embed embed2
  • Fiesta Birthday Party Inspirations: Banderitas, Souvenirs At Giveaways

    Gusto mo ba ng party theme na hango sa tradisyong Pinoy na ito?
    by Ana Gonzales .
Fiesta Birthday Party Inspirations: Banderitas, Souvenirs At Giveaways
PHOTO BY Alelly Cablao-Hernane
  • Kalimitan, ang mga tema ng mga birthday parties ngayon ay hango sa mga tradisyon o kaugaliang mula sa ibang bansa. Nariyan ang unicorn, fairy, o hindi naman kaya ay mermaid. Masaya, makukulay, at talaga naman patok sa mga bata ang mga temang ito kaya naman nawiwili tayong mga magulang na ito ang gamitin para sa mga mahahalagang araw ng ating mga anak.

    Pero alam niyo bang mayroon din tayong sarili nating tradisyon na makulay, masaya, at siguradong magugustuhan din ng mga bata? ‘Yan ang fiesta o pistang Pinoy—banderitas pa lang, siguradong magiging masaya na ang anak mo at ang inyong mga bisita. Narito ang ilang mga parties na pwedeng magsilbing inspirasyon:

    Pasasalamat nina mommy Arvie Montejo-Rubio

    Kwento ni mommy Arvie sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, napili nila ang fiesta na theme dahil ang pista ay tungkol sa pasasalamat. "We decided na fiesta theme ang birthday ni baby kasi super grateful kami nang dumating siya sa buhay namin," kwento niya. "She is our rainbow baby. Two years bago siya naibigay sa amin. So celebration of life talaga," dagdag pa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Ayon pa sa kanya, makulay kasi ang fiesta na party theme kaya naman talagang masaya at festive itong tignan. Para hindi masyadong mahal ang magastos nila, nag-DIY si mommy ng ilan sa mga elemento ng party katulad na lang ng invitation.

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Si mommy Arvie na mismo ang nag-layout nito at nagprint. Ganito rin ang ginawa niya para sa mga table numbers. 

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    Mayroon ding ipinamigay na mga coloring books si mommy Arvie para hindi mainip ang mga bata sa party.

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa dessert buffet ng mga bata, bumili si mommy ng cookies, chocolates, lollipops, pretzels, at gold coin chocolates. 

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    Para naman sa giveaways, bumili si mommy ng plastic cones na pinuno niya ng mga candies tulad ng gummy worms, mallows, jelly beans, at sprinkles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PHOTO BY courtesy of Arvie Rubio

    Php45,000 ang total cost ng kanilang celebration sa Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe Parish Bantigue Hall para sa 200 tao at 50 mga bata.

    More from Smart Parenting

    Unang Pista ni Audrey

    Ito naman ang naisip na itawag ni mommy Alelly Cablao-Hernane sa birthday party ng kanilang baby girl. Narito ang kaniyang mga suppliers:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa venue, nag-celebrate sila sa Ressie's Gardenville (Facebook: @ressiesgv). 

    PHOTO BY Ironpixels Photography courtesy of Alelly Hernane

    Maraming pagpipilian ang mga bisita pagdating sa pagkain kaya naman talagang nag-enjoy sila. Isa sa mga providers nila ay ang Lady's Catering Services. 

    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang taho provider, munting sari-sari store at iba pa sa venue na talaga namang kinagiliwan ng mga bata.

    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane

    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane

    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    Hanga talaga kami sa creativity at pagpupursigi ng mga nanay pagdating sa pag-aayos at paghahanda ng mga selebrasyon ng kanilang mga pamilya. Patunay ang mga nanay sa aming online communities tulad ng Smart Parenting Village at Parent Chat na kailangan mo lang ng creativity, tiyaga, maraming pasensya at kaunting kaalaman sa arts and crafts para makabuo ng isang maganda at makabuluhang selebrasyon para sa iyong pamilya. Syempre hindi mawawala ang mga suppliers na maaasahan at abot kaya.

    Kayo? Paano ninyo i-celebrate ang birthday ng anak ninyo? Anong tema ang napili ninyo? I-share na iyan sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles