embed embed2
  • Sobra Ang Tawa Namin Sa Mga Halloween Costumes Na Ito

    Talaga namang witty, creative, at praktikal ang ating mga nanay.
    by Ana Gonzales . Published Oct 29, 2019
Sobra Ang Tawa Namin Sa Mga Halloween Costumes Na Ito
PHOTO BY Michelle Garcia and Nikki Angela de Leon
  • Basta talaga panahon ng United Nations Day at Halloween, lumalabas ang itinatagong galing ng mga nanay at tatay pagdating sa paggawa ng mga magaganda (at minsan ay nakakatawang) costumes.

    Kaya naman hindi namin mapigil ang tawa namin nang makita namin ang ilang mga nag-viral na Halloween costumes online. Sino kayang may pakana ng mga ito? Si mommy? O si daddy?

    “Utility Bills Halloween Costume” 

    Kinakatakutan talaga ito ng kahit sinong magulang at adult buwan-buwan. Lalung-lalo na kung gumamit pa naman kayo ng aircon non-stop at nag-binge watch ng Netflix si daddy at baby. Nasindak ang lahat sa post ni Nexil Palabrica kung saan may nakadikit na mga bills ng kuryente at tubig sa likod ng isang bata. Pahayag ni Palabrica sa Inquirer, nag-attend siya ng isang Halloween party kasama ang kanyang anak nang makita niya ang batang ito. Umabot na ng mahigit 50,000 shares ang kanyang post at mahigit 3,000 likes.

    “Patay sa Kabaong”

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Agaw pansin naman ang batang babae na ito sa post ni Antonio Aguirre na nakahiga sa kabaong. Kung effort lang din naman at acting ang pag-uusapan ay panalong-panalo na ang batang ito.  

    “Anak ng Kapre” 

     

    Viral din ang post ng Patama Lines kung saan makikita mong naka-pose ang limang bata na naka-Halloween costume. Ang talagang bumenta sa mga netizens ay ang batang maitim at magulo ang buhok na naka-“Anak ng Kapre” costume. Cute na cute ang bata pero hindi mo maikakailang nakakatakot (at nakakatawa) ang costume niya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "Annabelle"

     

    PHOTO BY Nikki Angela de Leon

     

    Sino namang hindi maaaliw at mabibilib sa Halloween costume na ito ng baby ni mommy Nikki Angela de Leon. Ipinadala niya sa amin ang larawang ito sa pamamagitan ng aming submissions email. DIY lang ang costume na ito ni baby pero mapapahanga ka sa pagka-accurate ng Annabelle costume niya. Kuhang-kuha mula sa "kahon" na pinaglalagyan niya hanggang sa note na "Positively do not open".
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Saint Denis the Martyr”

     

    Kung natawa kami sa iba, kinilabutan (at nabilib) naman kami sa costume ni Jaldred Paulo Jaring na nilikha ng architect na si Michael Corpuz. Ayon sa report ng GMA News Online, isa si Jaldred sa 29 na batang sumali sa “Parade of Saints” sa Hermosa nitong nakaraang linggo. Creative lahat ng costumes ng mga batang sumali, ngunit talaga namang natakot kami sa costume ni Jaldred. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Pugot na Ulo"

     

    PHOTO BY Michelle Garcia

     

    Isa pang pugot na ulo costume na talaga namang hinangaan namin ay ang pinadala sa amin ni mommy Michelle Garcia. Makikitang napakagaling pa ng page-emote ng mga bata—talagang in character sila! 

    “Killer Clown” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung may mga batang gustong-gusto sa mga clowns, may mga bata namang talagang takot na takot sa mga ito. Siguradong hindi na mawawala ang takot sa clowns ng mga batang makakakita sa costume ni JC Kong. 

     

    Ipinost ng kapatid niya na si Jhoanna Among Kong ang larawan ni JC, habang ang gumawa naman ng costume na Jaypee Kong ay nag-share ng video kung saan makikitang tumatakbo ang mga bata palayo sa talaga namang nakakatakot na “killer clown”.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? May nakakatakot pero nakakatawang Halloween costumes din ba ang mga anak ninyo? Share niyo sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

    What other parents are reading
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close