-
Minimalist, Baligtad, At Walang Balls! Mga Kakaibang Family Christmas Trees
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ano man ang sitwasyong kinalalagyan nating mga Pilipino, hindi mawawala sa atin ang kinaugalian nating maagang paglalagay ng mga dekorasyong pamasko.
Setyembre pa lang, inilalabas na ng mga nanay ang mga kahon-kahong pandekorasyon para masimulan na ang pagpapaganda sa bahay. Malayo pa, kumukutikutitap na ang tahanang Pinoy.
Pero kapag may anak ka na, lalo na kung toddler na ito, ibang usapan na ang paglalagay ng dekorasyon sa bahay.
Natural kasing magugulo, malilikot, at curious ang mga toddlers. Kung hindi ka magiging wais, kakakabit niyo lang ng Christmas tree at kasasabit lang ng mga balls, siguradong maya-maya at tanggal na ang mga ito.
Kaya naman para makapaglagay pa rin ng dekorasyon nang hindi nag-aalala kung natatanggal, delikado, o nasisira ang mga ito, narito ang ilan sa mga 'weird' family Christmas trees na naisipan ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village!
Sinong nagsabing kailangang parang puno talaga ang Christmas tree ninyo? Pwede naman itong maging kahugis lang! 'Yan ang siyang ginawa ni mommy Sheilla Guerra.
Hindi na sila bumili ng puno, ngunit korteng puno pa rin ang gamit nila.
Napakasimple ngunit talaga namang napaka eleganteng tignan ng Christmas tree nina mommy!PHOTO BY courtesy of Sheillah GuerraADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapakaganda at talaga namang sobrang mesmerizing tignan!PHOTO BY courtesy of Naessah VeranoPHOTO BY courtesy of Smart Parenting Village memberADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended Videos"'Yung star naman is fuzzy wires. We have 2 toddlers plus wala talagang space sa bahay. So naisip ko, since they’re into crafts din naman, ganito na lang ang ginawa namin," kwento niya.
"Nag-enjoy din naman sila magkabit ng ephemeras aka christmas tree ornaments. Then I covered it with plastsic cover before sinabit sa wall para hindi dumumi."
PHOTO BY courtesy of Jhem BonEh. Kalahati na lang ang natira sa Christmas decoations. LOL!PHOTO BY courtesy of Nikka CabañeroADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Lala Tellano-VirayKwento ni mommy, idinikit na nila ang mga nakasabit sa puno, dahil may mga chikiting na 'namimitas.'
PHOTO BY courtesy of Kristine CoronacionADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Vanessa DimpasNapakarami naman daw natatanggap na stuffed toys ng mga anak ni mommy Mickylla Mercado kaya naisip niyang bumuo ng Christmas tree gamit ang mga ito.
Mukhang masayang-masaya naman ang mga bata sa naging resulta.
PHOTO BY courtesy of Mickylla MercadoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, kalahati lang din ang Christmas tree nina mommy Dawn Coronacion dahil inaalis ng anak nila ang ano mang Christmas tree pabitin na mahawakan nito.
PHOTO BY courtesy of Dawn CoronacionPuno ng bayabas naman ang ginamit nina mommy Shane at daddy Leopoldo Crujido para sa kanilang Christmas tree ngayong taon.
Ginamit din nilang palamuti ang mga lumang laruan nina mommy at baby. Php55 lang ang nagastos nila para sa punong ito. Maganda na, environment-friendly pa.
PHOTO BY courtesy of Shane and Leopoldo CrujidoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakita naman ni mommy Trishia Ninotchka Artajo sa Pinterest ang design ng Christmas tree nila. Sa halip na kabahan na guguluhin ni baby ang puno, pabaliktad nila itong ikinabit para talagang hindi abot ng bata.
Bukod sa maganda na, kakaiba pa! Siyam na taon na sa kanila ang Christmas tree na ito. Malaking tipid dahil hindi na nila kailangang bumili taon-taon.
PHOTO BY courtesy of Trishia Ninotchka ArtajoPatunay ang mga Christmas trees na ito na wala iyan sa laki ng puno o bongga ng palamuti. Ang Pasko ay panahon para ipagpasalamat natin ang mga bagay na mayroon tayo.
Ito'y tungkol sa mga taong nakapaligid sa Christmas tree at hindi tungkol sa mga materyal na bagay na nasa ilalim ng puno.
Funny at kakaiba ba ang kwento sa likod ng Christmas tree ninyo? I-share niyo na iyan sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments