embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Apps Na Pwede Mong Gamiting Pang Layout Ng Invitation Cards
PHOTO BY iStock
  • Kung akala mo'y kailangan mong gumastos ng malaki para sa invitation cards, nagkakamali ka. Pwede pa ring maging espesyal ang iyong mga imbitasyon kahit ikaw lang ang masigasig na gumawa nito. Ang mahalaga ay maiparating mo sa iyong mga mahal sa buhay na gusto mong kasama sila sa ano mang mahalagang araw sa buhay ninyong mag-anak.  

    Marami kang mabibiling ready-made cards sa mga school supplies stores at kahit online. Mayroon din sa mga party suppliers. Ngunit kung gusto mong DIY o ikaw mismo ang gagawa, bukod sa mas makakatipid ka na, mas kontrolado mo pa ang disenyo at kalalabasan. 

    Narito ang limang apps na pwede mong gamitin para mag-layout ng invitation cards:

    More from Smart Parenting

    Greetings Island

    Kilalang-kilala ng mga mahilig mag-DIY ang app na ito dahil na rin sa dami ng pagpipiliang templates na pwedeng gamitin ano man ang okasyon. Bukod pa riyan, marami rin itong features at tools na pwede mong gamitin nang walang bayad. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maari kang gumamit ng mga stock images, palitan ang kulay at laki ng invitation at marami pang iba. Ang kagandahan pa ng app na ito, marami kang pwedeng i-download na elements na walang watermark. 

    Canva

    Ang gusto naman ng mga nanay sa app na ito ay kung gaano ito kadaling gamitin. Kahit sa cellphone mo ay pwede kang gumawa ng invitation cards sa loob lang ng ilang minuto.

    Pwede itong gamitin ng libre ngunit marami ring features at designs na pwede mong bayaran. Maraming libreng templates na pwede sa ano mang okasyon. Kahit na wala kang karanasan sa pag-eedit, madali mo itong magagamit.

    More from Smart Parenting

    Evite

    Mas magandang gamitin ang app na ito sa iyong computer. Tulad ng ibang apps sa ating listahan, may mga features itong libre at mayroong may bayad. 

    Isa ito sa mga tried and tested apps ng mga nanay pagdating sa pag-gawa ng invitations. Bukod din sa madaling gamitin ang app na ito, pwede mo agad i-share ang iyong nagawang invitation online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Adobe Spark

    Kung ayaw mo namang magsimula sa wala, pwede sa iyo ang app na ito. May mga templates na ito na nakahanda para mas mapabilis ang paglikha mo ng mga invitations. Maraming fonts at designs na pwedeng pagpilian.

    More from Smart Parenting

    FotoJet

    Kung gusto mo namang gumamit ng mga litrato para sa iyong invitation, pwedeng-pwede sa iyo ang app na ito. Pwede kang mag-collage ng mga larawan at pwede mo itong i-customize sa kung paano mang disenyo ang gusto mo.

    Huwag kang mag-alala kung hindi ka masyadong marunong mag-layout dahil may mga templates naman na pwede mong gamitin.

    More from Smart Parenting

    Bonus tip sa pag lay-out ng inyong invitation cards: mas mainam kung mas malaki ang litrato ng celebrant kaysa sa mga gagamiting characters. Pagdating naman sa background na gagamitin mo, humanap ng hindi masyadong distracting para hindi maalis ang focus sa subject ng iyong invitation. 

    Tandaan na lahat ng mga detalyeng ilalagay mo ay dapat na mag-cocomplement sa isa't-isa. Siguradong maliwanag ang litratong gagamitin at matching o complementary ang fonts at mga kulay na pipiliin mo. Limitahan mo lang sa dalawa hanggang tatlong fonts ang gagamitin para mas madaling maintindihan ang mga nakasulat sa iyong invitation. At pinaka importante sa lahat, bigyan ng emphasis ang pangalan ng celebrant. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka pa bang ibang suggestions kung paano gumawa ng invitation para sa iba't-ibang parties? Ilagay mo lang ang mga recommendations mo sa comments section. Pwede mo rin itong ibahagi sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles