embed embed2
  • Blooming At Sexy Ang Vlogger Na Si Zeinab Harake Sa Kanyang Maternity Shoot

    Naghahanap ka ba ng inspirasyon?
    by Ana Gonzales .
Blooming At Sexy Ang Vlogger Na Si Zeinab Harake Sa Kanyang Maternity Shoot
PHOTO BY Instagram/Zeinab Harake
  • Noong nakaraan ay bonggang Disney-inspired shoot ang ginawa ng vlogger mom na si Zeinab Harake para sa kanyang maternity photos. Noon pa man daw kasi ay pangarap na niyang maging isang Disney princess.

    Pero siyempre, hindi rin niya pinalampas na magkaroon ng sexy maternity shoot. "Magkaiba talaga 'yung peg," sabi niya. "Ito talaga 'yung maternity shoot na kadalasang ginagawa ng mga preggy."

    Ipinasilip ni Zienab ang behind-the-scenes ng kanyang sexy shoot sa kanyang YouTube channel.

    Talaga namang blooming na blooming siya sa tatlong styles na ginawa nila. Sophisticated ang dating niya sa kanyang unang look, suot ang itim na dress kung saan mababanaag mo lang ng bahagya ang kanyang growing baby bump.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagmistula namang diyosa si Zeinab sa kanyang ikalawang look. Kwento pa niya, ito raw ang malimit na look ng mga nanay sa mga maternity photoshoots.

    Sa ikatlong look ay nude naman si Zeinab at talagang na-highlight ang lumalaki niyang tiyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ginawa ko ito para may mapa-frame ako someday [para makita] na ganun 'yung pregnancy journey ko," sabi ni Zeinab.

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog dito:

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Download on Android devices here

Download on iOS devices here

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles