mother's day,Tagalog,GCash,How To Send Mother's Day Gift Through GCash,gcash, money, gift, mother's day, motherhood, notalone, mayformama,Pwede kang magpadala ng cute na greeting card sa pamamagitan ng GCash!
CelebrationsSpecial Occasions

I-GCash Mo Na Lang, Dad: Last Minute Mother's Day Gift Para Kay Nanay

Kung hindi ka pa nakakabili, pwede mo siyang bigyan nito!
PHOTO BYScreenshot/GCash App/Ana Gonzales

Mahirap mang mag tipon-tipon ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, hindi ibig sabihin nito ay mauudlot na ang pag-alala ninyo kay nanay ngayong Mother's Day (o kahit ano mang araw ng taon).

Marami nang mga regalo at surprises ngayon na pwede mong bilhin online. Sa katunayan, may mga food trays na ngang available para sa Mother's Day, para naman hindi na maabala pa sa pagluluto si nanay—kahit sa isang araw lang.

Nariyan din ang mga beauty products, foldable bathtub, at pampainit ng kape na siguradong magugustuhan ni mommy.

Kung sakali namang hindi ka makaka-order o kaya ay hindi ka nakapag-plano, pwede mong ipadala na lang ang pera kay mommy kasama ng isang cute na cute na greeting card.

'Yan ang kasalukuyang mga themes na mayroon sa GCash. Marami kang pagpipilian, mula sa nakakatuwa, hanggang sa nakakaantig ng damdamin.

article image
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
article image
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales

Ang maganda sa mga 'greeting cards' na ito ng GCash, pwede mo silang lakipan ng kaunting halaga para magamit ni nanay sa mga pangangailangan niya.

article image
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
watch now
article image
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
article image
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales

Kung pagkain naman ang gusto mong ibigay kay nanay, pwede kang umorder sa pamamagitan ng GLife na makikita rin sa app. Available din ang mga grocery items, beauty products, libro, desserts, at marami pang iba.

Hindi pa huli ang lahat, daddy! Pwede ka pang magpatulong sa mga anak mo para gawing espesyal ang araw na ito para sa ilaw ng tahanan.

May regalo ka na ba para kay mommy ngayong Mother's Day? I-share mo na iyan sa comment section. Pwede mo ring tignan ang gift guide na mayroon sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more

Close