embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Twinning fashion DIY for the win!
    PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey

    Marami sa mga moms ang gusto na mag-twinning with their baby girls. But let's admit it — hindi sya mura! Kaya ang ginawa ko nag-aral akong manahi by watching tutorials sa YouTube. Pagkatapos ng ilang practice at ilang yarda na nasayang na tela, voila! Abot kaya na ang twinning mapa-damit or swimmies!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumibilii lang ako ng tela sa Divisoria* kasi sobrang laki ng natitipid ko kumpara sa mall o mga online shop. Ang kagandahan pa mas personalized ito, nagagawa ko yung style na fit sa amin at super sakto yung size.

    More from Smart Parenting

    Self-taught mananahi for the love of twinning 

    Ginagawa ko from the scratch ang pattern. Mukang mahirap kapag titignan mo pero promise, super dali lang.
    PHOTO BY Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kung hindi pa kayo kumportable gumawa ng sarili nyong pattern, I suggest na i-pattern nyo na lang ang mga old swimsuits ninyo at ng mga kiddos.
    PHOTO BY Emerald Bailey
    Marami ring tutorials sa YouTube para sa mga may zero knowledge sa pananahi tulad ko nung nagsimula ako.
    PHOTO BY Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sa Divisoria talaga maraming murang tela at lahat ata ng klase ng tela nandoon, simula sa pinakasimpleng chiffon hanggang sa mga pang-gown. It can be as cheap as 20 pesos per yard! Choosy pa ba tayo sa ganyan ka mura?

    Dapat magaling ka lang maghanap at pumasok sa mga secret eskinitas. Make sure na mag ikot-ikot ka muna bago ka bumili para walang pagsisisi sa huli.

    Sa Divisoria, nag-uumapaw ang choices mo from geometric prints to floral to animal print.
    PHOTO BY Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Tabora, nandyan ang mga pang malakasang gown na tela at sa Ilaya naman ang mga pwedeng pang swimsuit. Ma-chika ang mga tindera doon so magtanong lang kayo. Knowledgable rin sila sa kung anong best tela ang pwedeng gamitin. Sobra pa sa pang-twinning namin ng daughter ko, si Briley, ang 1 1/2 yard.

    Pagdating sa design ng swimwear katulad ng rashguard, mahilig kong gawin yung is yung gitna nya is plain then yung sleeves nya is printedang.
    PHOTO BY Emerald Bailey
    Pagdating sa sewing machine, marami nang mura sa Shopee at Lazada. Meron as cheap as P2,000 at pwede mo pa magamit para gumawa ng kurtina. Kung gusto mo yung malakasang makina pero mura, madaming mga Facebook group ang makakatulong sa iyo. Kung hindi lang tayo naka-quarantine, sa pier talaga ang madaming sewing machine na mga secondhand at surplus na As cheap as 3-5k petot pero pwede ng pang simula ng maliit na RTW bussiness.. Sulit narin diba.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    And when I had my son after four years, hindi naging mahirap ang twinning at kahit pa "three-ning" para sa amin kasi nga ako na lang ang gumagawa ng mga swimsuits nila.

    Si Emerald Bailey ay isang mommy vlogger at miyembro ng Smart Parenting Mom Network.


    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles