Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Jollibee Tipid Hack: Narito Ang Pwede Mong Gawin Sa P12,000 Na Budget

    Wais na nairaos ni mommy Angelica ang first birthday at binyag ng kanyang anak.
    by Ana Gonzales .
Jollibee Tipid Hack: Narito Ang Pwede Mong Gawin Sa P12,000 Na Budget
PHOTO BY Angelica Castelo Benedicto
  • Palaging naghahanap ang mga nanay ng paraan para i-celebrate ang kaarawan at binyag ng kanilang mga anak nang hindi gumagastos ng masyadong malaki. Kaya naman marami ang naghahanap ng tipid hacks sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Narito ang isa mula kay mommy Angelica at daddy Christopher. Ayon kay mommy, PHP15,000 ang budget na inilaan nila para i-celebrate ang birthday at binyag ni baby. Napili nila ang Jollibee at tinawag nilang Fairy First Birthday and Christening Ni Araiah ang kanilang party. 

    Sa Fairview, Regalado branch ng Jollibee nila napiling mag-celebrate. Kwento ni mommy, hindi na siya nag-padecorate ng background dahil Php1,500 to Php3,500 din ang magagastos para doon.

    PHOTO BY Angelica Castelo Benedicto

    Anong food package ang inorder ni mommy?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang gumawa ng sarili mong combination ng mga pagkain sa Jollibee pero kailangan mo munang umorder ng Php5,000-worth na food package.

    “Food Package D ang pinili ko,” kwento ni mommy Angelica. May kasama itong fried chicken with rice, softdrink, spaghetti, sundae, at fries. Ganito ang ginawa ni mommy na food combination:

    Food Package D for 21 people (Php241 each) = Php5,061

    Fried Chicken with Rice, fries, softdrink for 29 people (Php105 each) = Php3,045

    Sundae for 29 people (Php30) = Php870

    Spaghetti for 29 people (Php50) = Php1,450

    TOTAL: Php10,426

    Idagdag mo pa ang party fee na Php1,500, overall, ang total ay Php11,926.

    Sa Php12,000 may party ka na sa Jollibee.

    More from Smart Parenting

    Magkano ang nagastos sa giveaways at loot bags?

    Para sa giveaway at loot bags, bumili si mommy ng 30 piraso ng magagandang wooden combs sa Divisoria na nakuha niya sa halagang Php20 each (Php600 total). Bumili rin siya ng 20 piraso ng wooden bracelets sa halagang Php10 each (Php200 total).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang pinamiling school supplies para sa mga bata na nagkakahalaga ng Php120 para sa 12 piraso, tatlong packs ang binili ni mommy. Inilagay niya ito sa loot bag na binili niya sa Daiso at nilagyan niya ng lace at ribbons.

    PHOTO BY Angelica Castelo Benedicto

    Ang cake ni baby ay nanggaling sa Goldilocks, regalo ng isa sa mga ninang ni baby. Ang natira naman sa budget ni mommy ang siyang ibinili niya ng damit ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Angelica Castelo Benedicto

    Patunay si mommy na kasya at pwedeng-pwedeng mag-enjoy sa budget na Php15,000 ang 50 bisita. May mga nag take home pa nga dahil may ilang hindi nakapunta. Pagdating talaga sa celebrations, maaasahan mo ang mga nanay na maghanda nang hindi gumagastos ng masyadong mahal pero hindi rin isinasakripisyo ang kasiyahan ng mga bisita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapag-celebrate na ba kayo sa Jollibee? Anong tipid strategy ang ginamit mo? I-share mo na iyan sa comment section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles