embed embed2
  • 7 Best Panregalo Sa Buntis, Bukod Sa Baby Needs

    Narito ang ilan sa mga pwede mong ibigay sa mga preggy friends mo ngayong holiday season.
    by Ana Gonzales .
7 Best Panregalo Sa Buntis, Bukod Sa Baby Needs
PHOTO BY iStock
  • Madalas ay gamit ng baby ang natatanggap ng mga buntis kapag panahon ng bigayan ng regalo, tulad na lang ngayong holiday season. Bagaman okay ito at malaki ang maitutulong, maganda rin kung makakatanggap ang buntis ng mga gamit na para talaga sa kanya. Narito ang ilang suggestions na pwede mong pagpilian:

    Body Pillow, Php 600 to Php1,300

    Habang lumalaki ang tiyan ng mga buntis, mas nagiging mahirap o challenging na matulog. Kaya naman napakalaking tulong ng isang body pillow.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga nabibili na pwedeng tiklupin para makatulong din sa pagpapadede ng baby kapag nanganak na ang buntis. Isa sa mga magagandang brands na pwede mong bilhan ay ang Snug-A-Hug.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Nursing Top/Dress/Bra, Php600 to Php2,999

    Hindi pa man lumalabas ang bata, magandang bigyan ng nursing top o dress ang isang buntis, lalo na kung kabuwanan na nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga pwede mong pagpilian ang Inay Moments, SoEn, Lady Grace, at Gigi Amore, depende sa iyong budget.

    Pwede ka ring makabili sa Kaybee Baby Nursing and Maternity Wear (Facebook: @kaypeebaby)

    More from Smart Parenting

    Maternity Shoes o kahit anong comfortable na tsinelas o sapatos, Php600 to Php2,000

    Hindi kailangang mamahalin ang regalong ito. Ang mahalaga ay ‘yung pinaka-comfortable ang pipiliin mo. Ayon sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, mayroong line ng sobrang komportableng mga sapatos na pwede sa buntis ang Sketchers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Massage vouchers, Php500 to Php1,500

    Magandang panregalo rin ang mga vouchers sa nail spas o prenatal massage parlors. Hindi naman kamahalan ang kalimitan sa mga serbisyong ito, pero siguradong ma-aappreciate ito ng buntis na pagbibigyan mo.

    More from Smart Parenting

    Lactation goodies, Php500

    Kung kabuwanan na ng pagbibigyan mo, magandang regaluhan siya ng lactation goodies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang umorder sa Lacto Mama’s Lactation Cookies (Facebook: @lactomamahomemadelactationcookies)

    Blender, Php900 to Php2,500

    Habang buntis si mommy, magagamit niya ito para gumawa ng mga healthy fruit shakes at juices na pwede niyang inumin.

    Paglabas ni baby, pwede niya naman itong gamitin para gumawa ng baby food. Kalimitang nagkakahalaga ito ng humigit-kumilang Php800 habang ang mga magagandang klase ay pwedeng magkahalaga ng hanggang Php2,500.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Postpartum Mommy Care Kit

    Napakaganda naman ng suggestion ni mommy Kai Buan mula sa Village. Ayon sa kanya, makakatulong kung bibigyan mo ng care package na may wound care, vitamins, maliit na unan, balik-alindog kit, at sweets and treats.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong ipanregalo sa buntis. Kwento pa ng mga nanay mula sa Village, magandang mag-focus ka muna sa nanay dahil paglabas ng baby, kalimitang ito na ang magiging focus ng karamihan. Maraming nakakalimot na kailangan din ng tulong, pag-aaruga, at pag-aasikaso ng nanay.

    Kung ikaw ang papipiliin, anong gusto mong matanggap na regalo ngayong buntis ka? I-share mo na sa comments section. Pwede mo ring itong ibahagi sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles