Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 6 Online Shops Na Pwedeng Gumawa Ng Iyong Breast Milk At DNA Jewelry

    Gusto mo ba ng mumunting alaala para gunitain ang iyong breastfeeding journey?
    by Ana Gonzales .
6 Online Shops Na Pwedeng Gumawa Ng Iyong Breast Milk At DNA Jewelry
PHOTO BY Sacred Elements at Pumped with Love
  • Enero ngayong taon ay fineature namin si mommy Gabrielle Balmori Franciso at ang kanyang DIY breast milk jewelry. Gumastos lang siya ng humigit kumulang Php500 para sa kanyang keepsake.

    Kung hindi ka naman confident sa iyong DIY skills at kung marami ka pang gustong isama sa iyong memorabilia necklace bukod sa breast milk, pwede kang mag order online.

    Serre.ph

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa kanilang Facebook page, sinisiguro nilang bawat element na inilalagay o isinasama nila sa bawat piraso ng jewelry ay well-preserved. Masinsinang layout din ang ginagawa nila para siguraduhing maganda ang kalalabasan ng bawat memorabilia. Handmade ang lahat ng ginagawa nila kaya makakasiguro kang unique ang bawat isa. 

    Maaari nilang ilagay ang breast milk, buhok, o umbilical cord ng iyong anak sa mga kwintas, bracelets, singsing, at hikaw. Tumatanggap din sila ng request para i-customize ang iyong memorabilia. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sacred Elements DNA Jewellery

    Dito naman sa online shop na ito, gumagawa sila ng memorabilia mula sa breast milk, umbilical cord, buhok, cremation ashes, fabrics, at iba pang gusto mong isama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kalimitan ay sinasamahan nila ang mga elements na ito ng ruby sparkles o kung ano mang kulay na gusto mo. May 14k yellow gold din silang pendants na pwede mong pagpilian. Hindi lang din mga elements mula kay baby o mommy ang pwedeng isama. Maaari ring maglagay ng bulaklak o tela na mula naman kay daddy.

    Gunita

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa naman sa mga pinaka-highly recommended sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay ang Gunita. Bukod kasi sa maganda ang gawa nila, isa rin sila sa mga pinaka-abot kaya ang rates.

    Maaari kang pumili sa singsing, kuwintas, o bracelet at ang mga inclusions ay maaaring buhok, umbilical cord, o breast milk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pumped With Love 

    Marami namang in love sa Pumped with Love dahil sa dami ng variety ng kanilang designs. Isa rin ito sa mga pinaka-affordable na options sa listahang ito.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon silang lockets na maaari mong makuha sa gold o silver at mayroon din silang bracelets na pwedeng dagdagan ng Euro beads.  

    Tots Window

     

    Sa Facebook page ng Tots Window, sinabi nila na hindi lang naman jewelry ang nakukuha ng mga nanay sa memorabilia na binibili nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Encouragement din ito at paalala sa lahat ng pinagdaanan nila bilang mga ina.

    More from Smart Parenting

    Sharing Moments by Jenn

     

    Kung wala ka namang breast milk na maipapareserve, pwede rin naman ang ibang DNA samples tulad ng buhok o di naman kaya ay ang umbilical cord ng anak mo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo ring ipapreserve ang baby milk teeth ng iyong anak. Pwede ring magpagawa ng locket para kasama ang picture ninyo ni baby sa iba pang elements.

    Mahiwaga talaga ang bawat moment ng pagiging isang ina. Kaya naman hindi nakapagtataka na maraming nanay ang naeengganyong magpagawa ng kanilang mga breast milk at DNA memorabilia. Mayroon ka pa bang ibang online shops na alam na gumagawa ng ganito? I-share mo lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles