embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
88 seats remaining Sign Up Now
  • Lumalawlaw Na Boobs, Pwede Pa Bang Ibalik Sa Dati?

    Narito ang ilan sa mga bagay na pwede mong gawin para hindi agad lumawlaw ang iyong boobs.
    by Ana Gonzales .
Lumalawlaw Na Boobs, Pwede Pa Bang Ibalik Sa Dati?
PHOTO BY iStock
  • Bagaman ‘normal’ ito, may mga pwede kang gawin para hindi ito agad mangyari. Narito ang ilan sa mga tips na nakuha namin mula sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Uminom ng pills

    Ayon sa ilang mga nanay sa Village, nakatulong sa kanila ang pag-inom ng pills para lumaki at hindi lumaylay ang kanilang mga boobs at pwet. May ilang mga nanay na nagrekomenda ng Diane35 pills at may ilan ring nagrekomenda ng micro pill. Para naman sa ibang mga nanay, mas naging effective sa kanila ang pag-inom ng Althea pills.

    Bago ka pa man uminom ng kahit anong pills, importanteng magtanong ka muna sa iyong doktor para makasiguro ka kung anong brand ang ligtas sa iyo lalo na kung breastfeeding ka.

    What other parents are reading

    Mag-workout

    Maraming nanay ang nagsabing malaki ang naitulong sa kanila ng pagpunta sa gym. Mayroon kasing mga breast firming workouts na pwede mong gawin para ma-tone muli ang iyong boobs. Nariyan ang push-ups, pec presses, overhead presses at planking. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi ka naman makakapunta sa gym, pwede kang magworkout lang sa bahay. Pwede mong sundan ang workout videos ni Jillian Michaels sa YouTube na talaga namang highly recommended ng mga nanay. 

    At dahil hindi madaling mag-gym o mag-workout, pwede kang mag-zumba para mas masaya. Bukod sa may kasama kang mga nanay na kapareho mo ang goal, mas engaging din ang zumba. Pwede kang magdala ng dumbbells para mas maging toned pa ang muscles mo malapit sa iyong chest area.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Siguraduhing tama ang size ng bra

    Dapat ay inuupdate mo ang size ng iyong bra at least dalawang beses sa isang taon. Kailangan ding siguraduhin mong professional ang tutulong sa iyo para magsukat ng bra mo. Importante ang tamang size ng bra dahil bukod sa hindi komportable kung mali ang suot mo, maaari rin nitong palalain ang paglawlaw ng iyong boobs. 

    Bukod pa riyan, kung mag-woworkout ka, siguraduhin mong sports bra ang suot mo para suportado ang boobs mo kahit na galaw ka ng galaw. Kung napapansin mong laging natatagtag ang boobs mo, importanteng magsuot ka ng bra na nag-ooffer ng full support. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inirekomenda rin ng mga nanay sa Village ang pag-gamit ng push-up bra. 

    What other parents are reading

    Iwasan ang yo-yo diet

    Ayon sa pahayag ni Dr. Mary Jane Minkin, isang clinical professor of obstetrics and gynecology sa Yale University School of Medicine, sa Prevention, kapag tumataba ang isang tao, nabibinat ang kanyang balat sa buong katawan. Kapag pumayat siya, maaaring magkaroon siya ng loose skin dahil may mga bahaging wala nang taba. Ganito rin ang mangyayari sa iyong boobs kung ugali mong mag yo-yo diet. Importanteng i-maintain mo ang timbang na akma sa iyong edad at taas. 

    What other parents are reading

    Gumamit ng bust firming creams

    Isa sa mga bust firming creams na pwede mong subukan ang Sisley Phyto Buste + Decollete na mabibili mo sa Rustan’s Makati. Ang mga ganitong creams ay maaaring makatulong para panatilihing firm ang balat sa palibot ng iyong mga boobs. May kamahalan lang ang mga ito, ngunit kung gagamitin mo ito kaakibat ang tamang diet at exercise, maaari itong makatulong para maging firm muli ang iyong boobs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Hindi maikakailang may epekto ang paglawlaw ng iyong boobs sa iyong self-confidence, ngunit importanteng huwag mong hayaan na ito lang ang maging basehan mo ng iyong kagandahan. Tandaan na para sa iyong mga anak, ang katawan mo ang nagbigay buhay sa kanila—ano man ang itsura nito, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa kanila.

    May tips ka ba kung paano mo hinahandle ang paglawlaw ng iyong boobs? I-share mo lang sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles