Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sikreto Ni Judy Ann Santos Para Sa Buhok Ni Yohan: 'Langis Ng Niyog!'

    Effective daw ang langis ng niyog para sa makapal na buhok ni Yohan.
    by Jocelyn Valle .
  • Bagamat marami ng nabibili ngayong mga produktong pampaganda ng buhok ay naninindigan pa rin si Judy Ann Santos sa paraang nakalakihan niya. Ito ay ang paggamit ng langis ng niyog na nakukuha sa pagluto ng gata hanggang maging mantika ito.

    “’Yong mantika ng niyog, ’yon ang pinangha-hot oil,” pahayag ng aktres at chef sa mga manonood ng product launch ng pinakabago niyang endorsement. Sa ganyang pamamaraan niya daw napanatili ang mahaba at makintab niyang buhok na kanyang naging trademark noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Sampung taon siya nang magbida sa drama series na Ula: Batang Gubat (1988-1990) hanggang siya’y magdalaga at tuluyang sumikat sa pamamagitan ng soap opera na Mara Clara (1992-1997).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Base sa kanyang karanasan sa paggamit ng langis ng niyog ay masasabi ni Judy Ann na mas mainam at mabisa ito, lalo pa’t organic product ito. Kaya naman naipasa na niya ang ganitong kasanayan sa kanyang panganay na anak na si Yohan. Fifteen years old na ang dalagita sa November 7.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “Ang kapal kasi ng buhok niya, so talagang kinukutkut ko ang anit niya,” sabi ni Judy Ann, sabay tawa. “’Yong mga naranasan ko no’ng bata, sa kanya ko nire-release.”

    Napunta ang topic sa langis ng niyog dahil sa endorsement ni Judy Ann ng Coco Mama, ang produktong fresh gata. Napahanga si Judy Ann nang gamitin niya ito sa pagluto ng ilang pagkaing. Tuwing linggo daw kasi, lahad niya sa SmartParenting.com.ph, ay naghahain siya ng pugon o roasted na baboy sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo at kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. Para sa kanya, ang perfect partner ng roasted pork ay gata dishes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “No’ng una kong ginamit ’yon, sa ginataang sitaw at kalabasa,” pagbabalik-tanaw niya. “They loved it. Sumunod, ginataang gising-gising naman. Then next time, nag-request naman si Yohan ng curried lobster and shrimp.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles