Tagalog,baby stage,toddler stage,spv lifestyle,Useful Souvenirs For Ninong Ang Ninang,binyag, baptism, souvenir, souvenirs, baptism souvenirs, souvenir sa binyag, personalized souvenirs,Mas magandang bigyan mo sila ng regalong magagamit talaga nila pagkatapos ng binyag.
CelebrationsParty Planning

Useful At Personalized Souvenirs Para Kay Ninong At Ninang

Useful At Personalized Souvenirs Para Kay Ninong At Ninang
PHOTO BYiStock

Dahil sa dami ng mga online stores ngayon, hindi ka na talaga mauubusan ng options pagdating sa iyong mga party planning needs.

Kung souvenirs ang hanap mo para sa ninong at ninang ng iyong anak, narito ang ilan sa mga ideas na pwede mong pagpilian, kasama na rin ang mga sellers na pwede mong pagbilhan. Highly recommended ito ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

Body Scrub o Body Butter Set

Bagay na bagay ito sa mga ninang ng anak mo na mahilig sa skin care essentials.

Pwede kang umorder nito sa The Bath Essences (Facebook: thebathessences). Mayroon din silang mga bath bombs na pwede mong pagpilian.

Ecolapis

Marami nang mga panregalo ngayon na patok lalo na sa mga advocates ni Inang Kalikasan. Nariyan ang mga metal spoons, forks, at straws na pamalit sa mga plastic utensils.

watch now

Para maiba naman, bakit hindi mo subukang magbigay ng mga ecolapis sa ninong at ninang ng anak mo?

Madali lang gamitin ang mga ito, ipansusulat mo lang sila hanggang maging maiksi, saka mo sila itatanim.

Mabibili mo ang mga ito sa Ecolapis Ni Tol (Facebook: EcoLapisniTol). Maaari mo itong ipa-customize depende sa gusto mong desenyo o sa tema ng inyong selebrasyon.

Tote bags

Para naman hindi na kailanganin pang magbayad ng extra ng mga ninong at ninang ng anak mo para sa mga ecobags sa groceries, pwede mo silang bigyan ng tote bags.

Marami kang maoorderan nito online, pero nirekomenda ng mga nanay sa Village ang Theroblesproject (Facebook: theroblesproject).

Pwede mo itong palagyan ng pangalan ni ninong at ninang, para personalized at mas nakakaengganyong gamitin.

Maraming mga styles at themes din na pwede mong pagpilian.

Hand Towels

Maganda ring ipamigay kay ninong at ninang ang mga hand towels na gawa ng Pamana -Abel Blankets (Facebook: pamanaabel.ph).

Sa personalized packaging pa lang ay matutuwa na ang mga pagbibigyan mo.

Bukod sa maganda na ang mga designs, matibay din at dekalidad ang mga ito.

Unique Mugs with Coasters

Iisipin mong luma na ang mugs at boring din ang coasters, pero kung ganito naman kaganda sa gawa ng LadyG ArtsnCrafts (Facebook: ladygartsncrafts), siguradong matutuwa ang pagbibigyan mo.

Mayroon din silang leaf journals na pwede nilang i-personalize.

Karamihan ng kanilang mga souvenirs ay rustic at gawa sa kahoy o mga natural na materials.

Unan at Pambahay na Tsinelas

Maganda at praktikal na souvenir din ang slippers, lalo na kung personalized. Pwede kang umorder niyan sa Personalized by Zuri & Chloe (Facebook: personalizedbyzuriandchloe).

https://www.facebook.com/personalizedbyzuriandchloe/photos/a.353281551846946/760876721087425/

Siguradong magugustuhan ito ng mga ninong at ninang ng anak mo.

https://www.facebook.com/personalizedbyzuriandchloe/photos/a.358742217967546/708023816372716/

Bukod sa mga nabanggit, maganda ring magpamigay ng mga caricature ni ninong at ninang. Kung malaki ang inyong budget para sa souvenirs, pwedeng-pwede kayong magpagawa ng mga ganito.

Maganda sa Little Portraits (Instagram: little.portraits) dahil sobrang cute ng kanilang mga illustrations.

Pwede mong pagawan si ninong o ninang lang o pwede ka ring magpagawa ng illustration na kasama ang iyong anak.

Nakapili ka na ba ng souvenir para sa mga ninong at ninang ng anak mo? Anong plano mong ibigay sa kanila? I-share mo na sa comments section.

Kung gusto mo pang makakita ng mas maraming inspirasyon para sa souvenirs, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close