-
Preschooler How NOT to Raise a Lazy Child: 6 Practical Tips for Parents
-
Money Pinay Mom Says This Work At Home Job Lets You Earn Up To P100K Monthly
-
Love & Relationships 'Am I Overreacting?' Mom Wonders About Comments Another Woman Left On Husband's Posts
-
Toddler Matigas Ang Ulo At Sumasagot? 4 Ways To Discipline Kids Who Refuse To Listen
-
McDonald's Party Para Sa 85 Bisita: Souvenirs, Handa, Backdrop At Iba Pa
Hot air balloon at teddy bears ang theme ng McDonald’s party na ito.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Cathrel Garcia
Isa na siguro sa mga pinakacute at dreamy na party themes ang hot air balloon. Madalas kasi ay blue ang color palette na ginagamit ng mga nanay kaya relaxing ito at masarap tignan. 'Yan ang napiling party theme ni mommy Cathrel Garcia para sa kanyang anak.
Rainbow baby ang anak nilang si Zach kaya naman siniguro nilang mag-asawa na magiging espesyal at masaya ang unang birthday ng kanilang munting anghel. "I was pregnant July of 2017 with my first baby sana, but sadly, nag-miscarriage ako," kwento niya sa amin sa isang Facebook Messenger interview. "Toxic sa work abroad kaya umuwi na lang ako sa Pilipinas. Sumunod ang live-in partner ko. After six months, I got pregnant. Sobrang ingat na namin kaya he was born healthy," pagbabahagi niya.
Kwento ni mommy, nirent niya ang tablecloth sa halagang P50 at binili naman niya sa Shoppee ang banner at foil curtain.PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon pa kay mommy, napili niya ang hot air balloon at teddy bear bilang theme dahil kahit simple lang itong tignan at madaling gawin, maganda at kaaya-aya pa rin. Nakakuha rin si mommy ng inspirasyon mula sa isang vlogger na sinusundan niya online.
Karamihan naman ng mga suppliers ni mommy ay nagmula sa Facebook.
Para sa cakes at balloons, umorder siya sa Rosslan’s Cupcakes & Cakes (Facebook: rosslanscupcakesandcakes).
Sobrang cute ng cake ni baby! Manghihinayang kang kainin.PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKwento ni mommy, kuhang-kuha nila ang gusto niyang design. Sulit din daw ang setup nila pagdating sa balloons kaya masaya si mommy sa kinalabasan.
Sobrang ganda rin ng kulay ng mga cupcakes.PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaPhp3,500 ang nagastos ni mommy para sa personalized cake na may kasamang 24 pieces na cupcakes. Mayroon din siyang donut wall na nagkakahalaga ng Php250 sa Lazada.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMatitiis mo bang hindi kumuha agad sa donut wall at treats ni mommy?PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaNarito naman ang breakdown ng pagkain na inorder ni mommy para sa mga bisita:
- 1-piece chicken with medium drinks (Php104 each, 55 pieces) = Php5,720
- Chicken spaghetti with regular drinks (Php122 each, 30 pieces) = Php3,600
- Sundae (Php29 each, 80 pieces) = Php2,320
- Burger (Php35 each, 80 pieces) = Php2,800
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTotal: Php14,440 + 350 (charge for photobooth)
Para naman sa souvenirs, sanitizers ang naisip na ipamigay ni mommy. Inorder niya ito sa Happy Delight (Facebook: @happydelightbygenesis). Nagkakahalaga ito ng Php2,000 para sa 50 piraso.
Mayroon ding photo coverage si mommy na nakuha niya sa halagang Php2,500 at photobooth na binayaran niya sa halagang Php3,500—@lovedreamcloud sa Facebook ang napili niyang supplier.
Buti na lang good mood si baby para sa photoshoot!PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWOFW si daddy at hindi siya nakarating sa birthday ni baby, pero kahit papaano ay nakapagvideo call pa rin ang mag-anak at parang nandoon na rin si daddy.
Kahit na OFW feels, push pa rin!PHOTO BY courtesy of Cathrel GarciaWhat other parents are reading
Nasubukan mo na ba ang hot air balloon at teddy bear na theme? I-share mo ang inyong experience sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebok group na Smart Parenting Village para sa mas marami pang DIY party theme inspirations.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

View More Stories About
Trending in Summit Network