-
Sobrang Cute! Mobile Legends Birthday Party
Hero na hero ang dating nina mommy at daddy!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kalimitan ay pinag-aawayan ng mga mag-asawa ang mga mobile games tulad ng Mobile Legends at Call of Duty. Madalas kasi ay dito nauubos ang oras ng mga haligi ng tahanan na siya namang madalas ikainis ng mga nanay.
Kaya naman natuwa kami nang ibahagi sa amin ni mommy Jhen Flores ang Mobile Legends birthday party na ihinanda nila ni daddy Vince para sa kanilang isang taong gulang na anak.
Nang tanungin namin si mommy sa pamamagitan ng Facebook Messenger interview kung bakit ito ang napili nilang mag-asawa na party theme, ikinwento niya sa amin na si daddy ang mahilig sa mobile games. “Adik ang asawa ko at mga tito ninong ni baby sa larong ‘yan. Ako lang ang hindi makarelate sa kanila,” masayang pagbabahagi niya. “I turned my inis into positive na lang. Ako ang may idea niyan, biro ko lang sa hubby ko pero sineryoso nya—hindi ko na nabawi,” dagdag pa niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi nga niya, kung siya raw ang papipiliin, mermaid o hindi naman kaya ay princess sana ang gusto niyang theme. Ayon pa kay mommy, kahit kailan ay hindi siya naglaro ng Mobile Legends. “Wala akong kilala sa characters, hanggang ‘yan nga ang naging theme, saka ko lang sila nakilala,” sabi niya. “Natuwa rin ako kasi naging hands-on si hubby sa pag-prepare kasi love niya ang idea,” kwento pa ni mommy. Narito ang kanilang mga suppliers kung gusto mo man ng ganitong party theme para sa anak mo.
What other parents are reading
Saan ang venue?
Ginanap ang kanilang handaan sa Wanam Food Palace sa Bauan, Batangas (Facebook: @Wanam-Food-Palace-Bauan-Batangas).
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresCONTINUE READING BELOWwatch nowPHOTO BY courtesy of Jhen FloresSamantala, iniregalo naman ng ninong ni baby (Odeor Perfume Bar Weddings & Debut Facebook: @odeorph) ang souvenirs na 100 pieces ng perfume at 40 pieces na bote ng hand sanitizers.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHalos lahat naman ng mga elements na makikita mo sa venue ay gawa ng theme provider ng Wanam na Queens of Parties (Facebook @queensofparties).
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresNagkakahalaga ng Php40,000 ang kinuha nilang party package na kasama na ang mga sumusunod:
- Potato Giant cart
- clown at host na nagfacilitate ng mga games at magic show
- bubble at balloons show
- backdrop at standees
- welcome arc
- ballon decorations
- 1 layer cake at 24 cupcakes
- candy buffet
- face painting
- 30 pieces invitation, lootbags, name tags, at balloons on stick
- kiddie tables and chairs
- 10 game prizes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagdagdag sila ng additional na Php3,000 dahil bagong theme ang ipinagawa nila sa Queen of Parties.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresPHOTO BY courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Sino ang kanilang photobooth provider?
Highly recommended naman ni mommy Jhen ang RC Studio Photobooth (Facebook: @rcstudiophotobooth) pagdating sa kanilang photobooth needs.
Ayon kay mommy, RC Studio Photobooth rin ang kinuha nila para sa kanilang kasal at pati na rin sa birthday ng pamangkin nila. "Maganda silang mag-layout at 'yung mga props nila, hindi nahuhuli sa uso," kwento ni mommy. "At the same time, very affordable sila at mababait ang mga staffs nila," dagdag pa niya.
PHOTO BY RC Studio Photobooth courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY RC Studio Photobooth courtesy of Jhen FloresSaan nila binili ang kanilang costumes?
Pagdating naman sa damit, kuhang-kuha ni mommy, daddy, at baby ang look ng ilan sa mga sikat na heroes o characters sa Mobile Legends.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy, tinulungan sila ng Acie's Place (Facebook: @aciesplace) para ma-achieve ang look na hinahanap nila. "Pinagawan ko si baby worth Php2500 po 'yung costume niya. Pati po samin mag-asawa dun din," kwento niya.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresHindi naman sila binigo ng kanilang supplier dahil talaga namang ang ganda ng kinalabasan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Jhen FloresWhat other parents are reading
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGood vibes talaga ang na-experience ng mga bisita nina mommy na inabot ng 80 na adults at 20 mga bata. Lahat ay may bitbit na mga giveaways, prizes at ngiti sa mga mukha. Malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng kanilang mga suppliers, lalo na sa kanilang photobooth provider at sa Wanam Food Palace, partikular na kay Mayben Gonzalvo, na ayon kay mommy ay siyang nanguna para lahat ng detalye ay sunod sa temang naisip nina mommy at daddy.
Siyempre, natupad pa rin naman ni mommy ang gusto niyang princess na theme para kay baby pero sa pre-birthday photoshoot na ito nangyari.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy, give and take silang mag-asawa para ma-achieve ang parehong pangarap nila para sa kanilang munting anghel. Dahil sa bigayan nila na ito, mas naging matagumpay ang selebrasyon ng unang kaarawan ng kanilang anak.
PHOTO BY courtesy of Jhen FloresADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

- Shares
- Comments