Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Saan Makakabili? Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Wreck-It Ralph At Candyland Party
PHOTO BY iCapture Studios
  • Isa sa mga paborito naming nakikita sa loob ng aming Facebook group na Smart Parenting Village ay kung paano magbudget at maghanda ang mga nanay para sa mga parties nila.

    Na-excite kami nang makita namin ang Wreck-It-Ralph party ni mommy Jamie Parreno para sa kanyang baby girl. Ayon sa kanya, dahil mahirap at hindi common ang theme, naglaan sila ng mahabang panahon para maghanda.

    Kwento pa niya, malaking tulong Narito ang mga suppliers na tumulong sa kanya, pati na rin ang mga bahagi ng party na siya ang gumawa.

    More from Smart Parenting

    Party design 

    Click Party Services (@clickphotoboothshoppe) ang contact ni mommy pagdating sa backdrop at venue design.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa kanilang affordable backdrop mayroon din silang balloon decors at venue styling.

    Ayon pa nga kay mommy Jamie, sila ang maaasahang kakampi ng mga nanay na ngarag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakaganda ng ginawa nila sa venue nila mommy sa Grass Residences, SM North Edsa. Pasok na pasok sa temang Wreck-It-Ralph ang pastel colors at candy-inspired designs.

    More from Smart Parenting

    Party host

    Syempre, hindi kumpleto ang isang party kung wala ang host. Si Gen ng TeamGen (Facebook: @GenGalisim.TeamGen) ang kinuha ni mommy Jamie.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay mommy, ang mga bata ang VIP niya sa party kaya siniguro niya talagang magiging masaya ang mga bata at malaki ang naitulong ng kanilang event host doon.

    Party performer

    Bukod sa host, malaki rin ang naitutulong ng party performers para buhayin at gawing mas masaya ang party.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Highly recommended ni mommy Jamie si Tonzy Abellon (Facebook: @tonytonzy.abellon.1). 

    Ayon pa kay mommy, mayroong magandang father-daughter tandem si Tonzy at ang kanyang anak na siguradong ma-eenjoy ng mga bisita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Food

    Pagdating naman sa pagkain, sabi ni mommy Jamie, suki na nila ang Queensland Catering Services (Facebook: @queenslandcatering) sa kanilang mga handaan needs. 

    Kwento pa ni mommy, umuwi ang mga bisita niya na busog na busog at magaganda ang feedback sa mga pagkaing nakahain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga putaheng mayroon ay clam chowder, seafood pasta in creamy tomato sauce, roast beef with mashed potato, pork humba with coriander, at herbed roasted chicken. 

    Si mommy naman ang gumawa ng dessert station na sa sobrang cute ay panghihinayangan mong kainin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding donut wall na pinagawa nila mommy sa tulong ng kanilang in-laws.

    Ang birthday cake naman para sa party ay ginawa ng April’s Cup-Cakes & Muffins na isang malapit na kaibigan din ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cute na cute ang mga detalye at patok na patok sa mga bisita ang lasa.

    Marami pang suppliers para sa mga maliliit na detalye katulad ng Handicrafts Atbp. at Novie James and Crafts para sa mga paper craft needs na kailangan ni mommy para sa party.

    Para sa giveaways, utensils na inorder niya sa Shoppee ang ibinigay ni mommy sa mga adults habang toys naman mula sa Market Market (Edeng’s Toy Store) ang ibinigay niya sa mga kids. Para sa mga ginamit niyang personalized ribbons, umorder siya sa Jack Lyne (Facebook: @customized.items.144).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding inflatables para sa mga bata, na ayon kay mommy ay malaking tulong para less stress para sa mga guardians. Para sa inflatables nila, nakipag-coordinate sila sa Kids Paradise.

    Masayang-masaya ang pamilya ni mommy sa kinalabasan ng party. Umuwi ang mga bata na masaya, busog, at excited para sa susunod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Unique ba ang tema ng birthday party ng anak ninyo? I-share niyo na iyan sa comments section o hindi kaya ay idetalye sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles