Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kwentong Katatakutan Part 1: 'Mommy, May Mumu Sa Likod Mo'

    Kakayanin mo bang basahing mag-isa ang mga kwentong ito?
    by Ana Gonzales .
Kwentong Katatakutan Part 1: 'Mommy, May Mumu Sa Likod Mo'
PHOTO BY Pixabay
  • Kung magulang ka na, alam mong wala talagang filter ang mga bata—kung anong gusto nilang sabihin, sasabihin lang nila. Sabi rin ng mga matatanda, hindi raw marunong magsinungaling ang mga bata. Pero paano kung 'yung mga sinasabi nila ay hindi na nakakatawa? Paano kung makapanindig balahibo na ang mga observations at tanong nila? Inipon namin ang ilan sa mga pinakanakakatakot na kwentong galing sa ating mga Smart Parenting Village moms.

    Nung three years old pa lang ang daughter ko, doon kami nag-stay sa house ng parents ko sa Batangas. Aside from my parents, kasama namin doon ‘yung bunso kong kapatid na lalaki at tatlong pamangkin na boys din. One time lumapit sakin daughter ko at sabi nya, “Mommy, san si Junjun?” Tinanong ko siya sino si Junjun kasi wala namang may pangalan na Junjun doon sa bahay. Then sabi niya, “‘Yung bata, ‘yung kalaro ko,” with matching gigil, as if kilala ko ‘yung sinasabi niya. Lahat kami natigilan. Tinanong ko siya kung ano nilalaro nila ni Junjun. Sabi niya taguan daw. Sabi ko saan ba niya lagi nakikita ‘yung “Junjun”? Sagot niya, doon daw lagi sa likod ng pinto ng kwarto ng kapatid ko nagtatago. -Lhiz Mendoza

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kakamatay lang ng lola ng hubby ko. Nagpunta kami sa house nung lola niya. Sabi namin, wala dun yung lola niya (nanay ni hubby). Sumagot ang anak ko, tinuro ‘yung kwarto ng lola ng hubby ko at sabi niya, “Meron. Ayun o si lola.” Eh wala namang tao sa loob ng kwarto. -Janneth Tabor Andes

    It was sunday morning, pupunta kami ng church. Tapos na magbihis si hubby at baby, lumabas na sila ng door then ako naiwan mag-isa sa room. Biglang tumunog ‘yung libro niya na giggling baby ang sound. Eh kailangan pindutin ‘yun ng maigi bago tumunog. So nagbibihis ako habang tumatawa ‘yung libro. -Klang Klang

    Minsan kapag nasa walker ‘yung baby ko, mahilig siyang sumilip sa pinto. One time, nakita ko siyang tawa ng tawa, ‘yung tipong parang binubulaga, may pag-irit pa. Wala namang tao sa labas ng bahay namin. -Edleen Agarao-Bulan

    More from Smart Parenting

    Sabi ng panganay kong four years old, "Mommy, si Lola Dina nasa kwarto. Sabi ko, "Talaga ‘nak? Sabihin mo labas siya dito sa sala.” Sinakyan ko ang sinabi niya. "Sumagot anak ko ng "Ayaw daw niya.” Hindi naman ganon ka-creepy liban sa 10 years nang patay si Lola Dina niya. -Cait Li

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag tumatawag ka pa lang sa Facebook Messenger ng ‘di pa sinasagot, siyempre makikita mo sarili mo kasi naka-on ang front camera. One time, tinatawagan namin ‘yung lolo ng mga anak ko at matagal niya bago sagutin. Napansin ko na parang may kamay sa taas namin ni baby at ng panganay ko na nagpakita. Double deck ang kama namin at sa baba kami nakapwestong mag-iina. Sabi ko sa sarili ko, namalikmata lang siguro ako. Hanggang sa sinabi na sa akin ng panganay ko na, “Kaninong kamay ‘yung kanina, Mama?” Tapos parang natatakot siya habang tinatanong niya ‘yon. Kinilabutan din ako kasi akala ko ‘non guni-guni ko lang, dalawa pala kaming nakakita. Nagdasal na lang ako after ‘non. -Charmaine Grace Gadong-Gella

    More from Smart Parenting

    Nangyari ito before magtatlong buwan si baby. Magkatabi kami sa bed when I felt I need to pee. Hubby was just at the door of our room noon. Hinarangan ko ng pillow si baby—precaution para hindi malaglag, pero malayo naman talaga siya sa edge at hindi pa siya gaanong malikot. It was just five minutes when I came back. Hubby asked me if I left the baby with her head near the foot part of the bed. I said no and I was shocked na baliktad na siya. ‘Yung ulo niya nasa paanan na bahagi ng kama and there were NO signs that she moved on her own. Intact ‘yung pillow na hinarang ko at hindi rin kusot ang bedsheet. Pinipilit kong umamin si hubby na siya ang nagbaliktad kay baby. But I know he didn’t kasi madumi kamay niya. He was fixing some things. Our baby seems fine. Hindi naman nakadapa or anything. Basta nagchange lang yung orientation niya sa bed. Weird. -Jem Cadiz

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Noong nagsimula si baby na gumamit ng walker, dalawang spots lang sa bahay ang lagi niyang tinatambayan. Doon sa paboritong rocking chair ng Mama ko at sa cooking area. At first, hinahayaan lang namin. Pero di nagtagal, natakot na kami kasi parang lagi siyang may kausap. Parang nakikipaglaro siya ng habulan at parang inaalok niya ng pagkain ‘yung kausap niya. Napansin ko rin na tuwing 2:30 ng madaling araw, nagigising ako ng wala namang dahilan. Pag lumabas ako ng kwarto, may naririnig ako na langitngit na para bang may naupo sa kama. Pakiramdam namin, Mama ko ang nagpaparamdam. She died four months after I gave birth. -Cherry Anne

    I was sitting on our bed. 'Yung anak ko, nakatayo sa harap ko, nakaharap sa akin. 

    Baby: Mommy may mumu ba sa likod ko?


    Me: Huh? wala! *goosebumps*

    Baby: Ah ok. Kasi sa likod mo meron.

    -Mayyi Dionido Daquila

     

    Ang mga kwentong ito ay galing sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Wala kaming inedit sa kanilang mga kwento, maliban sa mga salitang naka-text speak at kulang ng ilang salita. Ikaw, mayroon ka bang nakakakilabot na kwentong gusto mong i-share? Mag-iwan ka lang ng comment o di kaya ay sumali sa Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
View more articles