embed embed2
  • Maternity Photo Goals Ang Classy At Simpleng Shoot Ni Carol Banawa

    Blooming ang singer sa pasilip na ipinost niya sa kanyang social media account.
    by Ana Gonzales .
  • Kamakailan ay ipinasilip ng singer na si Carol Banawa ang kanyang maternity shoot sa pamamagitan ng isang serye ng mga Instagram photos.

    Blooming si Carol habang hawak niya ang kanyang baby bump at kasama niya sa kanyang tabi ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo.

    Taong 2003 nang mag-migrate ang singer at ngayon ay naka-base na sa U.S. kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

    Classy and minimalist maternity shoot

    Magandang gawing inspirasyon ang maternity shoot ni Carol Banawa dahil simple lang ito ngunit sophisticated ang dating.

    Narito ang mga pwede mong gawin para ma-achieve ang kanyang classy maternity shoot:

    Gumamit ng mga solid colors para sa iyong background

    Sa isang magandang field ginawa nina Carol ang kanilang photoshoot kaya nagkaroon ito ng ethereal o mala-diwata na vibe o dating.

    Kung wala kayong ganitong nature na background sa bahay, pwede na ang mga pastel colors na backdrop. Magandang choice din ang pastel color backgrounds dahil magmumukhang maaliwalas ang iyong maternity photos.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mailalabas din nito ang iyong natural na glow. Nariyan ang mga kulay tulad ng soft pink, creamy mint, sky blue, steel blue, at iba pa. Madali ring bagayan ng mga nauusong maternity clothes ang mga pastel colors.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Piliin ang tamang time of day

    Kung wala kang magagamit na professional lighting, pwedeng-pwede naman ang natural light. Magandang oras para mag-shoot ang bandang 8 ng umaga hanggang 10. Maganda rin ang natural light sa bandang 2 ng hapon hanggang 3.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumabas ang natural beauty at glow ni Carol dahil sa magandang timing na pinili nila para sa shoot.

    Limitahan ang mga props sa mga essentials lang

    Kapag simple ang iyong mga props, makakatipid ka na, hindi pa maaalis ang focus sa iyong lumalaking baby bump.

    Mas maganda kung essentials lang o iyong mga makabuluhang props ang gagamitin ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliin ang mga damit na flowy at multifunctional

    Hindi masamang maging praktikal. Sayang naman kung bibili ka ng flowy maternity dress na minsan mo lang magagamit.

    Maraming mga maternity dresses ngayon tulad ng suot ni Carol ang maganda para sa photoshoot at pwede pang isuot ulit pagkatapos.

    Pwede mo ring i-complement ang maternity dress mo ng mga accessories tulad ng flower crown na sinuot din ni Carol. Pwede ka ring gumamit ng mga scarves, flowers, at statement jewelry—depende sa motif na mapipili mo.

    Relax at mag-enjoy lang!

    Makikita mo sa photoshoot ni Carol na nag-enjoy lang siya at ang kanyang pamilya sa proseso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito naman talaga ang tunay na dahilan para sa isang maternity photoshot—para maalala at mabalikan mo ang iyong pregnancy journey.

    Ano man ang mapili mong tema, ang mahalaga ay mayroon kang munting memento ng iyong pagbubuntis.

    **

    Nakapag maternity photoshoot ka na ba? Kumusta ang iyong experience? Anong tema ang ginawa ninyo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring mag-share ng iyong maternity photos sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles