Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Nakakata-CUTE Na Halloween Costume Ideas (Mga Moms Ang May Pakana)

    Flex lang namin mga costumes nila baby.
    by Ana Gonzales .
Nakakata-CUTE Na Halloween Costume Ideas (Mga Moms Ang May Pakana)
PHOTO BY Penelope Baria and Arlene Camiling
  • Isa talaga sa mga paborito naming holidays ang Halloween. Madalas kasi, dito lumalabas ang creativity ng mga nanay at tatay. Nakakatuwa ring bihisan ang mga maliliit na bata dahil pag malaki na sila, siguradong hindi na sila papayag maging bampira, mangkukulam, o manananggal. 

    Kung wala ka pang naiisip na Halloween costume para sa anak mo ngayong taon, maaari kang kumuha ng inspirasyon mula sa mga nagawa na ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    Heneral Luna

    PHOTO BY She Costa
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    O di naman kaya ay Katipunero noong panahon ng pagsakop ng mga Kastila. Magandang inspirasyon ang ginawa ni mommy She Costa. Kahit na ginamit ng anak niya ito para sa Linggo ng Wika, maganda pa rin itong gamitin para sa Halloween. Bumili lang siya ng blue na polo shirt at ipinares ito sa puting pantalon at itim na medyas na tinahian pa niya ng detalye. 

    Mabibili mo ang costume na ito online sa halagang Php1,200 hanggang Php1,300. Kung ayaw mo namang bumili, maaari kang mag-rent sa Avielle’s Costume Collection (Facebook). Mayroon din silang mga Katipunero costumes doon.

    More from Smart Parenting

    Russel ng Up

    PHOTO BY Tina Cruz Abila
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cute na cute na rendition naman ng character na si Russel mula sa Disney Pixar film an Up ang costume ng anak ni mommy Tina Cruz Abila. Kuhang-kuha ni mommy ang detalye ng damit ni Russel, mula sa mga buttons at pins sa damit nito, hanggang sa bag at mga lobo.

    Halloween Pumpkin

    PHOTO BY EJ Jose
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa first Halloween ng baby ni mommy EJ Jose, dinamitan niya ito bilang pumpkin. Bagay na bagay din kay baby ang hat niya at pumpkin bucket. 

    Kung wala ka namang mabiling pumpkin costume, pwedeng-pwede mo itong i-DIY. Kailangan mo lang ng orange na pillowcase at itim na leggings at tights. Kakailangangin mo rin ng green na thread at ribbon, pati na rin itim na fabric para sa mata at bibig na itatahi mo sa pillowcase. Bubutasan mo lang ang orange na pillowcase para sa lulusuan ng kamay at ulo ng anak mo. Pagkatapo nito, tatahian mo ng green na strap para maisuot nila ito ng maayos. Saka mo gagamitin ang itim na tela o di kaya ay felt paper para sa mga mata at bibig ng pumpkin mo.

    More from Smart Parenting

    Bumblebee

    PHOTO BY Roldan Malen
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung maliit pa ang anak mo, isa na siguro ito sa pinakacute na pwede mong gawing costume para sa kanya. May mga nabibiling ready-made na online, pero kung gusto mong makatipid, electric tape, dilaw na t-shirt, at itim na leggings lang ang kailangan mo para mabuo ito. 

    Miguel Rivera

    PHOTO BY Alaine De Vicente
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Hango naman ang costume na ito sa isang character sa pelikulang Coco. Hindi mo na kailangang gumastos ng malaki para dito dahil simpleng pulang hoody lang, maong, gitara, gloves, at face paint ang kailangan mo. Kailangan lang ay magaling kang mag-face paint para mas magkaroon ng impact ang costume na ito. Isa rin sa pinakamagagandang pelikulang nakita namin ang Coco kaya naman sigurado kaming kahit matagal nang lumabas ang pelikula, patok (at nostalgic) pa rin ang costume na ito.

    More from Smart Parenting

    Joker


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At dahil kakalabas lang ng pelikulang Joker, bakit hindi ito ang gawin mong costume para sa anak mo? Tandaan mo lang na gumamit ng face paint na akma sa mga bata para hindi magkaroon ng ano mang epekto sa balat ng iyong anak. Pwede kang kumuha ng inspirasyon sa costume ni Zia Dantes noong isang taon.

    Bukod pa sa mga costumes na ito, usong-uso rin ang unicorns at mga 90s to 2010 movie at series characters tulad ng Mean Girls, Clueless, Home Alone, at Hocus Pocus. Maaari mo ring gamiting inspirasyon ang mga paborito mong series at movies sa Netflix tulad ng Stranger Things o Money Heist.

    Kung maliit pa ang iyong anak at mahirap pang bihisan ng kung anu-ano, maaaring simpleng cute na onesie na lang tulad ng little dinosaur costume ng baby ni mommy Arlene Francisco-Camiling ang gawin mo. 

    PHOTO BY Arlene Francisco-Camiling
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    More from Smart Parenting

    Pwede mo ring ilabas ang pagiging bookworm mo sa costume ng anak mo. Kay mommy Pennelope Baria, automatic na na Harry Potter ang costume ng baby niya dahil siya ay isang certified Potterhead. 

    PHOTO BY Pennelope Baria

    Kung gusto mo namang makisali sa mga anak mo sa pagco-costume, pwedeng pwede ang Game of Thrones na theme. Maraming characters kang pwedeng pagpilian at kalimitan ay madali lang ding gayahin ang kanilang mga damit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Walang limit ang maaari mong gawin ngayong Halloween para sa iyo at sa iyong pamilya. Konting research lang ng iyong mga pabiritong characters at siguradong magiging maganda ang Halloween costumes ninyong buong pamilya ngayong taon.

    Mayroon ka na bang naisip o di naman kaya ay kasalukuyan kang gumagawa? Maaari mong i-share are iyong ideas sa aming Facebook Group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles