embed embed2
  • Simple, Nakakatawa at Awww: Christmas Family Portraits Nina Sharon, Nico, Chesca at Mariel

    Ano pa man ang tema ng Christmas holiday portrait nila, isa lang ang mahalaga: Kasama ang pamilya.
    by Jocelyn Valle .
Simple, Nakakatawa at Awww: Christmas Family Portraits Nina Sharon, Nico, Chesca at Mariel
PHOTO BY @reallysharoncuneta and @nicobolzico via Instagram
  • Ang Pasko ay para sa pamilya, at napatunayan ito ng ilang celebrities na sinikap na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Christmas season. 

    Mariel Rodriguez at ang Padilla Family

    Tiniyak ni Mariel Rodriguez na makauwi ng bansa mula Amerika upang buo silang pamilya sa kapaskuhan.

    Namalagi ang TV host sa U.S. state ng Delaware ng three months kasama ang panganay nilang si Isabella, 3 years old, at nanganak noong November 16, 2019 sa isa pang baby girl na pinangalanan nilang Gabriella.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Dumating ang mag-iina nitong December 19 at sinalubong sila sa Ninoy Aquino International Airport ng kanilang haligi ng tahanan. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Robin Padilla si Baby Gabriella nang personal, at hindi rin niya naitago ang pagkasabik kay Mariel at Isabella.

    Nico Bolzico at ang Heussaff Family 

    Nakasama sa unang pagkakataon si Nico Bolzico sa tinatawag niyang “famous Heussaff Christmas picture,” sampu ng kapamilya ng kanyang misis na si Solenn Heussaff.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito kasi sa Pilipinas siya nagdiwang ng Pasko imbes sa kanyang native country na Argentina. Nalalapit na din ang panganganak ni Solenn sa panganay nila kaya hindi puwedeng malayo si Nico.

    What other parents are reading

    “Becoming part of the Heussaff clan was not easy,” pahayag ni Nico sa kanyang Instagram post, kung saan kasama niya sa isang litrato si Solenn at partido nito: mga magulang na Louis at Cynthia, mga kapatid na Vanessa at Erwan, bayaw na si Grant, hipag na si Anne, at mga pamangkin na Kaeden at Makena.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naging magkasintahan sina Nico at Solenn noong 2011 at pagkalipas ng limang taon ay nagpakasal sa France, kung saan nagmula ang ama ng actress at visual artist. 

    Dagdag niya, “I knew I was competing with two very loved and experienced,” patungkol kay Grant, na 1985 pa daw kilala ng mga Heussaff, at kay Anne, na bilang actress at TV host na Anne Curtis ay “one of the most (if not most) loved persons in the Philippines.”

    Sa huli ay masayang dineklara ni Nico na siya na daw ang “favorite in-law of Cynthia and Louis,” sabay sabi ng “great effort” kina Anne at Grant. Aniya, “Don’t be sad, you lost to the best!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Cuneta-Pangilinan Family

    Buo ang pamilya ni Senator Francis Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta ngayong Christmas season dahil umuwi ang kanilang panganay na si Frankie mula sa U.S. college studies nito. Nariyan din ang second daughter nila na si Miel at ang bunsong si Miguel. Kinumpleto pa ito ni KC Concepcion, ang only child ni Sharon sa ex-husband na si Gabby Concepcion.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masaya ang mag-anak na magsalo-salo sa Noche Buena at magpalitan ng mga regalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Team Kramer

    Nitong mid-2019 ay nakalipat na ang celebrity couple na sina Doug Kramer at Chesca Garcia, kasama ng kanilang three kids, sa tinatawag nilang “forever home.” Dito sila nagdiwang ng Kapaskuhan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May kalakihan ang bahay na may 12 rooms. Kabilang dito ang playground at classroom para sa mga batang sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Home-schooling kasi sila sa pangangasiwa ng kanilang Mommy Chesca.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles