Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Saan Makakabili? Personalized Giveaway, Panregalo At Party Supplies
PHOTO BY ClayChing/RTR Souvenir Shop
  • Isa sa mga pinakamagandang paraan para iparamdam mo ang iyong appreciation sa iyong reregaluhan ay ang pagbibigay ng personalized gifts. Ibig sabihin kasi nito ay isinasaalang-alang mo ang gusto at magagamit nila bago ka magbigay ng regalo. 

    Kaya naman inipon namin ang mga highly recommended suppliers ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

    Favors and Prints PH by Haileigh's Souvenir Haven

    (Facebook: @FavorsAndPrints)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano man ang hanap mo, maging cute na laruan, useful na alkansya, o di kaya ay mga keychains, tumblers, puzzles o bag, mayroon sila dito sa Haileigh’s Souvenir Haven.

    Ang kanilang mga personalized banderitas ay nagkakahalaga ng Php155 habang ang kanilang invitations naman ay mabibili mo sa halagang Php21 kada isang piraso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kanilang personalized kiddie tumblers ay nagkakahalaga ng Php80. Habang ang kanilang thank you tags ay nagkakahalaga naman ng Php6 isa. May water bottle labels din sila na pwede mong makuha ng Php10 isa.

    More from Smart Parenting

    Iviang Souvenirs

    (Facebook: @iviang03)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mo naman ng personalized items na may larawan o pangalan ng iyong guests, dito ka pwedeng umorder. Mayroon din silang Color Me Pillows na magandang ipamigay sa mga bata.

    Bukod pa riyan, mayroon din silang mga unan, tumblers, at water bottles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ClayChing ClayCreations

    (Facebook: @ClayChing)

    Ito na siguro ang pinaka-cute na pang giveaway dito sa buong listahan.

    Bukod kasi sa malalagyan mo ng pangalan ng iyong reregluhan, maipapagaya mo rin ang iyong mismong pagbibigyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At dahil 100% personalized at customized ang mga ito, bagay ito sa ano mang okasyon—binyag, kasal, birthday o kahit ngayong holiday season.

    Ano mang kulay, hugis, o disenyo ang gusto mo, pwede mo itong ipagawa sa kanila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    RTR Souvenir Shop

    (Facebook: @rtrsouvenirshop)

    Para naman sa quality personalized keychains at bracelets, highly recommended ng mga nanay sa Village ang RTR Souvenir Shop. 

    Laser-engraved ang kanilang mga keychains at napakaganda at personalized din ng packaging ng bawat isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang hand sanitizer favors na pwede mong sulatan ng pangalan ng mga pagbibigyan mo.

    Maging mga kandilang pang binyag ay mayroon din sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pixels

    (Facebook: @pixels.TshirtDesigns)

    Praktikal naman na regalo o souvenir ang makikita mo sa Pixels. Highly recommended ng mga nanay sa Village ang kanilang personalized tote bags. 

    Pwede mo ring lagyan ng ibang bagay o care package ang loob ng tote bag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mo na rin kailangang mamroblema sa pag-iisip ng design dahil sila na rin mismo ang gagawa kung wala ka pang ready na design. 

    More from Smart Parenting

    Doodle Box

    (Facebook: @doodleboxph)

    Para naman sa iyong ‘crayon needs’, pwede kang umorder sa Doodle Box. Mayroon silang non-toxic, handmade crayons na iba’t-iba ang hugis at may kasama pang maliit na coloring page.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano man ang theme mo, pwede nila itong gawan ng handmade crayon equivalent.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Blissful Moments - Invitations and Souvenirs

    (Facebook: @BlissfulMomentsbyshiela)

    Bukod sa kanilang crayon souvenirs, coloring books, at mugs, magaganda rin ang mga invitations nila.

    Marami rin silang ibang souvenirs na pwede mong pagpilian.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lang ang mga ito sa mga suppliers ng personalized items kung saan ka pwedeng umorder para sa iyong mga pamasko o di kaya ay panregalo. Mayroon ka pa bang ibang suppliers na mairerekomenda? I-share mo na sa amin sa comments section. Pwede mo ring ibahagi sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles