embed embed2
Nakabili Kami Ng Php650 Na Christmas Tree Sa Dapitan Arcade
PHOTO BY Ray Gonzales
  • Sabi nga nila, sa Pilipinas mo lang mararanasan ang pinakamahabang Pasko. Ito’y dahil Setyembre pa lang, nagsisimula na ang pamilyang Pilipino na maglagay ng mga dekorasyon sa kanilang mga tahanan. Kung katulad namin ay hindi ka pa nakakapaglagay ng iyong mga Christmas decors, pwedeng-pwede ka pang humabol.

    Mula Mandaluyong, nagpunta kaming mag-asawa sa Dapitan Arcade para doon mamili ng mga holiday decors. Matagal na kasi naming naririnig na mura at magaganda raw ang mga palamuti at gamit pambahay doon. 

    Paano pumunta sa Dapitan Arcade?

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Kung sa Mandaluyong ka nakatira, tatlong sakay sa jeep bago ka makapuntang Dapitan Arcade. Sasakay ka ng jeep papuntang Kalentong at bababa ka sa Stop and Shop. Mula doon, sasakay ka papuntang Quiapo at bababa ka sa simbahan. Mula sa simbahan, mayroon ka nang masasakyang papunta ng Dapitan Arcade. Magpababa lang kayo sa jeep dahil kung wala kang mapa, pwede mo itong malampasan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sa Cubao ka naman manggagaling, sasakay ka ng pa-Quiapo na jeep at bababa ka Welcome Rotonda. Mula doon, mayroon nang mga jeep pa-Dapitan. Magbayad lang ng minimum fair at bumaba sa pangalawang intersection na madadaanan mo para makarating sa Dapitan Arcade.

    Mula Quiapo, hindi ka na mawawala pa-Dapitan Arcade dahil marami nang jeep na masasakyan doon. 

    Anu-anong mabibili sa Dapitan Arcade? 

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Pagdating namin doon, hindi namin inasahan na mukha pala siyang isang malaking garage sale. Makikita mo ang sari-saring mga dekorasyon na swak sa kahit anong Christmas theme. Nang dumating nga kami doon, maraming tao ang naghahanap ng mga gold, red, at silver na pandekorasyon.

    PHOTO BY Ray Gonzales
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sari-saring materyales din ang makikita mo. Mayroong plastic, mayroong kahoy, at mayroon din bakal—depende sa gusto mo para sa bahay mo ngayong taon.

    Ano ang pinakamabisang paraan para mamili sa Dapitan Arcade?

    Dahil unang Pasko naming mag-asawa, hindi namin alam kung anong gusto naming theme para sa aming Christmas decorations. Dahil maraming pagpipilian, mas maganda kung pupunta ka sa Dapitan Arcade na may tema at kulay nang isinasaalang-alang. Marami rin kasing taong namimili lalo na’t malapit na ang Pasko, kaya para hindi ka mapagod sa kakalakad, isipin mo na ang theme mo at ilista mo na lahat ng kailangan mo. 

    Para sa taon na ito, napagkasunduan naming mag-asawa na maglaan ng Php1,000 hanggang Php1,500 para sa aming Christmas decors. Wala pa kaming Christmas Tree kaya iyon ang una naming hinanap. 

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Maliit lang ang aming tahanan kaya naman hindi tataas sa three feet ang napagdesisyunan naming bilhin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa bandang dulo ng Dapitan arcade namin nakita ang tamang size na hinahanap namin. Sa halagang Php400 pesos, may Christmas tree na kami na may kasama nang Christmas lights. Kung gusto mo ng mas malalaking klase o iyong 8ft, maglalaro ito sa halangang Php1,800 hanggang Php2,500. Hanapin mo iyong mga stalls na mayroon nang package deal. Karamihan sa kanila ay may ibinebentang Christmas trees na may kasama nang ilaw. 

    Pinakamaliit na Christmas tree na maaari mong mabili.
    PHOTO BY Ray Gonzales

    Hindi ka rin mauubusan ng Christmas balls o kung ano mang decorations ang gusto mong ilagay sa puno ninyo dahil marami ka ring pagpipilian sa Dapitan arcade.

    Dahil maliit lang ang Christmas tree namin, maliliit na Christmas balls lang din ang binili namin. Silver ang tema na gusto ng asawa ko kaya silver balls na iba’t-ibang klase ang hinanap namin. Mayroong plain, mayroong may glitters, at mayroon ding makintab. Assorted na lang ang binili namin dahil siguradong maganda lahat ito kapag katabi na ng Christmas lights.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ray Gonzales

    Php100 ang isang pack ng Christmas balls (20 pieces)—kumuha kami ng dalawa para masayang tignan. Nagconcentrate kami sa balls lang pero marami kayong mahahanap doon na mga novelty pieces na maganda ring isabit sa puno. Mayroong mga pagkain, maliliit na Santa Clause, gingerbread man, snowflakes, at Christmas houses. Kailangan mo lang talagang maging matiyaga na hanapin isa-isa ang mga gusto mong ipansabit.

    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakarami ring mapagpipilian na Santa Claus decorations, mula sa mga inilalagay sa puno hanggang sa mga ipinapatong sa lamesa, inilalagay sa pinto, at isinasabit sa labas.

    Nagkakahalaga ang mga ito mula Php350 hanggang Php700 to Php750, depende sa laki at disenyo.

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Marami ring pandekorasyon na mabibili mo ng 3 for Php100. Nariyan ang mga fake poinsettias, holiday garlands, at kung anu-ano pang maliliit na figurines na pwede mong gamiting pang Belen o di naman kaya ay pang table setting.

    Sobrang daming parol at pailaw din sa Dapitan Arcade. Kung ayaw mong maglagay ng Christmas tree o gusto mong maganda at maliwanag din sa labas ng inyong bahay, marami kang pagpipilian dito.

    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At dahil marami pang natira sa aming budget, bumili na rin kami ng Christmas wreath na may gold decorations sa murang-murang halaga na Php100.

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Bumili rin kami ng star na nagkakahalaga ng Php50 para sa taas ng Christmas tree.

    Narito ang breakdown ng aming nagastos: 

    Christmas Tree:

    • Christmas tree with Christmas lights (3ft) - Php400
    • Christmas balls (2 packs, 20 pcs., Php100 each pack) - Php200
    • Star - Php50

    Additional Decorations:

    • Christmas wreath - Php100

    Total: Php750

    Budget: Php1,500

    Remaining Money: Php750

    Nakapag-date pa kami sa malapit na kainan dahil may natira pa sa budget namin. Dito na rin namin kinuha ang pamasahe namin pauwi. Tandaan lang, para maging mas madali ang buhay mo habang namimili, magsuot ng komportableng damit at sapatos. Magdala ka rin ng ecobags mo para hindi ka mahirapang magbitbit ng iyong mga pinamili. Bagaman maganda itong makita ng mga bata, mas magandang iwan mo muna sila sa bahay at patulungin na lang sa pagbuo ng Christmas tree para hindi sila mahirapan sa siksikan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Narito na ang aming munting Christmas tree.
    PHOTO BY Ray Gonzales

    Mas makakamura ka pa kung mayroon ka nang mga gamit tulad ng balls at ilaw dahil dadagdagan mo na lang ng ibang accents na mabibili mo sa Dapitan Arcade. Pero kung tulad namin na nagsisimula ka sa wala at gusto mo ng simple pero makabuluhang Christmas decorations, okay na okay na ang Php750 na holiday decorations. Kung sa mall ka kasi bibili ng mga ito, baka sa Christmas tree pa lang ay gumastos ka na ng Php750.

    Marami ka pang ibang mabibili sa Dapitan Arcade, basta't matiyaga ka lang na maglakad at makipagtawaran.

    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang wais tips para sa Christmas decors mo ngayong taon? I-share mo ‘yan sa mga tulad mong wais nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close