo. Huwag mag-alala, maraming simple at madaling sundan na makeup tutorials si mama Anne—hindi ka magkakamali sa ilalagay mo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    PHOTO BY Anne Clutz/YouTube

     

    Para sa kanya, magandang gamitin ang Soothing Gel Aloe Vera and Snail. Available ito sa Watsons at Shopee. Mabibili mo ito sa halagang Php219 lang.

    Foundation

    Ayon kay mama Anne, isang foundation lang ang talagang highly recommended niya: ang Loreal Infallible 24-Hour Fresh Wear Foundation.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Golden Sand ang ginagamit niyang shade, ngunit marami pang shade na pagpipilian. Mabibili mo ito sa halagang Php650. “Hindi siya ‘yung makapal na foundation, pero ‘yung coverage niya, pak! pa rin!” kwento niya sa kanyang pinakahuling vlog.

    More from Smart Parenting

    BB Cream

    Kung ayaw mo namang mag-foundation, pwede kang gumamit ng BB cream. Highly recommended ni mama Anne ang HBC Crayons BB Cream sa shade na Natural Beauty.

    Mabibili mo ito sa halagang Php89. Bagamang dalawang shade lang ang meron sila, hindi maikakailang maganda ang formula. Ayon pa kay mama Anne, maganda talaga ang produktong ito, lalo na kung oily ang balat mo.

    Inirekomenda rin niya ang All Covered Skin Saver (Php688) sa shade na Light at BLK Skin Tint Sun Shield (Php499) sa shade na Butterscotch. Kwento niya, magandang paghaluin ang dalawa—sun screen na nga, BB cream pa.

    Concealer 

    Loreal Infallible Full Wear Concealer naman ang paboritong concealer ng beauty vlogger at mother-of-two. Ayon sa kanya, ito lang talaga ang concealer na tumatak sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento niya, hindi siya mahilig maglagay ng concealer, pero sa mga pagkakataong kailangang magmukhang flawless ang kanyang balat, ito ang kanyang takbuhan. Pwedeng-pwede ito sa iyo lalo na kung madalas kang may maiitim na eyebags. Mabibili mo ito sa halagang Php450. 

    More from Smart Parenting

    Powder

    Para naman sa mga pagkakataong talagang nagmamadali ka, tamang powder lang ang payo ni mama Anne. 

    Gamit niya ang Vice Cosmetics Duo Finish Foundation sa shade na Putinzamez. Mabibili mo ito sa halagang Php245. Payo niya, huwag masyado o paulit-ulit na maglagay ng powder. Tama na ang pag-blot gamit ang oil blotters para hindi mag-clog ang iyong pores.

    Nirekomenda niya rin ang Nichido Final Powder sa shade na Creamy Glow. Mabibili mo ito sa halagang Php150 lang. Kung hindi ka naman hiyang dito, payo niyang subukan mo ang Maybelline Fit Me Loose Finishing Powder sa shade na 05 Fair. Available ito sa halagang Php499. 

    Brows

    Sabi nga ng maraming makeup gurus at beauty experts, tamang powder lang at kilay ay okay na. Kaya naman magandang mag-invest sa mga maayos na pang-kilay.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para kay mama Anne, isa sa kanyang mga highly recommended na pang-kilay ay ang FS Brow Gel sa shade na Cocoa Brown. Mabibili ito sa halagang Php299. Ayon sa kanya, matipid itong gamitin kaya sulit ang bayad mo.

     

    PHOTO BY Anne Clutz/YouTube

    Highly recommended din niya ang Girl Boss Brows On Fleek sa shade na Light Brown. Php190 lang ito kaya siguradong pasok sa budget mo. Madali rin daw itong i-apply ayon kay mama Anne. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gusto rin niya ang Benefit Goof Proof Brow Pencil (Php1,660) sa shade na #3. Maganda ito, ayon sa beauty vlogger, dahil angled ang applicator. Madali rin daw itong gamitin kaya swak kung lagi kang nagmamadali.

    PHOTO BY Anne Clutz/YouTube

    Kasama rin sa suggestions niya ang Brow Naturelle By: The Beauty Soapery sa shade na Dark Brown. Php290 lang ito. Maganda itong gamitin kung gusto mong ma-acchieve ang feathery brows.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Eyeshadow

    Pagdating naman sa eyeshadow, isa sa mga paborito niya ang Vice Cosmetics BT21 na mabibili mo sa halagang Php395. Kung hindi ka mahilig sa mga makukulay na eye shadow, pwede ito sa iyo.

    PHOTO BY Anne Clutz/YouTube

    Nirerekomenda rin niya ang Detail Makeover Sunset Dream na mabibili mo sa halagang Php599. Kung mas makukulay na shades ang gusto mo, pwede ito sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Eyeliner at mascara

    Absolute New York Expert Script Liquid Eyeliner naman ang choice niya pagdating sa kanyang eyeliner. Madali itong ilagay at hindi rin ito madaling mag-smudge.

    Para naman sa mascarra, gusto niya ang Maybelline Total Temptation Mascara dahil ayon sa kanya, maganda ang applicator nito at hindi ka mamomroblema sa clumping. Mabibili mo ito sa halagang Php399.

    More from Smart Parenting

    Lipstick

    Kung gusto mo ng natural-looking na mga labi, para naman hindi ka maputla ngunit hindi rin masyadong mapula, pwede mong gamitin ang Sunnies Face Lip Dip sa shade na Femmebot. Php345 ito mabibili. 

    PHOTO BY Anne Clutz/YouTube
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ayaw mo namang gumamit ng lipstick, pwedeng-pwede ka sa lip tint. Gamit ni mama Anne ang Happy Skin Active Kiss and Bloom sa shade na Breathe (Php329) o ‘di kaya ang shade na Chill. 

    More from Smart Parenting

    Ito lang ang ilan sa mga pinakapaborito at gamit na gamit na mga makeup ni mama Anne. Ang maganda rito, pwede mong i-customize ang iyong makeup bag para mayroon ka ng mga basics na nirekomenda niya. Okay na ang primer, BB cream, brow, at lipstick para gamitin mo araw-araw. Hindi kailangan ng full face makeup, lalo na kung ang gusto mo lang ay magmukhang fresh.

    May makeup at skincare routine ka na ba? I-share mo sa comments section kung paano mo ito ginagawa.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles