embed embed2
5 Super Cute Baby Boy Baptism Outfits Under P2,000
PHOTO BY Pexels
  • Bilang nanay ng isang baby boy, isa sa mga challenges na madalas kong maranasan ay ang paghahanap ng maaayos at magagandang damit para sa aking anak. Iilan lang kasi ang collections na maganda at pwedeng maisuot ng matagal.

    Sa aking experience, tuwing maghahanap ako ng mga baby boy outfit, madalas na walang sizes para sa anak ko o kakaunti na lang ang stock—minsan ay wala pa nga. Kaya naman pagdating sa binyag ng anak ko, dalawang buwan pa lang ay naghanap na ako ng isusuot niya.  

    Hindi ko alam na ayon pala sa mga tradisyon at nakaugalian, hanggat maaari ay regalo ng isa sa mga ninong at ninang ang isusuot ng bata sa kanyang binyag. Huli na nang nasabi sa akin ng aking mother-in-law na ganito pala ang tradisyon. Para hindi naman masayang ang biniling mga damit ng in-laws ko para sa apo nila, ginamit namin ito pagkatapos ng seremonya sa simbahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa panahon ngayon, marami nang hindi sumusunod sa mga nakasanayang tradisyon pagdating sa baptism outfit. Karamihan sa mga nakasabay namin noong pinabinyagan namin ang aming anak, white formal suite na ang suot ng mga cute na baby boys at Sunday dresses naman ang suot ng mga cute baby girls.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May ilan pa ngang hindi na sumunod sa puting kulay ng damit. Mas pinili nilang damitan ang kanilang mga anak ng pastel colored dresses.

    What other parents are reading

    Sa ngayon, marami ng hindi sumusunod sa nakasanayan na baptism outfit. Karamihan sa mga nakasabay namin nuong pinabinyagan namin ang aming anak, white formal suite na ang mga suot ng mga cute na baby boy at mga sunday dress naman sa mga cute baby girl.

    May iba pa nga na hindi na sumusunod sa puting kulay ng damit at sinusuotan ang kanilang mga anak ng mga pastel colored dress. Tunay na ang kasuotan ni baby ay importanteng simbolismo sa binyag kaya hindi pa rin mawawala ang  booties at bonnet o veil sa baby girl.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang ilan sa mga online shops na pinagpilian ko nang naghahanap ako ng damit para sa aking anak. Bilang Php2,000 lamang ang aking itinalagang budget, sinugurado ko na hindi ako lalagpas sa halagang ito para mapagtuunan ko ng pansin ang ibang bagay na aming kailangang pagkagastusan.

    What other parents are reading

    Sion mula sa Periwinkle

    Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong boutiques para sa lahat ng baby boy clothing needs ng anak ko. Bukod kasi sa magaganda ang mga disenyo nila, hindi rin ganoon kamahal ang mga damit na binebenta nila. Marami rin silang selections ng mga damit panlalaki na bagay na bagay pambinyag kaya hindi ka mauubusan ng pagpipilian. 

    Kung gusto mo ng modern look para sa iyong anak, magandang choice ang Periwinkle Sion. Available ito sa sizes 1Y hanggang 14Y. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabibili mo ito sa halagang Php1,199. Mayroon itong cute na cute na bowtie detail na bagay lagyan ng suspender at ipares sa slacks at loafer.

    Baby suites mula sa Raising Little

    Isa talaga sa mga kilala at pinakamabentang brands ng baby boy baptism outfit ang Raising Little. Bukod kasi sa sobrang cute ng kanilang mga selections, pwede pa silang isuot ulit ng anak mo pagkatapos ng binyag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakahalaga ng mula Php1,010 pataas ang kanilang mga baby boy outfits.

    Marami kang pagpipilian at karamihan sa mga ito ay may mga sizes para sa 0-6 months at 6-12 months. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang maganda sa kanilang mga styles ay pwedeng-pwede mong ipasuot ito muli sa iba pang okasyon tulad ng kaarawan o 'di naman kaya ay sa pagsisimba ninyong mag-anak.

    What other parents are reading

    Baby tuxedo set mula sa Little Star Closet

    Ang maganda sa store na ito ay ang malawak nilang selection at ang availability ng kanilang mga sizes. Mayroon silang mga sizes na para sa 0 hanggang 2 years old. Mayroon silang Facebook account (@littlestarclosetonlineshop) pero mas updated ang kanilang designs sa kanilang Lazada account. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sa katunayan, dito ko nabili ang baby tuxedo set ng aking anak. Gawa ito sa soft cotton kaya presko at comfortable ang bata sa duration ng ceremony. Nagustuhan ko rin na nagpapadala muna ang seller ng actual photo ng aking binibili bago niya ipinapadala ang items. Malaki ang natipid ko sa damit na ito dahil Php999 lang ito nang bilhin ko. Ngayon ay mas bumaba pa ang presyo dahil mabibili na ito sa halagang Php649.

    What other parents are reading

    George Set mula sa Babymama Store

    Maraming mga brands ang pwedeng pagpilian sa kanilang shop, isa na dito ang Noah Bear. May mga sapatos, bonnet at suits na magaganda ang designs at dekalidad ang pagkakagawa.

    Isa sa mga pinakanagustuhan ko ang kanilang George Set. Nagkakahalaga ito ng Php890 at may mga sizes na para sa 0-6 months old na sanggol. 

    PHOTO BY Website / Babymama
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kasama na sa set ang grey na bowtie. Gawa ito sa soft cotton kaya sigurado kang hindi maiinitan si baby sa loob ng simbahan. Kung mas gusto mong makita ang mga produkto bago mo ito bilhin, pwede mong puntahan ang kanilang physical outlets na matatagpuan sa Ortigas, Alabang, BGC, Centris, Makati, at Angeles.

    Traditional baby boy baptism outfit sa Ines Moda Infantil

    Kung gusto mo namang panatilihin ang tradisyon na mayroon kayo, pwede mong bilhin ang Janvier Romper Set ng Ines Moda Infantil. Nagkakahalaga ito ng Php1,900. Double-breasted din ang romper na ito kaya alam mong hindi papasukin ng lamig si baby kung aircon man ang inyong venue at reception. Mayroon na rin itong kasamang booties at bonnet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pa silang ibang mga designs na pwede mong pagpilian maliban sa mga ito.

    Kung gusto mo namang mas makatipid, pwede kang bumili ng mga pre-loved baby boy baptism outfits mula sa mga Facebook groups tulad ng Smart Parenting Village at iba pa. Hindi hamak na mas mura ang mga ito kumpara sa mga nasa online at physical stores. Mas praktikal ito lalo na kung alam mong isang beses lang naman itong gagamitin ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi naman masyadong naniniwala sa tradisyon, pwede na rin naman ang mga hand-me-down baby boy outfits na maaring galing sa kapatid o kaya naman ay sa mga pinsan ng anak mo. Sa ganitong paraan, mababawasan ang iyong gastos—mas praktikal kung tight talaga ang inyong budget.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles