embed embed2
  • Wow! DIY Mom Only Spent P35 Creating This Kathryn Bernardo-Inspired Outfit For Her Baby!

    The 26-year-old mom from Pampanga shares the most complicated costumes she has ever made.
    by Judy Santiago Aladin . Published Oct 13, 2023
Wow! DIY Mom Only Spent P35 Creating This Kathryn Bernardo-Inspired Outfit For Her Baby!
PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog
  • Basta para sa ating mga anak, walang mahirap para sa ating mga nanay!

    Trending ngayon ang ginawang outfit ng content creator at business owner na si Mommy Rochelle Mae Santiago, 26 taong gulang mula sa Porac, Pampanga City para sa kanyang dalawang taong gulang na anak na si Eunice Faith Santiago o Indai Eunice. At wala pa raw sa Php 40 ang nagastos niya para dito!

    Kuhang kuha kasi ng ginawa nitong do-it-yourself o DIY costume ang outfit ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo noong dumalo ito sa ABS-CBN Ball nitong September 2023. 

    Ang aktres mismo ay humanga sa talent ni Mommy Rochelle sa pag-DIY, kaya naman shinare niya ito sa kanyang Instagram account.

    Kuwento ni Mommy Rochelle, Php 35 lamang ang nagastos niya sa paggawa ng outfit na ito! Ito daw ay pinambili niya sa diamond stickers na idinikit niya sa kanyang lumang t-shirt na ginamit para sa gown.

    Viral: DIY Outfits Ng Isang Mommy Content Creator

    Sa panayam niya sa Smart Parenting, kinuwento ni Mommy Rochelle kung paano siya nagsimula sa paggawa ng mga DIY costumes para sa kanyang anak.

    "I started making DIY and dressing up Indai Eunice when she was one month old," aniya. Maliban daw sa kaunting handa tuwing ika-walo ng buwan, ay may photoshoot din ang anak.

    Siya daw ay kumukuha ng inspirasyon mula sa mga cartoons tulad ng Disney Princesses at mga movie characters. "Ginagaya ko 'yung buhok hanggang sa naging kasuotan, na magsisilbing theme niya for her monthly photoshoot," kuwento niya.

    "Do it yourself. Dahil may mga bagay na akala mo ay patapon na ay malaking silbi pa pala." —Rochelle Santiago

    Napaka-unique ng mga costumes ng kanyang anak na base sa mga sikat na Pinoy na celebrities. Ang unang celebrity outfit na ginawa niya ay inspired ng aktres na si Jane de Leon na gumanap bilang fictional character na si Mars Ravelo's Darna. Dito rin daw sila nagsimulang mag-vlog. Mula sa 5k followers, naging 100k daw ang followers nila sa loob lang ng isang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hindi ko talaga inaasahan na magugustuhan ng mga tao 'yung ganitong content," kuwento niya sa Smart Parenting.

    Mas lalo raw bumulusok ang followers nila noong gumawa siya ng DIY outfit na inspired ng aktres at nanay na si Janella Salvador, na gumanap bilang Valentina, ang mortal na kaaway ni Darna.

    Mommy Rochelle Santiago with her daughter Indai Eunice
    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Na-feature din daw sila noon sa mga news outlets, kaya naman, naisipan ni Mommy Rochelle na gawing mas madalas ang paggawa ng costume at pag-upload ng vlog, dahil tila maraming natutuwa sa mga DIY content niya.

    Ang pinakamahirap na costume na nagawa niya ay ang mga damit ng Sang'gre sa teleseryeng Encantadia. "Maraming butingting 'yun gawin. Kinumpleto ko po kasi lahat ng 4 na reyna ng Encantadia hanggang sa kanilang Inang Reyna!"

    Indai Eunice as Sang'gre Amihan

    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle AND Indai Eunice Vlog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Indai Eunice as Sang'gre Pirena

    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog

    Indai Eunice as Sang'gre Danaya

    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Indai Eunice as Sang'gre Alena

    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog

    Indai Eunice as Inang Reyna

    PHOTO BY FACEBOOK /Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Benepisyo ng pag-DIY ng outfits ng anak

    Ayon kay Mommy Rochelle, bukod sa pagtitipid, may iba pang benepisyo ang pag-DIY ng costumes para sa kanyang anak.

    "Kaysa bumili, ituring po nila itong isang bonding. Kasi kapag bibili ka lang sa labas ay isusuot lang ng bata, pero kapag DIY, nandun 'yung bonding. Tawanan kasi may time na trial and error lalo na 'pag hindi kasya ang outfit sa kanya," kuwento niya.

    Dagdag pa niya, isa rin daw itong paraan para sa mga magulang na ilaan ang oras sa makabuluhang bagay, "Kaysa ibuhos sa pag-scroll sa social media. Time is meaningful. Isa ito sa mga bonding namin that I will always keep in our hearts and memories forever."

    Bukod raw sa galing niya sa pag-DIY ay na-sho-showcase rin ang galing sa pag-pose ng kanyang anak.

    Bilang isang content creator, gusto daw niyang maging inspirasyon sa iba na hindi kayang makabili ng mamahaling outfit para sa anak, "Hindi naman kailangan gumastos pa ng malaki. Kasi kung meron ka namang mga tambak na damit o mga hindi mo na nasusuot, pwede mo siya i-upgrade."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, "Do it yourself. Dahil may mga bagay na akala mo ay patapon na ay malaking silbi pa pala."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close