embed embed2
  • Carefree At Chill Ang Maternity Fashion Ng Mga Buntis Na Ito

    Bukod kay Anne Curtis, may ilan pang celebrities na buntis.
    by Jocelyn Valle .
  • Pagkatapos nila Solenn Heussaff at Ethel Booba, may ilan pang celebrities ang nakatakdang manganak ngayong 2020. Habang hinihintay ang kanilang due date ay enjoy sila sa pagkakaroon ng baby bump at rumampa sa maternity fashion. Narito ang ilan sa kanila:

    Anne Curtis

    Kabuwanan na ni Anne Curtis ngayong March, at anumang araw ay isisilang na niya ang panganay nila ng mister na si Erwan Heussaff. Base sa huli niyang Instagram post noong February 29, nasa 38th week na siya.

    [UPDATE] Ayon sa isang Instagram post ng Philippine Star columnist, Ricky Lo, nanganak na daw si Anne! Basahin dito ang detalye

    Ilang linggo nang nasa maternity leave ang actress-TV host sa home country ng kanyang Australian father. Sa Australia isinilang at lumaki si Anne, at doon din siya manganganak kapiling ang asawa na ang ama ay tubo namang France.

    Nawiwili ang soon-to-be mommy sa pamamasyal na nagsisilbi na rin niyang exercise. Nagpakuha siya ng litrato habang nakaupo sa isang puno, at ibinahagi niya ito sa social media platform. “Well spent” daw ang kanyang umaga. Nakapaglakad siya ng kalahating oras sa pagnanais na bumaba nang kaunti ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya sa caption, “We used to have a tree in our front yard that I loved to climb as a kid…and here’s my little attempt of reliving that memory.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Marahil ay alam niyang mag-aalala ang kanyang Instagram followers kaya sinabi ni Anne na nasa ligtas na taas lamang siya ng puno kaya madali siyang makakababa. Sana daw ang kanilang parating na supling ay gugustuhin ding mapaligiran ng kalikasan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

       

    Max Collins

    Mula nang inanunsiyo ni Max Collins at kanyang mister na si Pancho Magno ang kanyang pagbubuntis noong Pasko ng 2019 ay tuloy-tuloy na sa paglaki ang kanyang tiyan. Masaya naman siyang nagbibigay ng update tungkol dito sa social media.

    Sa Instagram post ng GMA-7 actress nitong February 17, ikinuwento niya na nasa 18th week na siya. Sa umpisa daw ay “quite challenging” dahil sa morning sickness na tumatagal ng buong araw. Naging antukin din daw siya at madalas nagkakasakit ng stomach flu. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumuti na ang pakiramdam ni Max ngayong second trimester. Mas may energy na daw siya at mas maganang kumain. Higit sa lahat, nararamdaman na niya ang paggalaw ni baby sa kanyang tummy.  

    Sa Instagram post niyang iyon ay positibong nagkomento ang kanyang mother-in-law na si Redgie Magno, isang executive sa GMA-7. Aniya, “You are handling your pregnancy very well. Happy to know that you are over your morning sickness and you are looking good. Will continue to pray for you and your baby’s safety. Can’t wait to see my apo. Love you.”

    Sa sumunod na IG post ni Max ay ibinalita niya na malapit na nilang malaman ang gender ng panganay nila ni Pancho. Hinikayat niya pang hulaan ng kanyang followers kung magkakaroon sila ng anak na babae o lalake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Luane Dy

    Hindi mapigilan ng mister ni Luane Dy na si Carlo Gonzalez ang excitement sa pagkakaroon nila ng unang anak. Si Carlo ang nag-anunsiyo ng pagbubuntis ni Luane noong huling araw ng 2019 sa pamamagitan ng isang Instagram post, kung saan magkasama sila sa beach at hawak niya ang baby bump ng asawa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkalipas ng dalawang araw, January 2, may panibagong post ang GMA-7 actor, na kabilang sa cast ng Filipino adaptation ng megahit Korean TV drama na Descendants of the Sun. Boomerang video ito ng kanyang misis na nakasuot ng black bikini at nagsasayaw. Aniya sa caption, “Perky preggers.”

    Pumili muli si Carlo ng bikini photo ni Luane nang batiin niya ito ng happy birthday noong January 24. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa mga post naman ng Kapuso artist din na napapanood naman sa Unang Hirit at Eat Bulaga! ay madalas siyang balot na balot. Pansin niya na wala na raw nagkakasya sa kanyang kasuotan. Makikita naman sa mga litrato na komportable siya sa flowy dresses.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Cristalle Belo

    Nang ibalita ni Cristalle Belo sa Instagram noong December 2019 na madadagdagan na ang pamilya nila ng Australian husband na si Justin Pitt ay dinaan niya ito sa pagsasabing magiging kuya na ang kanilang panganay na si Hunter sa April 2020.

    Nasa isip din ng skincare entrepreneur ang anak, na two years old sa darating na May 28, nang magbigay siya ng pregnancy update sa kanyang February 12 post. Dasal daw niya na hindi maging premature muli ang kanyang panganganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad niya, “30 weeks today! Baby weighs less than 3 lbs and is the size of a cucumber. I still can’t believe I gave birth to Hunter James Pitt at 33 weeks. I really hope this baby stays in my belly longer than that!” 

    Kryz Uy

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa recent Siargao trip ni Kryz Uy at kanyang mister na si Slater Young ay kinagiliwan niya ang kanyang baby bump. Pahayag ng vlogger sa caption ng kanyang February 17 post na tila naparami ang pagkain niya ng buko. Gumamit pa siya ng hashtag na #bukobelly na patungkol sa malaking umbok ng kanyang tiyan.  

    Nagkomento naman ang Pinoy Big Brother 2012 winner sa pamamagitan ng isang linya mula sa kantang "Da Coconut Nut," na pinasikat ng vocal group na Smokey Mountain noong 1991. Aniya na natutuwa sa pamamagitan ng smiley faces, “The coconut nut is a giant nut, if you eat too much…you get?”

    Sa isa pang post ni Kryz ay hindi niya makaila ang kanyang pagiging fashionista. Lahad niya, “Finding pants that fit always leads to a good day.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles