embed embed2
  • Love Yourself, Ma! Tatlong Maternity Photoshoots Sa Bahay Na Inspired By Self-Love

    Hindi ka dapat ma-guilty sa bawat pagkakataong mamahalin mo ang iyong sarili.
    by Ana Gonzales .
Love Yourself, Ma! Tatlong Maternity Photoshoots Sa Bahay Na Inspired By Self-Love
PHOTO BY courtesy of Shaula Leong
  • Kalimitan, isa sa mga unang "nawawala" sa mga babae kapag nagiging nanay sila ay ang kanilang kumpiyansa at pagmamahal sa sarili. Kaakibat kasi ng pagiging nanay ang maraming pagbabago sa iyong katawan. Isama mo pa ang walang katapusang panghuhusga pati na rin ang pressure para maging ulirang ina—lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa isip ng mga nanay.

    More from Smart Parenting

    Isa sa mga nakakatulong para i-boost ang confidence ng mga bagong nanay o ng mga buntis ay ang pagkakaroon ng maternity shoot.

    Maraming themes ang pwedeng pagpilian. May mga nanay na nagpupunta sa mga beaches at may mga pinipiling magshoot sa mga hotel—kahit saan ay ayos lang. Pero paano ngayong lahat tayo ay naka-quarantine?

    Kwento ni mommy Di Aquino, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, sa Boracay sana ang maternity shoot niya pero hindi na ito natuloy dahil sa banta ng COVID-19. "We made a booking with Philippine Mermaid Academy for our maternity shoot and gender reveal," paliwanag niya. "The setup was very clear in my mind. My husband ang my sons don't know the gender yet. Ako lang ang nakakaalam kasi, but due to COVID-19, we ended up doing the shoot and gender reveal at home."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Mermaid tail sana ang gustong isuot ni mommy, pero dahil sa banta ng COVID-19, jeans at maternity wear na lang.
    PHOTO BY courtesy of Di Aquino
    More from Smart Parenting

    "Instead of wearing my dream mermaid tail, I put on my tattered jeans instead, which I paired with my favorite comfortable maternity garment," sabi pa niya. Simpleng makeup lang din ang ginawa ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa shoot, hinayaan lang nilang mag-asawa na maglaro ang mga anak nila sa paligid ni mommy. "At first it was difficult," kwento niya. "Aminin natin, mahirap talaga kumuha ng maayos na photos with toddlers."

    Challenging talaga kumuha ng litrato kasama ang mga toddlers. (LOL)
    PHOTO BY courtesy of Di Aquino
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    "I'm a very sentimental mom," kwento ni mommy nang tanungin namin kung bakit ayos lang sa kanya na sa bahay na lang gawin ang shoot. "I make sure I take a lot of photos of all my pregnancies [kasi] for me, every pregnancy is a blessing."

    Sa wakas, may 'souvenir' na rin si mommy ng kanyang pagbubuntis—bagay na hindi niya nagawa para sa kanyang panganay.
    PHOTO BY courtesy of Niña Soliman Salvador
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Para naman kay mommy Niña Soliman Salvador, sa mga kagaya niyang single mom, importante talaga ang self-love. "'Yun 'yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob," paliwanag niya.

    Tulad ni mommy Di, hindi na siya nakapagphotoshoot pa sa labas dahil na rin sa kumakalat na virus. "Ang plano namin ay makapag-take ng photo every month after ng 5th month ko para ito na 'yung souvenir na mayroon ako." Ayon kay mommy, hindi niya nagawa ito sa una niyang anak.

    More from Smart Parenting

    Kaya naman kahit simple at sa bahay lang, ang mahalaga ay na-preserve niya ang alaala. "'Yung pagmamahal sa sarili natin 'yung tutulong sa atin para yakapin natin 'yung sitwasyon na mayroon tayo [at para] mabawasan 'yung self pitty at patuloy lang na lumaban sa [mga] hamon ng buhay," pagbabahagi niya.

    Sa Bali naman ang orihinal na location ng maternitiy shoot ni mommy Shaula Leong. Sa katunayan, plano pa nga nilang kumuha ng photographer doon. Ngunit dahil sa virus, hindi na nila ito itinuloy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Floral para Bali-inspired pa rin.
    PHOTO BY courtesy of Shaula-Leong

    Gayun pa man, Bali-inspired pa rin ang naisip na shoot ni mommy sa bahay. Ayon sa kanya, humugot din siya ng inspirasyon sa konseptong "Quarantined Life of a Pregnant Housewife".

    Kwento ni mommy, "We have a photographer friend and he explained yung importance ng photos. Sa photos, naroon 'yung moments na simposible nang mabalik." Dagdag pa niya, "Every pregnancy gives us different experiences. Madalas mahirap, pero worth it and capturing them is one way to cherish those moments."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kayo? Nagkaroon ba kayo ng newborn photoshoot? Kumusta ang inyong experience? Anong theme ang ginawa ninyo? Sa bahay din ba ang location? I-share ang inyong experience sa comments section.

    Para naman sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles