embed embed2
Unicorn-Themed Suppliers Para Sa First Birthday Ni Baby
PHOTO BY iStock
  • Hit talaga sa mga bata ngayon ang unicorn-themed parties. Kahit si Zia Dantes, ang panganay ng power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ay nag-celebrate ng kanyang fourth birthday na unicorn ang theme.

    Kung ito ang gusto mong theme para sa celebration ninyo ngayong taon, mapa-binyag man yan o birthday, narito ang ilan sa mga suppliers na pwede mong tawagan: 

    TBH Events

    (Facebook: @TBH-Events-259174257569061)

    Kung kailangan mo ng tulong pagdating sa venue styling at iba pa, isa sa mga nirekomenda ng mga nanay ang TBH Events.  

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang makipagcoordinate sa kanila sa ano mang pangangailangan mo, mula sa backdrop, design, souvenirs, invitations, at cake—aayusin nila para sa iyo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang kanilang styling package ay pwedeng magkahalaga ng mula sa Php15,000 hanggang Php30,000.

    Faithytale Designs

    (Facebook: @DisenyongFaithytale)

    Kung invitations lang ang kailangan mo, recommended ng mga nanay ang Faithytale Designs. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa unicorn theme, marami pa silang themes na pwede mong pagpiliian.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Goldilocks

    (Facebook: @GoldilocksPH)

    Pagdating sa cake, aminado ang mga nanay na medyo may kamahalan ang customized unicorn cake.

    Kung limited ang iyong budget, mayroon namang mabibiling unicorn-themed cakes mula sa Goldilocks.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa katunayan, mayroon silang unicorn-themed selection na pwede mong pagpilian.

    Rosemary’s Homemade Treats

    (Facebook: @RosemarysHomeMadeTreats) 

    Ilang beses na ring nirekomenda ng mga Village members ang Rosemary’s dahil bukod sa maganda ang designs nila, masarap din ang kanilang cakes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang mamili kung dalawang layers ang kukunin mo o isa lang—alin man ang maging choice mo, siguradong maganda silang dalawa.

    Pero kung hindi ganoon kalaki ang budget mo para sa cake, pwede kang mag-DIY ng tulad ng ginawa ni mommy Dang Saspa Basilio.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Halos Php500 lang ang nagastos niya. Bumili lang siya ng vanilla message cake mula sa Max’s at nilagyan ito ng cake toppers na unicorn ears at horn na binili niya sa Shoppee.

    Beyond the Plate

    (Facebook: @beyondtheplateph)

    Para naman sa inyong pagkain, pwede kang mag-pacater sa Beyond the Plate. Sila ang caterer ng unicorn-themed party ng ilang mga nanay sa Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang nagustuhan ng mga nanay sa Beyond the Plate ay hindi sila mahirap kausap kung gusto mong i-customize ang menu.

    Abot-kaya din ang presyo at masarap ang pagkain.

    Kung naghahanap ka naman ng unicorn dress, karamihan ng mga nanay sa Village ay umoorder sa Shoppee, Lazada, at Carousel. Makakabili ka rin dito ng unicorn na headband na pwede mong makuha ng mura basta’t in bulk ka bibili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding mga nanay na dumayo pa sa Baclaran at Divisoria para doon mamili ng mga pang giveaway nilang unicorn-inspired. Mayroon doong mga headband, keychains, at kung anu-ano pa.

    Nasubukan mo na ba ang unicorn theme para sa party ng anak mo? I-share mo sa comments section kung paano mo ito nagawa at kung sino ang suppliers mo. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa karagdagang inspirasyon.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles