embed embed2
  • Posibleng Treatments Na Gagawin Ng Derma Sa Seryosong Kaso Ng Acne Scars

    Sa panahon ng puberty kadalasang nagkakaroon ng pimples.
    by Jocelyn Valle .
Posibleng Treatments Na Gagawin Ng Derma Sa Seryosong Kaso Ng Acne Scars
PHOTO BY Shutterstock/Vagengeim
  • Alam natin na naguumpisa tigyawat sa teenage years, ngunit alam na alam natin na tumatagal ito hanggang adulthood. Kaya popular at hindi nawawala ang mga gamot sa pimple marks.

    Sanhi ang pimple ng acne, isang skin condition na ayon sa Mayo Clinic, nangyayari kapag bumara ang oil at dead skin cells sa hair follicles. Tinatawag din itong acne blemish, sabi naman ng American Academy of Dermatology (AAD).

    Papule ang medical term para sa mga nakikitang “small, red bumps,” at kung “pus-filled” sila, pustule na ang tawag.

    Acne vulgaris ang common type ng acne.Tumutubo ito sa mukha, leeg, balikat, dibdib, at likuran. Bukod sa pimples, may iba pang uri ng acne, tulad ng whitehead (kapag nagbara ang pore pero nanatiling sarado ito) at blackhead (kung bumukas ang baradong pore).

    Paano iwasan ang pimples?

    Nagkakaroon ng acne dahil sa hormonal changes hatid ng puberty at sa kinalaunan menstruation. Karaniwan na sa mga kababaihan ang tubuan ng tigyawat kapag malapit na ang kanilang period o kaya habang nagbubuntis. Mas malaki rin daw ang tsansa na tigyawatin ang mga kabataan kung ganoon din ang kanilang magulang dati.

    Maaaring magamot ang pimples at maiwasan ang marks kung susundin ang ilang hakbang.

    Panatiliing malinis ang mukha

    Pinakasimpleng paraan ang paghihilamos sa umaga at gabi gamit ang mild soap at water. Kung hilig ang makeup, piliin iyong “non-comedogenic” o di kaya “non-acnegenic.” Siguraduhin din na tanggalin lahat ng makeup sa mukha bago matulog.

    Pangalagaan ang kutis

    Iwasan ang pagkuskos sa mukha dahil hindi matatanggal ang pimples sa ganyang paraan. Maiirita pa nga ito. Subukan na banayad lang ang paglilinis ng mukha. Huwag tirisin at kutkutin ang tigyawat. Kung maglalagay ng hair spray o gel, siguraduhin na hindi matatamaan ang mukha. Huwag ding magbilad sa araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan ang trigger sa acne breakout

    Iba-iba ang dahilan ng biglang pagtubo ng tigyawat. Puwedeng pagkain, tulad ng mga masesebo at matatamis. Puwede ring stress at ilang medications, kabilang ang mga gamot na mayroong corticosteroids, testosterone, at lithium. 

    Gumamit ng anti-acne products

    Ang payo ng AAD, piliin ang produktong mayroong benzoyl peroxide o kaya salicylic acid para sa simpleng pimples. Hindi kailangang gumastos nang todo dahil may mga affordable at effective drugstore products (basahin dito at dito). Makakatulong din ang supplement, base sa karanasan ng mga umiinom tulad ng collagen.

    Isa pang pinag-uusapan ngayon ang beauty pill na lactezin. Mayroon ang clinically-tested over-the-counter drug na ito na natural milk-derived antibacterial ingedient na kung tawagin ay Lactoferrin. Mayroon din nito sa breast milk. Vitamin E at Zinc ang iba pang ingredients sa beauty pill. (Basahin dito.)

    Treatments by dermatologist

    Kung hindi umuubra ang hygiene at home treatment para mawala ang pimples, mainam na magpatingin na sa doktor. Baka acne nodules at cysts na ang tumutubo sa mukha. Mas malalim na ang epekto ng mga iyon sa balat at mag-iiwan pa ng peklat. 

    Pagkatapos ang gamot sa pimples, may treatment naman para sa peklat o marks. Depende kung ano sa dalawang uri: “gradual dip or depression” at “deep and narrow.” Kadalasang nirerekomenda ng doktor ang chemical peel o di kaya microdermabrasion.

    Para sa mas seryosong kaso ng acne scars, may mga procedure na maaaring gawin ng dermatologist:

    Laser resurfacing 

    Tinatanggal ng laser ang damaged top layer ng balat at sinisikipan ang middle layer nang kuminis muli ang mukha. Naglalagay muna ang doktor ng local anesthesia sa pasyente para mabawasan ang sakit na mararamdaman. Tumatagal ang procedure mula ilang minuto hanggang isang oras. Kinakailangan ng 3 to 10 days para sa complete healing ng balat.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dermabrasion 

    Ginagamitan ang dermabrassion ng rotating wire brush o di kaya spinning diamond instrument “to wear down the surface of the skin.” Habang naghihilom ang pinong pagsusugat, may bagong layer na papalit sa ginamot na balat. Sa pagitan ng 10 days at 3 weeks ang downtime.

    Fractional laser therapy

    Mas malalim na acne scars ang naaabot ng fractional laser therapy nang hindi sinusugatan ang top layer ng skin tissue. Kaya mas maigsi ang healing time. Mukha lang na-sunburn ang taong sumasailalim sa ganitong procedure. 

    May mga gamot sa pimples at treatment sa acne marks, kaya hindi dapat mawalan ng pag-asa ang taong tinitigyawat, teenager man o adult. Makakatulong din kung hahabaan ang pasensiya at tataasan ang kumpiyansa sa sarili upang hindi lang nakatutok sa panlabas na anyo. 

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles