-
Pampakinis Ng Kili-Kili At Iba Pa! Whitening Skincare Routine Ni Anne Clutz
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa pinakahuling YouTube video ng beauty vlogger at mother-of-two na si Anne Clutz, ikinwento niya ang ilan sa mga skin problems na naranasan niya. Kabilang riyan ang hypopigmentation o ang pagkakaroon ng mga puting patches sa balat.
Pagbabahagi niya, bata pa lang siya, mayroon na siya nito. "Akala nga ng nanay ko noon, an-an siya," sabi ni Anne. "Kaya kailangan ko talagang mag-whitening, kasi mas nato-tone down 'yung paglabas nung mga puti-puti."
Dagdag pa niya, kanya-kanyang preference 'yan. "Basta you do you. Kung ano 'yung sa tingin ninyo mas confident ka, mas maganda ka, 'yun ang i-push mo girl," sabi pa niya.
Kung gusto mong subukan ang mga pampaputi ni mama Anne, narito ang mga produktong ibinahagi niya sa kanyang vlog:
Whitening products na ginagamit ni Anne Clutz
Met tathione Capsules
PAALALA: Bago ka uminom ng ano mang capsules o tablets na pampaputi, kumonsulta ka muna sa iyong doktor—lalo na kung breastfeeding ka.
Ayon kay Anne, dalawang capsules sa isang araw ang iniinom niya. Mabibili ito sa Watsons at sa online shops tulad ng Lazada. Nagkakahalaga ito ng Php2,695.
"It works sa akin," sabi niya. "Kung icocompare ko 'yung sarili ko na hindi naggu-glutathione last year, kitang-kita ko talaga na ang layo ng difference ng skintone ko."
What other parents are reading
PureBeauty Collagen Advanced Collagen Beauty Repair Drink with Probiotics
Kung naghahanap naman kayo ng collagen drink, pwede ninyong subukan itong nirekomenda ni Anne. Ayon sa kanya, nakatulong din ito para bumuti ang lagay ng kanyang tiyan. Kung nakakaranas kayo ng constipation, bukod sa pagkain ng mga high-fiber na pagkain, pwede mong subukan ito. Isang bote sa isang araw ang iniinom niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKojie San Skin Lightening Soap
"Hindi na talaga nawala sa paliligo routine ko ang Kojie San," kwento ni Anne. Nagbabala lang ang beauty vlogger na drying ang sabong ito, kaya kung prone to dryness na ang balat mo, baka hindi mo ito magustuhan ito.
Soleil Instant Fair Beauty Bar
"Kung hindi nagwowork sa inyo ang Kojie San, I have another suggestion," sabi niya. "Soleil Instant Fair Beauty Bar." May kasama na rin itong panghilod. "Maganda rin na naghihilod kayo especially sa kili-kili, lalo na kung nagshashave kayo," payo niya. "Kasi kung ang problema ninyo ay 'yung nag-iingrown ang hair ninyo sa kili-kili, kailangan ninyong i-exfoliate 'yan."
Luxe Organix Shower Gel Aloe Vera with Vitamin C
Kung hindi maiwasang gumamit ng mga sabong drying sa balat, ang sinabi ni Anne na panlaban diyan ay ang Luxe Organix Shower Gel. "Hindi lang [ito] para sa akin, para sa buong pamilya," kwento niya. "Hindi siya drying. Mas maganda na gumamit ng ganito, lalo na kung natutulog kayo na may aircon."
Prestige International Luxury Whitening Lotion SPF 50
Effective din daw ang produktong ito kay Anne. Ayon sa kanya, hindi siya nakakapagsuot ng shorts noon dahil maitim ang kanyang butt area. "Ang ayaw ko lang sa kanya ay 'yung amoy," kwento niya. Hindi raw siya mahilig sa amoy ng Jasmine o sampaguita. "But it works really well, kaya paborito ko siya," sabi niya.
Luxe Organix 99% Aloe Vera Brightening Micro Foam Cleanser with Vitamin C
"'Pag naghilamos naman ako, mas gusto ko 'to," sabi niya. "Foamy siya and at the same time, feeling ko mas malinis."
CONTINUE READING BELOWwatch nowLuxe Organix Whitening Repair Essence Toner
Para naman sa mga dark spots na gusto mong maalis, itong produktong ito ang highly recommended ni Anne. Maganda rin daw ito para sa mga acne scars. "Mas maganda kung sasamahan ninyo nitong Luxe Organix Miracle Repair Serum," payo pa niya.
Luxe Organix Soothing Gel Aloe Vera & Snail
Ito naman ang ginagamit ni Anne pagkatapos niyang mag-toner at mag-apply ng serum. "Ito rin ang nilalagay ko bago ako mag-makeup," sabi pa niya. "Pwede ninyo itong gamitin sa face o sa kili-kili, para umimpis 'yung chicken skin."
Skinpotions Sorcery Cream Underarm Brightening Cream
"Sa gabi, ito ang nilalagay ko," sabi niya. Inaapply niya raw ito sa kili-kili niya pagkatapos niyang magshower sa gabi. "Hindi naman siya malagkit kapag suot ko siya."
Deonat Aloe Mineral Deodorant Spray naman ang ginagamit ni Anne na deodorant. Ayon sa kanya, mas maganda ang spray kaysa sa mga roll-on deos lalo na kung nagpapaputi ka ng kili-kili. "Kasi minsan, 'yung roll-on, kapag matigas 'yung bola, parang na-sscratch 'yung kili-kili mo," paliwanag niya.
More Anne Clutz skincare tips!
Payo pa ni Anne, kung gumagamit ka ng mga whitening products, kailangan ay maglagay ka rin ng sunscreen o sunblock. "Maka-counteract 'yung effects ng mga products na ginagamit ninyo," paliwanag niya.
Mayroon kang tatlong minuto para makapag-apply ng lotion o moisturizer pagkatapos mong maligo. Ayon sa kanya, ito ang optimum na oras para maglagay ng moiusturizing products para sigurado kang ma-lock in ang moisture sa balat mo. Natutunan niya raw ito sa isang Cetaphil workshop na sinalihan niya noon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Tanggalin mo ang makeup mo no matter what! "Kung mayroon kang blemishes due to clogged pores dahil sa makeup, mababalewala 'yung mga ginagamit mong products na pang whitening."
Ano ang mga paborito mong produkto na natutunan mo kay Anne Clutz? I-share mo lang 'yan sa comments section. Pwede mo ring panoorin ang kanyang makeup videos at iba pa, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments