embed embed2
  • 2019 Amazing Cake Hacks Mula Sa Mga Nanay Sa Smart Parenting Village

    Narito ang mga nakakabilib na cake hacks na gawa ng mga nanay sa aming Facebook group.
    by Ana Gonzales .
2019 Amazing Cake Hacks Mula Sa Mga Nanay Sa Smart Parenting Village
PHOTO BY Kristyl Velasco Rodriguez
  • Hindi mawawala sa ano mang party ang cake. Sa katunayan, kahit sa pregnancy announcements, gender reveal, at monthly milestones ay mayroon na ring cakes.

    Pero kung mayroon kang sinusunod na monthly budget at hindi pasok ang palaging pag-oorder ng customized cakes dahil may kamahalan din ito, pwede mong subukan ang mga DIY cakes na ginawa ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Mommy Jessa Agsalog’s Mermaid Cake

    (Total Cost: Php775)

    Para sa kaarawan ng anak ni mommy Jessa, umorder siya sa Goldilocks ng round cake na may kasamang cupcakes.

    PHOTO BY Jessa Agsalog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saka siya bumili ng white chocolate para magawa niya ang cake topper na buntot ng mermaids. Kahit ang mga birthday toppers ay binili rin niya na nakahiwalay para mas makamura.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Mommy Tine Dayot’s Frozen-themed Cake

    (Total Cost: Php1,170)

    Bumili rin si mommy ng cake sa paborito nilang local store, ang Bistro Rosario. Pinalagyan niya ito ng turquoise at purple icing para pasok sa kulay ng tema na gusto niya.

    PHOTO BY Tine Dayot
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos ay bumili siya ng mga Frozen na laruan na naka-sale na siya niyang ginamit para i-decorate ang buong cake. Kung ikukumpara mo ang total cost ng nabuong cake ni mommy, mas mura pa rin ito kumpara sa customized cake na nagkakahalaga ng mula Php2,000 hanggang Php3,000.

    What other parents are reading

    Mommy Faye Lee’s Super Hero Cake

    (Total Cost: Php725)

    Sa Red Ribbon naman bumili ng cake si mommy Faye.

    PHOTO BY Karen Faye Lee
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumili siya ng toys mula sa mall at candy sprinkles sa sari-sari store para i-decorate ang nabili niyang cake.

    Mommy Kristyl Velasco Rodriguez’s Galaxy Cake

    (Total Cost: Php638)

    Five days prior ang event ni mommy, nagpunta na siya sa Goldilocks para umorder ng cake. Php580 ang cake na may kasamang cupcakes.

    PHOTO BY Kristyl Velasco Rodriguez‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maging blue at pasok sa galaxy theme na gusto ni mommy, pina-edible spray paint niya ito ng blue.

    PHOTO BY Kristyl Velasco Rodriguez‎

    Ipinagawa naman ni mommy sa kaibigan ang cake toppers. Maganda na ang cake kahit wala ang mga ito, pero dahil paborito ng anak ni mommy ang galaxy at space, pinalagyan niya ng toppers na sunod sa theme.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mommy Jacque Cruz-Hsu’s Snow White Cake

    (Total Cost: Php720)

    Narito pa ang isa sa mga pinakahinangaan naming cakes sa Village. Nabilli ni mommy Jacque ang cake na ito sa halagang Php510. Dagdagan mo pa ng humigit kumulang Php200 para sa cake toppers. 

    PHOTO BY Jacque Cruz-Hsu

    Sa Goldilocks niya binili ang 8 x 12 na mocha cake sa halagang Php490. White icing ang ipinalagay niya bago niya ipina-spray paint ng kulay na gusto niya—Php20 lang ang dagdag sa bawat kulay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Jacque Cruz-Hsu

    Pagkatapos nito, pwede mo nang iuwi ang cake at lagyan ng cake toppers na mabibili mo sa kahit saang party needs shops.

    What other parents are reading

    Mommy Dang Saspa Basilio’s Unicorn Cake

    (Total Cost: Around Php500)

    Ayon kay mommy Dang, matagal na daw humihiling sa kanya ng unicorn cake ang kanyang anak. Kwento pa niya, nahirapan daw silang maghanap ng cake dahil specific ang gusto ng kanilang anak. Bagaman nakakita sila ng design, may kamahalan ito kung ito ang bibilhin nila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Dang Saspa Basilio‎

    Kaya naman sa Max’s sila umorder ng cake. Php368 ang vanilla message cake na binili nila. Umorder din siya ng unicorn horn at ears na cake topper sa Shoppee, na nakuha niya sa halagang Php77. Para naman sa mata at pilikmata ng unicorn, gumamit si mommy ng chocolate sprinkles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kung gusto mo ring bumuo ng cakes na tulad ng mga narito sa listahan, ito ang ilan sa mga dapat mong gawin: 

    1. Umorder ng cake at least limang araw bago ang iyong event. Pwede sa Goldilocks, Max’s, at Red Ribbon—depende sa iyong budget. Pwede itong ipa-spray paint sa kulay ng gusto mo, depende rin sa branch kung mayroon silang 

    2. Bumili ng cake toppers of your choice. Pwede sa Shoppee o Lazada, lalo na kung marami ka pang panahong maghintay ng delivery. Kung wala naman, pwede kang bumili sa kahit anong cake shopes o party planning shops malapit sa inyo.

    Tandaan, ang pagiging masaya ng isang party ay wala sa kung gaano kabongga ang handa o ang cake. Ang importante ay sama-sama ang buong pamilya sa bawat selebrasyon.

    May cake hacks ba kayo na gusto ninyong i-share? Ibahagi mo na sa comments section o di kaya ay i-share sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles