embed embed2
  • Huling Silip Sa Mga Sexy Buntis Na First-Time Celebrity Moms Ngayong 2019

    Naging mommy sa unang pagkakataon sina Rochelle Pangilinan, Gwen Zamora, at Dani Barretto
    by Jocelyn Valle .
Huling Silip Sa Mga Sexy Buntis Na First-Time Celebrity Moms Ngayong 2019
PHOTO BY @danibarretto and @gwenzamora via Instagram
  • Nitong Year 2019 ay naging mommy sa unang pagkakataon sina Rochelle Pangilinan, Gwen Zamora, at Dani Barretto. Laking tuwa nila na mabiyayaan ng anak kaya pinaghandaan nila nang husto ang kanilang pagbubuntis, kabilang na ang maternity fashion.

    Rochelle Pangilinan

    Nahilig sa flowy at girly dress si Rochelle habang dinadala ang panganay nila ng mister na si Arthur Solinap. Baby girl ang kanilang panganay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pretty in a light pink dress ang GMA-7 actress sa kanyang baby shower, na ginanap noong January 20, 2019 sa isang events place sa Quezon City, at twinning pa ang kabiyak na Kapuso talent din sa suot nitong deep pink polo shirt. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ipinamalas naman ni Rochelle, na unang sumabak sa showbiz bilang miyembro ng Sex Bomb Dancers, ang kanyang strength at flexibility sa kanyang maternity shoot. Nanganak siya noong February 20 sa batang tinatawag na nila ngayong Shiloh Jayne.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Gwen Zamora

    Kumportable si Gwen sa pagsusuot ng bikini kahit eight months na siyang buntis sa first baby nila ng fiancé na si David Semerad. Talagang proud at excited siya maging ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilang linggo bago manganak ang movie-TV actress ay bumiyahe ito at ang pro basketball player sa Boracay kasama ng kani-kanilang mga pamilya. Special daw ang isla na kilala sa white sand beach sa kanilang dalawa, ayon sa Instagram post ni Gwen.

    Lahad niya sa caption na addressed sa kanilang baby boy, “This is where Mama & Papa made you.” Isinilang ang sanggol na si Cooper John noong August 15.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Dani Barretto

    Elegant in black ang dating ni Dani nang magsuot siya ng formal wear sa isang event ilang buwan bago siya magsilang. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Black din ang napili ng vlogger na motif para sa maternity shoot na dinaluhan din ng kanyang businessman-husband na si Xavi Panlilio. Ipinanganak niya ang kanilang baby girl noong September 13, at pinangalanan itong Camilla Marguerite, na may nickname na Millie. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles