Noong nakaraan ay bonggang Disney-inspired shoot ang ginawa ng vlogger mom na si Zeinab Harake para sa kanyang maternity photos. Noon pa man daw kasi ay pangarap na niyang maging isang Disney princess.
Pero siyempre, hindi rin niya pinalampas na magkaroon ng sexy maternity shoot. "Magkaiba talaga 'yung peg," sabi niya. "Ito talaga 'yung maternity shoot na kadalasang ginagawa ng mga preggy."
Ipinasilip ni Zienab ang behind-the-scenes ng kanyang sexy shoot sa kanyang YouTube channel.
Talaga namang blooming na blooming siya sa tatlong styles na ginawa nila. Sophisticated ang dating niya sa kanyang unang look, suot ang itim na dress kung saan mababanaag mo lang ng bahagya ang kanyang growing baby bump.
Nagmistula namang diyosa si Zeinab sa kanyang ikalawang look. Kwento pa niya, ito raw ang malimit na look ng mga nanay sa mga maternity photoshoots.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa ikatlong look ay nude naman si Zeinab at talagang na-highlight ang lumalaki niyang tiyan.
"Ginawa ko ito para may mapa-frame ako someday [para makita] na ganun 'yung pregnancy journey ko," sabi ni Zeinab.
Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog dito:
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.