-
How To Dress Your Baby Bump: Essential Maternity Pieces At Saan Makakabili
Importanteng komportable ka ngayon lalo na't maraming pagbabagong pagdadaanan ang iyong katawan.
- Shares
- Comments

Malimit na hindi nag-iinvest ang mga nanay sa kanilang mga sarili sa paniniwalang marami pang mas importanteng bagay.
Ngunit sabi nga ng mga eksperto at ng mga nanay na dumaan at nakalampas sa postpartum depression, mahalagang alagaan mo rin ang iyong sarili para maalagaan mo ang iyong pamilya.
Kaya naman sa umpisa pa lang ng iyong journey bilang isang nanay ay dapat hindi mo pinanghihinayangan ang pagbili ng mga gamit mo. Isa sa mga mahahalagang kailangan mong bilhin ay ilang set ng maternity clothes o pregnancy outfits.
Kailan dapat bumili ng mga pregnancy outfits?
Malimit ay depende ito sa katawan ng babae at kung nasaang stage ka na ng iyong pagbubuntis.
May mga nanay na nagsusuot na ng maternity clothes pagtungtong nila sa ikadalawang buwan ng kanilang pagbubuntis, habang may ilan namang hinihintay pa ang second trimester ng kanilang pagbubuntis bago mamili ng mga pregnancy outfits.
Ayon sa Cleveland Clinic ob-gyn na si Trina Pagano, malimit na mahahalata na ang iyong tiyan at sisikip na ang iyong mga damit sa ika-20 weeks ng iyong pagbubuntis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"So many women begin to show at this point, but there is variability depending on the mother's height and body type, weight gain, number of babies in utero and if it is a first pregnancy. For first pregnancies, the bump typically 'pops' a little later than in subsequent pregnancies," sabi niya.
Payo pa ni Pagano, mas maganda kung sa second trimester ka na bibili ng mga maternity clothes.
Ilan pang tanda na kailangan mo nang bumili ng mga pregnancy outfits:
- Hindi na kasya ang mga luma mong damit
- Hirap ka nang huminga dahil sa sikip ng pantalon at bra
- Bloated ang iyong pakiramdam
Paano pumili ng mga pregnancy outfits?
Depende naman ito sa iyong style at preference. Maraming mga nanay ang namimili ng mga maternity clothes na pwede pa nilang gamitin ulit sa breastfeeding journey nila o sa susunod nilang pagbubuntis.
Pagdating naman sa size ng iyong maternity clothes, nakadepende ito sa bilis ng paglaki ng iyong tiyan, braso, hita, balakang, at dibdib.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi kasi ng mga eksperto, hindi sabay-sabay na lalaki ang mga bahagi ng iyong katawan. May mga nanay na maliit pa ang tiyan ay nauuna nang lumalaki ang dibdib.
Habang ang ilan naman ay nananatiling maliit ang katawan hanggang sa kalagitnaan ng second trimester.
Payo ng mga eksperto, piliin ang mga damit na may materyales na stretch o spandex. Tignan mo rin kung tama ang kapal ng mga damit para sigurado kang hingi ka maiinitan habang suot mo ang mga ito.
Bago ka bumili ng mga pregnancy outfits, isipin mo rin kung magagamit mo pa ang mga ito pagkatapos ng iyong pagbubuntis.
Anu-anong mga pregnancy outfits ang kailangan kong bilhin?
Mas magandang mag-invest sa mga tinatawag na key pieces o maternity wardrobe staples na siya mong imi-mix and match. Mas matipid kasi ito kaysa bumili ka ng mga individual pieces.
Narito ang ilan sa mga key pieces na maaari mong bilhin:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- maternity jeans
- basic black leggings
- maternity t-shirts
- maternity/maxi dress
- maternity underwear
- maternity bras na pwede na ring maging nursing bra
Pwede ka ring bumili ng mga maternity ponchos at t-shirts na dumodoble na rin bilang nursing shawl.
Marami na ring mga maternity dresses ngayon na hindi lang kumportable, maganda pa at pwede na ring gamitin sa iyong maternity photoshoot o baby shower.
Uso na rin ngayon ang mga athleisure clothing o iyong mga pwede na ring dumoble bilang pang workout.
Saan makakabili ng mga pregnancy outfits?
Maraming mga online sellers ang highly recommended ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Bago namin ibahagi ang ilan sa kanila, narito muna ang mga brands na subok naman ng mga celebrity moms:
Elin.ph
Marahil nakita mo na ang brand na ito sa Instagram ng celebrity first-time mom na si Solenn Heussaff.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa stylish ang mga ito, gawa rin ang mga ito sa 100% cotton at elastic na materials.
Nagkakahalaga ng Php1,395 hanggang Php1,895 at Php3,195 ang kanilang mga pregnancy outfits.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMome Nursing Wear
Highly recommended naman ito ng celebrity mom na si Sheena Halili. Maraming pagpipilian at magaganda rin ang mga designs.
Mayroon silang mga workout shorts, terno dresses, at marami pang iba.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito naman ang mga rekomendasyon ng mga nanay sa Smart Parenting Village:
Kaypee Baby Nursing and Maternity Wear
Bukod sa magaganda ang kulay ng mga dresses nila, dumodoble rin ang mga ito bilang nursing dresses.
Work It - Breastfeeding In Style
Sinong nagsabing hindi ka na pwedeng maging stylish kapag bunts ka? Maraming mga magagandang maternity (at breastfeeding) dresses sa shop na ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMum and Tuck
Kung gusto mo namang classy at plain lang ang kulay ng mga maternity dresses mo, mayroon niyan sa Mum and Tuck.
Mayroon din silang mga maternity panties na nagkakahalaga ng Php350 kada piraso—Php950 para sa tatlong piraso.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang ang mga ito sa mga shops na pwede mong bilhan ng iyong pregnancy outfits. Tandaang unahin muna ang iyong comfort bago ano pa mang konsiderasyon, lalo na ngayong maraming pagdadaanang pagbabago ang iyong katawan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments